Chapter 1

80.9K 1.1K 7
                                    

Chapter 1




"Dela Vega ka pa naman! Ganyan ka umasta! Youre a disgrace to this family!" Sigaw ng ama ko at namumula sa galit.


"Denis tama na. Sige na anak pumasok ka na sa kwarto mo." Mahinahong sabi sakin ni mama habang hinahaplos at pinapakalma si papa.


"Kaya lumalaking ganyan yan kasi kinukunsinti mo! Hayaan mo siya marealize na mali ang pinaggagagawa niya!" Sigaw ni papa at umambang sasampalin ako.


Tahimik lang ako na nakayuko at medyo nahihilo dahil sa dami ng ininom ko. Im a disgrace? I know i am. Why dont they ask themselves kung anong kulang nila at bakit ako nagkaganito.

2 years! 2 damn years! Wala sila sa tabi ko at sobrang bihira pa sila kung tawagan ako dahil inuuna nila ang kumpanya. Tapos ngayon na ito ang resulta nagagalit sila? psh. Idiots.


"Ang ingay niyo" Mahinang sabi ko pero alam kong narinig ni papa yon dahil pilit siyang lumalapit na para bang susuntukin na ko pero hindi niya magawa dahil inaawat siya ni mama.

"Aba loko kang bata ka!" Humakbang si papa at nasapak niya ko dahil nakapiglas siya kay mama. Napaatras ako sa lakas ng suntok niya. Ramdam ko ang sakit at init ng kamao niya sa gilid ng labi ko kinapa ko ito at nakita kong nagdurugo ito. Shit. Heto nanaman ba tayo.

"Psh.." Tiniganan ko lang si Papa na namumula parin sa galit habang yakap yakap siya ni mama. Tahimik sila at nakatingin lang sakin. Hindi na ko nagsalita pa at umakyat na patungo sa kwarto ko.


Humiga ako sa malaki at malambot kong kama at huminga ng malalim. Kasalanan nila kung bakit ako naging ganito kaya pagdusahan nila.


---

Kinabukasan nagising nalang ako sa katok ng katulong namin. Tumingin ako sa orasan sa gilid ng kama ko. Anong oras na pala.


"Sir River may tawag po kayo sa telepono" Sabi sakin ng katulong namin pagkabukas ko ng pinto ko. Inabot niya sakin ang telepono at umalis na.


"Hey! River! My man! Nakatulog ka ba? Haha! Awesome party last night right?!" Alam ko na kung sino to. Ang kaibigan kong si Rj.

"Rj ang aga aga pa lang ha. Ano bang dahilan ng pagtawag mo?" Umupo ako sa gilid ng kama ko at hinaplos ang gilid ng labi ko na ngayon ay may pasa. Damn.

"Well may photoshoot ka mamaya after class para sa contrata mo sa Franco Jeans." Seryosong sabi niya. Hay kakapirma ko lang nung sabado trabaho agad.

"Sige. Kita nalang tayo mamaya sa class" Binaba ko na ang tawag.

Ako pala si River Dela Vega. Tagapagmana ng Dela Vega hotels at isang tanyag na modelo sa ibat ibang malls at clothing lines. Sa edad na 19 sikat na agad ako. Rebelde ako hindi ko rin alam bakit. Ayoko na kinakausap ng magulang ko sadyang hindi ko lang sila gustong kausapin nasanay narin ako na wala sila sa tabi ko.


Inayos ko ang sarili para pumasok. Dumiretso ako sa kusina para kumain sana pero nawalan ako ng gana ng makita ko ang papa ko. Tinignan ko lang siya at uminom ng juice sabay alis na. Galit sakin? I dont care.

Pinatunog ko ang sasakyan ko at binuksan ang pinto. Paalis na sana ako ng tawagin ako ni mama.

"Anak pagpasensyahan mo na ang papa mo mainit lang ang ulo niya at-" Hindi ko na siya pinatapos. Ayokong siya ang humihingi ng tawad para kay papa. Gusto ko si papa ang hihingi ng tawad sakin dahil bakit si mama? Wala naman siyang ginawa.

"Sige na ma pasok na ko" Tumango lang si mama at pinabukas na sa gwardya ang gate. Pinahahurot ko ang sasakyan ko at pumasok na.


Nang makarating ako sa school pinarada ko ang sasakyan ko sa parking lot ng school at dumiretso na sa canteen. Binati agad ako ng mga kabarkada ko nang makita akong papalapit sakanila.

"Goodmorning River!" Bati sakin ni Tiffany.

"River ano nangyari sa muka mo may pasa ka" Pagaalalang sabi ni Saffarah

"Tss si papa ang dahilan." Sagot ko at sabay sabay silang tumango.Alam nila na hindi lang ngayon ito nangyari matagal nang paulit ulit na napagbunuhatan ako ng kamay ng papa ko. wala akong pakielam.

"May transfer student daw ah" Sabi ni Rj habang inakbayan ko sina Tiffany at Saffarah.

"Galing nga daw Korea yun half korean ata" Singit ni Matthew.

"Maganda ba?" Tanong ko. Kilala ako sa buong campus na playboy, Casanova etc etc. Eh kung sa gusto ko sa mga babae eh lalaki lang ako normal yon.

"Maganda Pre! Sexy at medyo maliit ang cute pre" Pagpupuri Rj.

"Psh. Maganda rin naman ako ha!" singit ni Tiffany. Hinalikan ko siya sa pisngi at nginitian ako.

"Oo na maganda ka na" Sarkastikong sagot ni Rj.


Natahimik kaming lahat sa babaeng kakapasok lang sa canteen. Magisa lang siya at mukang naglilibot libot lang sa campus. Hawak niya sa mapa ng campus at tinitignan ito ng mabuti.


Mahaba at medyo kulot ang buhok niya, Maputi at makinis ang balat, Maliit at mapula ang kanyang labi, Ang mata niya ay medyo singkit at ang ilong niyang maliit at matangos ay nagpapakitang patunay na maganda nga siya. Tumango ako at tama sila maganda ng siya.


"Wanna bet?" Mahinang alok ni Matthew sakin at tinignan ako gamit ang matalim niyang tingin.


"What bet?" Medyo natawa ako sa sinabi niya. Tumingin ulit ako sa babaeng baguhan at para bang naiirita ang tingin niya sakin. Haha! Lagi naman ganyan tingin sakin ng mga bago dito kalaunan ay mahuhulog rin sila sakin.


"Hindi mo mapapaibig yan pre" Mayabang na sabi sakin ni Matthew.

"At bakit naman? Si River hindi mapapaibig yan? Impossible!" Singit ni Saffarah at pinulupot ang kamay siya sa braso ko.


"She rejected, Zander Henandez, Yung artistang sikat na sikat ngayon at nalaman kong isang linggo palang siya dito sa Vega University marami na siyang nireject na lalaki para bang ayaw niya magpaligaw" Daldal samin ni Matthew.

"Wow challenging ah! Go na sa bet River!" Pag cheer sakin ni Rj.

"Anong bet ba gusto niyo?" Tanong ko at umaliwalas sa tuwa ang mga mata nila.

"Paibigin mo siya at pamahalin ng todo sayo sa loob ng isang buwan!" Paghamon sakin ni Matthew.

"Pag nagawa ko?" nakangising tanong ko. Madali lang to.


"100Thousand cash!" sigaw ni Matthew. Mukang paniwalang paniwala siya sa sarili na hindi ko kaya ah haha!

"Deal!" Sagot ko at nanlaki ang mata nila.

"Pag natalo ka bibigyan mo ako ng 200Thousand pesos" dagdag pa ni Matthew.

"Yun lang pala eh sige kelan ba ko magsisimula?" Tanong ko sakaniya.

"sa monday ang start." sagot niya.


This is gonna be easy. Lets see kung kaya ako ireject ng babaeng koreana na yon.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon