Chapter 53
River's Point of View.
It's almost 3am nang mag land ang eroplano namin dito sa California. Sakto naman ang pag dating ng driver namin kaya hindi na ko natagalan sa paghihintay. Hay..It's been 2 years since umalis si Aileen ng pilipinas. Maraming nangyari pero i choose not to tell her.
Nakulong si Ivan, Naging si Amanda at Rj na, Charity and Matthew are traveling the world, Naging tanyag na model na kasi si Charity and syempre as boyfriend, Matthew is with her everywhere.Yan lang ang mga sinabi ko sakaniya.
Hindi ko sinabi yung mga masasamang nangyari for the past 2 years. Pinabugbog ako ng pamilya ni Ivan, halos isang buwan akong hindi nakipag skype sakaniya dahil may iilang sugat at pasa pa ko ayokong magalala siya. Hindi ko din sinabi na muntik nang masira ang kumpanya ng dad niya. Pero ok na ngayon dahil natulungan ko. Naloko kasi ang dad niya ng isang member ng kumpanya at nanakawan sila ng malaking halaga. Everything ok now so don't need to tell her that.
Nang makarating na sa mansyon binaba na ng guard at ilang maid ang mga bag ko. Alam naman nila kung saan ilalagay yan. Tinanggal ko ang jacket ko at dumiretso sa kwarto ni Aileen. There i saw her sleeping like an angel. Natanggal ang pagod ko nang makita ang maamo niyang muka. Masaya ako na makita siyang maayos. After that tragedy we've been through im happy that she's strong to move on. Nung 2 months palang siya dito iyak siya ng iyak kaya halos buwan buwan akong pumupunta dito. Pero nang tumagal ay naka move on na siya. She told me that she's fine.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at marahang hinaplos ang muka niya. Napapangiti nalang ako pag nakikita siya. She's mine and mine only. Possesive man pakinggan pero yun ang totoo. I can't let anything bad happen to her ever again. Bakit ko pa hahayaan may mangyaring masama kung kaya ko naman siya proteksyunan. Naging malaking aral sakin ang nangyari dati kaya i cant let my guard down now. Simula nangyari yon narealize ko na si Aileen ay isang anghel na kaylangang proteksyunan.
Humiga ako sa tabi niya at tinitigan lang ang muka niyang mahimbing na natutulog. Damn im so inlove with her. Dahil na din siguro sa pagod, ilang saglit pa ay nakatulog na din ako.
------
"Dito siya natulog?" Nagising ako sa bulong bulungan na naririnig ko pero nakapikit padin ako.
"Oo, nagulat nga ako eh." si Aileen, Gising na siya. That voice is just relaxing.
"Yiee kinikilig ako..Pag gising ni kuya bumaba na kayo ah magpapahanda na ko ng breakfast" Si Reneevi pala yon.
"Sige" Sagot pa ni Aileen bago ko marinig ang pagsarado ng pintuan. Umalis na siguro si Reneevi. Tahimik na ehh.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko agad ang muka ni Aileen na nakangiti at nakatitig sakin. Ngumiti din ako at niyakap siya.
"Hoy kapre. Anong oras ka dumating? Hindi ka man lang tumawag nasundo ka sana namin sa airport" Napangiti nalang ako hehe. Kapre.
"Eh kasi po babaeng mahal ng kapre, 3am na non kaya hindi na ko nang gising. Sinundo naman ako ng driver"
"Ahh good, akala ko nag taxi ka eh. Delikado pa naman taxi dito ng ganung oras" Niyakap niya ko ng mahigpit at nanahimik nalang ako para mas maramdaman ang yakap niya.
"I missed you so much" Hinalikan ko ang noo niya at hinaplos haplos ang balikat niya.
"I missed you more" Napangiti naman siya at hinalikan ako. This is why i love her. She makes me happy by just smiling.
"Date tayo sa 24?"
Sabi ko at ngumiti padin siya."Syempre dapat idate mo ko non! haha!" Nagtawanan kami at niyakap ako ng mahigpit.
Konting kwentuhan at kilitian pa ang nangyari haha! we just missed each other so much. Kahit na 3 weeks lang ata ang lumipas nung huli kong balik dito. Masaya ako na ganito ang lagay ng relasyon namin. Minsan hindi maiiwasan yung away, tampuhan at hindi pagkakaintindihan pero normal lang naman yon eh there's no such thing as perfect relationship. Ang maganda lang samin kahit malaki o maliit ang napagtalunan we always find a way to understand each other kaya hindi pa tapos ang isang araw ayos na kami.
----
Magkahawak kamay kami ni Aileen na bumaba at pumunta sa dinning room.Nandoon na si Ate at Reneevi. Inihahain na ng mga maid ang agahan kaya umupo na din kami.
"Oh River? Ano oras ka dumating?" Tanong ni ate sakin.
"Madaling araw na. Hindi ko na kayo ginising tumawag nalang ako ng driver"
"Ate sa kwarto yan ni ate Aileen natulog haha! magkakaanak na ba kayo?" humalagapak na ng tawa si ate, ako at Reneevi samantalang si Aileen naman ay namumula sa hiya.
"Not now but very very soon" Tumingin si Aileen sakin nang sagutin ko si Reneevi. Ngumuso siya at namumula parin. Natawa padin kami dahil nahihiya talaga siya.
I realized that 2 years and a half is not a long time for this but i love her so much i just wanna make her mine. Meron pa pala akong hindi sinasabi sakaniya. Which is magugulat talaga siya. Hindi ko pa ito sinasabi sa kahit sino tangging ako lang ang nakakaalam.
Nagpatattoo ako. Bago to sakin kasi hindi ako mahilig sa tattoo, i do find it awesome pero wala sa isip ko magpatattoo. For a change, nagpatattoo ako at syempre its all about Aileen. Nagpatattoo ako sa taas ng likod ko malapit sa balikat. Words lang ang tattoo ko at hindi masyadong malaki.
My heart and soul only belongs to you Aileen.
[A/N: pic po ng tattoo ni River sa side <3]
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...