Chapter 32

23.9K 359 2
                                    

Chapter 32

Aileen's Point of View.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumampi sa muka ko. Kinusot ko ang mata ko at naramdaman na may mabigat na nakapatong sa tyan ko. Tinignan ko ito at napangiti ako sa nakita ko.

Hinaplos haplos ko ang braso ni River na nakapulupot sakin. Mahimbing siyang natutulog at nakaawang ang bibig. Walang nangyari samin ha! pagtapos niya ko halikan kagabi niyakap niya nalang ako at nanuod na kami ulit ng movie hanggang sa makatulog na ko.Mahal na mahal ko si River pero sa ngayon hindi ko pa kaya ibigay ang puting bandera ng pagkababae ko x_x Wala pa nga kaming isang linggo eh.

Tinitigan ko lang ang mala diyos na muka ni River. Inosente ang itsura niya pag natutulog. Matalas ang mata, Matangos na ilong, Maliit at mapulang labi at madami pang iba. This man is mine. Sana lang kung gano siya ka loyal ngayon ganun parin siya pag alis hanggang pagbalik niya. Mamimiss ko talaga tong si River. Kaylangan na niya mag ayos ng gamit ngayon dahil bukas na ang alis niya. Sunday night siya pupunta sa airport kasi 3am ang flight nila ng ate Renelee niya.

*knock knock knock* may kumatok at dahan dahan binuksan ang pinto ng kwarto ni River.

Nakita ko ang ate niya na nginitian ako at bumulong.

"Breakfast na tayo tara" Tumango lang ako at ngumiti. Dahan dahan kong tinanggal ang braso ni River na nakayakap sakin at lumapit na sa ate niya.

"May nangyari sainyo?" Nalaglag ang panga ko sa tanong ng ate niya. Nakangiti ito at mukang tuwang tuwa.

"Nako! miss Renelee wala po nangyari samin" Umiling ako at yumuko nalang sa kahihiyan. Grabe na ehh ito talaga iisipin ng ibang tao.

"Ate Renelee nalang din ang itawag mo sakin. And buti naman ay wala muna dahil kaylangan ko tong lalaking to haha!" Tumawa si Ate Renelee at agad niya kong hinila papuntang dinning room.

"Tulog pa sila mama eh ayoko naman kumain magisa so i decided to ask you and River for breakfast kaya lang bagsak parin siya ngayon alam ko ugali nung demonyong yon pag ginising ng maaga lalo na pag walang pasok hahahaha! A little warning from me my friend" Kinindatan pa ko ni Ate Renelee. Habang  hinihintay namin maluto ang agahan nagdaldalan muna kami.

Nagsabi siya ng mga tungkol kay River, ako naman nagsabi ng tungol sa family ko at syempre sa sarili ko. Para nga akong nasa talk show at iniinterview ng isang artista. Ang ganda naman kasi talaga ng ate ni River para talagang artista. Makinis ang balat, Mahaba ang buhok, Singkit din ang mata, Matangos ang ilong, Mapula ang labi at ang tangkad din niya. Nakakatomboy na nga ehh. Kung hindi ko lang mahal si River baka na tomboy na ko sa ate niya Hahaha! Joke only! :')

"Nakakatuwa kasi balita ko kay papa na nagmatured na nga si River nang makilala ka. Actually kahit nasa ibang bansa ako naiistress padin ako sakaniya" Medyo natatawa siya pero halata sakaniya na nahirapan talaga siya kay River.

"Hindi ko naman po sinabi na magbago siya. Siya po itong kusang nag bago."

"Kung ganun maganda yun. At least its his decision to change not you or not even us" Ngumiti siya at huminga ng malalim. Tama River is mature enough to stay loyal kahit magkalayo kami ng dalawang linggo.

"So nasabi na ba niya sayo na aalis siya?" Naging seryoso ang ekspresyon ng muka ni ate Renelee. Nacurious naman agad ako sa dahilan ng pag alis nila.

"Opo kagabi niya lang din nasabi sakin"

"Alam ko mahirap sainyo na magkahiwalay ng ilang linggo dahil kelan lang naging kayo. Pero i hope you understand." Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. Malungkot man isipin na magkakalayo agad kami positive lang dapat ako. Para hindi ako umiyak pag aalis na siya bukas.

"Ok lang po sakin naiintindihan ko naman po" Sagot ko kay Ate Renelee. Shes very gentle, kind and very mature.

"Im glad to hear that. Akala ko mahihirapan ako hiramin si River dahil madaming babae. Akala ko din mas mahirap ngayon kasi may girlfriend na yon pala madali lang. Dont worry hindi naman kami lalagpas ng isang buwan" What the...?! isang buwan? ?? :'(

"Isang buwan ka jan? Dalawang linggo lang ako pwede" Nagulat ako sa lalaking nagsalita na galing sa likuran ko. Alam ko na siya yon dahil alam ko ang boses niya at lalo na pagseryoso siya. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko. Agad naman bumilis ang pintig ng puso ko. River siguraduhin mo lang na uuwi ka within 2 weeks :'(

"Goodmorning. gising ka na pala" Bati ng ate niya sakaniya. Tumingin ako sakaniya at nakita kong nginitian niya ang ate niya.

"Iniwan mo ko sa kwarto akala ko umuwi ka na" Nagbago ang ekpresyon ng muka niya at naging parang batang nagtatampo. Ang gwapo niya.....

"Niyaya na kasi ako ng Ate mo nakita kasi ako na gising na" Tinignan niya ulit ang ate niya at sumangayon naman sa sinabi ko. Pinulupot ni River ang mga braso sa baywang ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Sa susunod wag mo ko iiwan." Napangiti nalang kami ng ate niya at tumango nalang ako.

Ilang minuto pa ay pumunta na din sa hapag kainan sila tito Denis at tita Aly. Masaya kaming kumain ng agahan at konting kwentuhan tulad ng kahapon. Naging mainit naman ang pagtanggap ng pamilya ni River sakin bilang girlfriend niya. Natutuwa daw sila sakin kasi ako ang unang naging seryosong girlfriend niya. Ang sarap pakinggan kasi totoo nga na ako talaga ang unang sineryoso ng playboy na to.

Magtatanghali na ng maisipan kong magpaalam na. Baka kasi nagaalala na si mommy. Syempre kahit papaano nahihiya nadin ako na buong araw kahapon hanggang ngayon na magtatanghali na nandito padin ako sakanila. Nagpaalam na ko sa magulang niya pati nadin sa ate niya. Hinatid na din ako ni River sa bahay at kinausap si mommy.

"Tita goodmorning po" Bati ni River kay mommy at niyakap pa si mommy. Aba kelan pa sila naging ganyan kaclose? 0,0?

"Goodmorning din River. Ano kumain na ba kayo?" Tumango at ngumiti naman si River sa tanong ni mommy.

"Aalis na din po ako tita hinatid ko lang po si Aileen. Madami pa po ako aayusin eh" Sabi pa niya. Niyakap niya pa ko galing likuran sa harap ni mommy!.

"Ano ka ba nakakahiya kay mommy oh" Bulong ko sakaniya at ngumiti kay mommy.

"Ok lang naman kay tita eh diba tita?" Nag thumbs up naman si tita at nag tawanan pa sila. Napa face palm nalang ako hayy ang close na nila kaagad?

"Sige na po tita. Magiimpake pa po ako" Bumitaw na si River at yumakap na ulit kay mommy para magpaalam.

"Oh saan ang punta mo?" Tanong pa ni mommy. Hayy nalulungkot nanaman ako naalala ko nanaman na aalis pala siya. Nako River siguraduhin mo lang yang 2 weeks mo.

"Opo tita ehh kaylangan po ako ni ate sa California mamayang madaling araw na din po ang alis ko" Seryosong sagot niya kay mommy.

"Ay ganon ba. Magiingat ka doon hijo at balitaan mo nalang kami pag pabalik ka na ha?" Ngumiti si mommy at ganun din si River

"Sige na Aileen uwi na ko." Hinalikan pa niya ko sa pisngi ng biglaan kaya naestatwa ako at hindi naka imik.Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko at nag muka na kong kamatis!

Kumaway siya samin ni mommy bago tulikod at naglakad na palayo. This is the last moment na makikita ko siya ngayon. Aalis na siya mamaya at matagal pa bago siya makabalik. California ang pupuntahan niya sobrang layo non. Hayy...Ano nalang kaya ang gagawin ko pag alis niya. :'(

I will definetly miss you kapre :((

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon