Chapter 18

28.9K 451 3
                                    

Chapter 18



Humiga ako sa kama ko at napaisip. Narealize ko na buong araw naman siyang walang ginagawang masama sakin. Hindi niya rin ako ginagambala, ang totoo nga niyan tinulungan niya pa ako. Hay..what if he really do feel bad on what he did? ang hirap mag isip. Lalo na nasakin parin yung takot na masaktan ulit.


Knock knock knock!


Tumayo ako para buksan ang pinto. Nakita ko si mommy kaya pinapasok ko na. Tanungin ko kaya siya? She knows me very well kaya sakaniya maganda humingi ng advice.


"So how was your first day of modeling..again?" Tanong ni mommy. Alam kong masaya siya na nagmomodel na ko ulit.


"it went well mom, everyone is professional" Ngumiti ako at sinagot ang tanong ni mommy.


"Im so glad na nagmomodel ka na ulit. Nawala ang pagaalala ko na hindi ka pa nakamove on sa issue dati sa korea" Hayy...may issue kasi dati sa korea kaya tumigil ako sa pagmomodel at pumunta dito ng pilipinas.


"Ok na po ako mommy. Wag na natin balikan yon" Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko.


"Anak i saw you with River earlier. Kayo na ba ulit?" Seryosong tanong niya.


"No mommy. Nagsorry siya sa mga ginawa niya and i think he wants another chance" Tumango si mommy at nagisip.


"Parang ibang tao na siya mommy. Well masungit parin at mayabang pero..iba na siya" tumango si mommy at ngumiti.


"Mahal mo pa ba siya?" Nanahimik ako sa tanong ni mommy. Kahit na mommy ko siya nahihiya parin naman ako.


"Silence means yes Aileen. Kung sa tingin mo nagbago na talaga siya. Try giving him another chance. Maging friends kayo"


"Hayy..Hindi ko pa alam mommy. Tignan ko po muna. Ayoko naman na mangyari nanaman yun" Totoo naman kaylangan ko pa ng mas matagal na panahon bago ko ulit ya mapagkatiwalaan. Yun tipo bang kaylangan niya muna dumaan sa butas ng skin pores bago makuha ulit ang tiwala ko.



Hindi na pwede yung tulad nung una na nagtiwala agad ako puro puso walang utak kaya boom lumagapak ako sa sakit. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga nangyari ngayon araw natutuwa naman siya na naging maayos ang unang photoshoot ko sa Franco at sana daw magtuloy tuloy na. Nang mag aalauna na ng gabi dinapuan na kami ng antok ni mommy kaya natulog na kami.


----

Nagising ako sa alarm ng orasan ko. Kinuh ko para patayin ang alarm a nakita kong may text si River.


River:

Sabay tayo pasok?



Hmm...alam ko susunduin ako ulit ni Rj ehh pero hindi pa siya nagtetext. Kaya di ko pa alam ang sasabihin ko. Well maaga pa naman para maistress sakanilang dalawa kaya ganito nalang, papasok ako magisa wala akong sasabayan para narin walang away. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi sa sinabi ni Rj na ako daw dahilan kaya nagagalit si River sakaniya.


Bumangon ako at inayos ang sarili ko. Naalala ko yung pinagusapan namin ni mommy totoo na everyone deserves a second chance pero hindi basta basta ang second chance sakin. You have to earn it.


"Goodnight"

Biglang nag flashback sa utak ko yung nangyari kagabi. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Hinipo ko ang noo ko. Dito niya ko hinalikan. Pinikit ko ang mata ko at nakita ko ang pangyayari kagabi. Ibang iba si River kesa nung una. Dati lagi niyang minamadali ang lahat samin. Ngayon hindi na at para bang nakikita ko na ang ibang bagay na hindi ko alam sakaniya. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Kalma Aileen you have to be 101% sure na hindi na laro ang ginagawa niya.


knock knock knock!

"Ma'am pinapatawag na po kayo ng mommy niyo handa na po ang agahan" Kumatok ang katulong namin at bumaba na ko para pumunta sa kusina.


"Goodmorning mommy" Nakipag beso beso ako kay mommy at sinabayan na siya magagahan.


"Susunduin ka ba ulit ni Rj?" Tanong ni mommy habang nagtitimpla ng kape niya.


"Ewan ko lang po pero magisa po ako papasok ngayon kahit may magsundo" Tumango lang si mommy at uminom na ng kape.


Ayoko na magaway pa yung dalawa ayoko rin isipin ni River or ni Rj na may pinapanigan ako sakanilang dalawa. Matapos kumain nagayos na agad ako balak ko maaga pumasok ngayon para hindi nilako abutan dito. Naligo at nagbihis na ko tsaka nagpahatid sa driver namin. Yes kay manong driver ako papanig ngayon haha!


"Goodmorning! wow nagpahatid ka ngayon ahh akala ko mag jejeep ka na lagi?" Bungad ni Charity sakin paglapit ko sakaniya.


"Baka kasi makita ako" Naglakad na kami papasok ng school at pumunta muna sa field.


"Nino?" Tanong niya. Hay nako ito ang ayaw ko dito masyadong matanong remind me again pano ko siya naging bff? xD


"Basta" Umupo kami sa bench at tinignan ang ibang nagpapractice ng soccer at pep squad.


"Alam mo ba naging usap uspan ka kaagad dito sa school dahil sa ginawa ni River. Geez nakakainggit ka!" Hinampas hampas pa ni Charity ang braso ko sa kilig. bakit ganito mga babae pag kinikilig ang brutal?


"Ts..pinagtitripan lang ako non" Biglang may tatlong babaeng humarap samin.


"Hey ikaw yung new girl right?" Tanong ng babaeng blond ang buhok.


"Siya nga yan, Lara" Sabi naman ng isang babang maiksi ang buhok.


" Aileen Lim right? Diba taga Korea ka? you dont belong here" Sabi ng babaeng nasa gitna. If im not mistaken ito yung babaeng kahalikan ni River noon nakita ko sila sa hallway. Nang maalala ko iyon biglang sumikip ang dibdib ko.


"Ano bang kaylangan niyo?" Mataray na sabi ni Charity sa tatlo.


"Um were not talking to you." Inirapan siya nang babaeng blond. Now i know why are they here.


Hinila ko na si Charity palayo pero hinarang parin nila ako. Tinulak nila si Charity palayo sakin at nakita kong hindi siya pinapalapit sakin ng ibang alipores ng tatlong babaeng to.Tsk. ayoko ng ganito ehh ayoko sa lahat yung gulo ehh.


"Wag kang bastos ha. kabago bago mo palang dito ganyan ka na" Mas lumapit sakin ang tatlo.


"Bastos na nga malandi pa" Sabi pa nung babaeng maiksi buhok. Ayokong magsalita dahil lalo silang hindi titigil.


"Ayoko sanang isipin na ang tulad mong low class at wala man lang fashion ang ipinalit sakin sa Franco. At hindi lang ang Franco ang kinuha mo sakin. Pati narin si River!" Sigaw ng babaeng nasa gitna. Tinignan ko siyang mabuti. Hindi kaya siya yung sinasabi ni Zen na si Amanda?


"Kaya ka lang naman nakuha sa Franco kasi pati si Rj nilandi mo ehh" Tumawa pa siya pati narin ang iba pang nakikiusisang estudyante. Maya maya pa nakarinig na ko ng mga bulong bulungan tungkol sakin.


Ayoko ng ganito. Gusto ko nang umalis. Inikot ko ang paningin ko at nakapaligid sila sakin. Pinagtatawanan, Pinaguusapan at tiniginan ako ng masama. Yumuko nalang ako  wala akong magawa hindi naman totoo yung sinasabi nila pero bakit ganito wala naman silang proweba pero makapagsalita sila parang alam na alam nila lahat lahat.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon