Chapter 35

22.8K 341 4
                                    

Chapter 35

Aileen's Point of View.

Its been 3 days since River left. 3 Days na din na malungkot ang araw ko. Pag gising ko hinahanap ko siya hanggang sa bago ako matulog hinahanap ko padin yung presence niya. Yan...Sinanay kasi ako na araw araw kong nakikita muka niya. Ngayon mas masahol pa tuloy ako sa naglilihi -_-

"HOY!! Tulala ka nanaman jan!" Sigaw ni Charity sakin nang makalapit sa mesa namin dito sa canteen.

"Ano ba yon?" Naiiritang tanong ko sakaniya. Umupo naman sila ni Matthew sa tapat ko at nilapag ang tray na may sandamakmak na pagkain. Shet pagkain.

"Kumain ka nga, Hindi porket wala si River eh mag papasting ka jan" Inilapit ni Charity sakin ang tray na hawak niya.

Napakagat labi ako sa dami ng pagkain. Ang sasarap ng pagkain. Porkchop, Siopao, Carbonara, French fries, Fish fillet at may coke pa! Una kong nilantakan ang Carbonara at Fish fillet. Nang kukunin ko na ang porkchop nawalan na ko ng gana. May nakita kasi akong mag shota sa dumaan sa harap namin. Napatingin ako sa dalawa ang sweet nila. Dala ng lalaki yung bag ng babae at may dala silang pagkain.Naalala ko tuloy si River..

"Ayoko na sainyo nalang to hindi naman nagalaw" Tinulak ko palapit sakanila ang tray ng pagkain. Wala talga akong gana.

"Aileen. Bilin samin ni River na bantayan ka at alagaan ka habang wala siya. Pinapag report pa nga ko ehh kung kumain ka ba daw o hindi eh nasabi ko na hindi ka kumakain pag lunch kaya ayun nagpadala ng pera ibili ko daw ng pagkain mo ng lunch" Mahinahong sabi ni Matthew.

"Wag mo sabihin. Yan tuloy inuutusan ka ng kapreng yon. Ok lang naman ako ehh kumakain naman ako sa bahay. Wala lang talaga akong gana pag lunch" Paliwanag ko. Hayy baliw talaga yung kapreng yon. Totoo pala na pinadalahan niya si Matthew para lang pang kain ko pag lunch. Hayy anong maggawa ko wala talaga akong gana.

"Kung pwede lang na hindi sabihin ehh. Madaming mata dito si River kaya mahirap magsinungaling" Bulong ni Matthew at tumingin sa paligid. Psh.. That Dela Vega. Using his powers again.

"Sundin mo nalang kami Aileen" Singit pa ni Charity. bumuntong hininga nalang ako at nag kibit balikat. No choice ako. Masyadong maaalalahanin si kapre. Kahit na ganun namimiss ko parin siya. Tatlong araw palang ah!

Nang matapos na ang vacant time namin pumunta na kami sa mga klase namin. Pagpasok ko ng room wala pang prof. Yumuko nalang ako at ipinatong ang ulo sa desk ko. Inaantok naman ako. Nakakaboring pag magisa. Ganitong oras nag aasaran na kami ni River eh.

"So... Wala ang knight and shining armor mo" Mataray na sabi ng isang babae.Inangat ko ang ulo ko at nakita kong sila Amanda.

"Amanda ano nanaman bang kaylangan mo? Pataray na tanong ko sakaniya. Ayoko na sana patulan tong babaeng to pero hindi ko na natiis na sa tuwing hindi ko kasama si River eh tinatarayan ako ng grupo niya. Hay sumasakit lalo ang ulo ko.

"Tigilan mo nalang kasi ang kakasipsip kay River. Hindi kayo bagay. Nasa taas siya at nasan ka? Nasa baba tulad ng isang palakang talon ng talon sa putikan" Nagtawanan pa ang tatlo. Hay talaga maman. Biglang tumayo si Matthew at hinarap ang tatlo.

"Oh Matthew. Dont tell me pag tatanggol mo din siya" Sabi ni Tiffany. Tinitigan lang siya ng masama ni Matthew at bumaling kay Amanda. Bakit kasi hindi nalang sila umalis nakakainis lang.

"Dont be so childish Amanda. Tigilan niyo na si Aileen" Mahinahong pakiusap ni Matthew. Tumawa naman na parang baliw si Amanda.

"well.well.well. Siguro na Kama mo na si Aileen kaya pati ikaw sakaniya na din dumidikit" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at napatayo ako s ma galit. Hinawakan naman ako ni Charity. Kundi niya ko hinawakan sigurado lilipad tong kamay ko sa muka niya!

"kilala mo ko Amanda. Hindi ako pumapatol sa babae ni River. Kaya nga binusted kita noon diba?" Nginitian siya ni Matthew at niyaya na kaming umalis. Nanlaki ang mata ni Amanda at hindi na nakapag salita sa sinabi ni Matthew.

Dumiretso kami sa open field at umupo sa isang bakanteng bench. Doon ako nakahinga ng maluwag. Ganito araw araw ang buhay ko pag wala si River. Pinagiinitan at pinaguusapan ako. Buti nalang at nandito si Charity at Matthew.

Pagtapos ng klase dumiretso kami sa mall. Gusto daw nila akong ipasyal dahil lagi akong tulala at matamlay. Hindi ko naman maiiwasan yon namiss ko na kasi si River. Habang nasa sasakyan kami papuntang mall kinuha ko ang phone ko at tinignan ang facebook ko. May mga message at notifications meron din mga nag aadd pero hindi ko kilala. Tinignan ko ang news feed at may nakita akong bagong picture na naka tag sa facebook ni River.

"Had a great dinner with this guy! "

Huh? Dinner? Sino tong Maxine Clavio. Wala naman siyang nakukwentong Maxine ang pangalan. Nang matapos mag loading yung picture nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Para bang nag dilim ang paningit ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Ang bigat ng nararamdaman ko at para ang nagseselos na ko.

Sino bang hindi magseselos? Eh mukang silang dalawa lang ang mag kasama?! Nakatayo sila at mukang nasa parking lot. Naka black corset dress lang ang babae at dikit sa katawan niya ang disenyo nito kitang kita na sexy siya at maganda. Nakahawak ang isang kamay ni River sa baywang ng babae at ang babae naman ay nakahawaksa dibdib ni River. Naiimagine niyo ba?! Shit. Sumakit bigla ang ulo ko.

"Dito na tayo tara na" Sabi ni Charity at bumaba na sila ng sasakyan. Bumaba na din ako at tahimik lang.

Ayoko magsalita. Bahala na. Tatlong araw palang siya don tapos ito agad makikita ko? Sa tatlong araw niya don isang beses lang siya tumawag sabi niya sobrang busy sa kumpanya nila kasi may meeting etc etc. Tapos makikita ko nagsasaya lang siya kasama ng babaeng hindi ko kilala?!

Habang nag gagala kami sa mall tahimik lang ako bad mood ako. Hayy makapag shopping na nga lang din para malibang ako. Ayoko muna isipin si River ngayon.

"Tara sa Forever 21" Niyaya ko sila at hinatak si Charity. Nagulat naman sila ni Matthew sa ginawa ko pero sumunod na din sila.

Namili ako ng magaganda at sexy na damit. Damit na iniiwasan ko pero nakakapag suot ako. Iba kasi sa korea at sa pilipinas. Sa korea pag nag damit ka wala silang pakielam kung sexy o plain or kahit kakaiba. Pero sa pilipinas sexy man o plain tingin nila kakaiba kaya makikita mo nalang na pinagbubulungan ka na mismo sa harapan mo pa. hayy.

Pumunta rin kami sa Celine, Primadona, Bench, at kung ano ano pang bilihan ng gamit dito sa mall. Minsan lang ako mag waldas ng pera. Ok lang pinagtrabahuan ko naman to.

"Starbucks muna tayo nakakapagod mag ikot ikot" Yaya ni Matthew.

"Tara. Libre mo ha ikaw ng yaya" Sabi ko pa. Napakamot nalang siya at pumayag na din. Natawa nalang kami ni Charity at sumunod sakaniya papasok ng starbucks.

Pagupo namin sa isang table may lumapit samin na magandang babae at mukang kaedaran lang namin. Pamilyar siya parang nakita ko na siya.

"Hi. Maistorbo ko muna kayo. Ako nga pala si Vernice, Vice president ako ng student body organization sa Vega University schoolmates tayo." Pakilala niya. Naglahad siya ng kamay samin at isa isa namin itong tinanggap. Ano to nangangandidato ba siya?

" um nice to meet you" Mahinang sabi ni Charity.

"Kilala ko na kayong tatlo. Well hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. I wanna invite you all to my party this coming friday, Wear your black and red outfit ok? Thank you, See you there!" Inabot niya samin ang isang invitation card at dali daling umalis. Mukang maganda pumunta dito ah.

Tamang tama namimis ko na din mag party. Hindi naman ako yung talagang party goer pero masaya naman pumarty paminsan minsan.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon