VII

1K 52 2
                                    

M.
Paru-paro

UMIIKOT ang paligid ko. May mga nagkakagulo. May nag-aalburoto sa galit na babaeng may itim na aura. At may ngiti siya na nagbigay ng kilabot sa lahat ng taong nasa loob ng silid. May kung ano siyang ibinulong kaya't hindi ako nakagalaw. Para akong nakalutang at hindi makakilos nang naaayon sa sarili kong kagustuhan. Tila baga pinaralisa niya ako.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Hinimas-himas pa ni Madame Helga ang maliliit kong kamay para ako'y pakalmahin. Kani-kanina lang ay wala akong magawa kundi ang humiga at panoorin ang mga nangyayari na hindi ko rin maintindihan dahil nanlalabo ang paningin ko.

Hindi ko naman nagawang tumango kaya't nginitian ako ni Madame Helga.

"Gusto ko mang ipaliwanag sa'yo ang mga bagay-bagay nang maaga ay hindi ko magagawa. Kailangan mo munang magkaroon ng malakas na puso."

Malakas na puso? Sa pagkakaalala ko, wala akong sakit sa puso. Lalo lang ako naguluhan.

Bumuntong hininga si Madame at marahang tinapik ang aking likod.

"Mananatili ka sa puder ni Victoria sa loob ng isang buwan. Tsaka na kita babasahan mula sa mga bituin." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkabigla. Alam ko na agad na ang Victoria na tinutukoy niya ay si Donya Victoria na tinakasan namin.

Ako lang pala ang nagpumilit tumakas..

"Gaano po ba ka-nakakabigla ang sasabihin niyo sa'kin? Baka naman niloloko niyo lang ako. Wala po akong sakit sa puso." Natawa naman si Madame Helga pero agad ding nakabawi at ngumiti sa akin.

"Hija, maiintindihan mo rin ang mga sinasabi ko." Lumabas na kami sa silid. Pero napalingon ako sa lugar kung saan ako nawalan ng malay.

Alam ko sa sarili ko na bubog ang mga nakikita kong kumikinang na mga puti sa sahig. Saglit lang na nadaanan namin ang papasok sa silid kainan pero batid ko na may nangyari noong wala akong malay.

"Kailangan mo munang magpahangin sa labas. Sasamahan ka nila Miguel at Rafael pati na rin si Ofelia."

Itatanong ko na sana kung sino yung isa pa naming kasama nang bigla niya na akong sagutin.

"Siya ang aking kanang kamay. Magtiwala ka sa kanya." Nagpaalam na sa akin si Madame Helga na may pupuntahan daw kaya't nagmamadaling umalis kasama ang tatlong kababaihan.

Una kong nasilayan si Miguel pero agad ding lumipat ang tingin ko sa nakatingin sa malayo na si Rafael. Nakaupo silang dalawa sa ilalim ng puno ng mangga. Si Miguel ay may hawak na libro, samantalang si Rafael ay may malalim na iniisip.

Tumatakbong lumapit ako sa kanila pero napatigil ako nang biglang may lumiwanag sa likod ko. Titingin na sana ako palikod nang bigla akong hinigit ng isang babae. Sa tantiya ko ay mga nasa labindalawa lang siya.

"Kumusta binibining Marinara, ako si Ofelia. Wala akong palayaw pero may pangalan na dapat mong itawag, Ofelia! Opelyaaa!" Tumalon-talon pa siya sa harap ko na parang batang binigyan ng kendi. Kinurot ko siya sa pisngi at magkasabay na kaming pumunta sa dalawang binata sa ilalim ng puno.

"Kuyaaaa!" Nagulat ako sa inasta niya. Niyugyog-yugyog niya si Miguel at nagtatalon sa harap nito.

"Kapatid mo?" Tumango lang siya at sinara na ang librong hawak tsaka sinamaan ng tingin ang kapatid.

Lumipat naman ang tingin ko kay Rafael pero tila wala siyang pake. Nakatingin pa rin siya sa malayo.

Bumuntong hininga siya at tamad na sumandal sa puno.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon