Chapter 59
Gaya ng sabi ko.Naka isa nanaman siya. Hayy loko to inuna yung honeymoon kesa sa kasal. Pero ok lang. Pagtapos magpahinga saglit ay naligo na ko siya naman ay bumalik ulit sa kwarto niya para ilagay nasa sasakyan ng ma gamit namin.
Habang hinahaplos ko ang katawan ko ay para akong baliw na hindi matanggal ang ngiti. Gahh baliw na ko!
Sa tuwing naaalala ko ang lahat ng nangyayari samin ay hindi ko maiwasan ngumiti. Kinikilig talaga ako. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinikit ang mga mata. Pinakiramdaman ko ang puso kong mabilis ang tibok. My heart only beats for him. Ewan ko nalang kunga anong mangyayari sakin pag iniwan niya ko.
"Aileen? Baby Ok na yung mga gamit may ibibilin ka pa ba?" Tanong ni River pagtapos kumatok sa pintuan ng banyo.
"Wala na ok na yan" Sagot ko at nagmadali nang matapos sa pagligo.
"Sige hintayin nalang kita sa living room ok?"
"Ah sige " Pagtapos ko sumagot ay narinig ko ang pagsarado ng pintuan ng kwarto ko.
Nagbihis ako ng komportableng damit dahil mahaba haba din ang byahe tapos may stop over pa. Sinuot ko ang Black leggins ko at lose Vneck shirt. Hindi na ko nagsapatos nag sandals nalang ako para madali ako makapag palit ng slippers sa eroplano.
Pinasadaan ko ng huling tingin ang buong kwarto. Mamimiss ko ito. Ito ang naging comfort zone ko sa loob ng dalawang taon. Huminga ako ng malalim at pumikit. The memories of this room, The happy and lonely day ive been here. Goodbye room!
Bago ako lumabas ng kwarto ay ikinabit ko na ulit sa leeg ko ang kwintas na pinaka iingat ingatan ko. Tumingin ako sa salamin at hinaplos ang letrang nakaukit sa pendant.
"Lets go home!" Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang ibang naiwan kong gamit doon.
Goodbye room. Good bye California. Goodbye old me hehe. Lumabas ako ng kwarto at pinatay na ang ilaw ng kwarto at dahan dahan sinarado ito. Bumaba na ko ng hagdanan at nakita ko ang magkakapatid na nakatayo malapit sa double doors na entrance ng mansyon na to.
"Iiwan niyo talaga ako dito" Nagtatampong sabi ni ate Renelee samin. Pati kasi si Reneevi ay babalik muna sa pilipinas pero magbabakasyon lang daw siya doon dahil dito padin siya mag cocollege.
"Nako ate! Pag balik ko dapat boyfriend mo na si Miguel ah!" Kinotongan nanaman ni Ate Renelee si Reneevi. Nagtawanan kami at naramdaman ko ang kamay ni River na hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Tara na. Malate pa tayo sa flight natin" Pagyayaya ni River. Nagpaalam na kami kay Ate Renelee at umalis na papuntang airport.
-----
"This is your pilot speaking, Fasten your seatbelts we're landing. Welcome to Manila, Philippines. Enjoy your stay"
Nagising nalang ako sa announcement ng piloto na nanggaling sa speaker malapit s inuupuan ko. Kukusutin ko sana ang mata ko nang maramdaman kong hawak hawak padin ni River ang hamay ko. Magkaholding hands lang naman kami buong byahe. Yieeee Fudge kinikilig ako!
Tulog padin siya kahit na bumibilis ang takbo ng eroplano dahil maglalanding na kami. Nakatitig lang ako sakaniya at tahimik dahil baka maistorbo ko siya. Nang makapag land na kami isa isang tumayo ang mga pasahero at bumababa na pero tulog pa din si River.
Dahil isip bata ako dinutdot ko ang pisngi niya. Hahahaha! naka sampubg dutdot na ko sa pisngi niya bago pa siya dahan dahang nagising. Tumingin siya sakin at tumingin sa bintana.
"We're here" Sabi ko at ngumiti siya sakin. Inayos na namin ang sarili namin at bumaba na.
Paglabas namin ng eroplano nakita agad namin si Reneevi na naghihintay samin at nakapasak ang headphones sa tenga niya. Inakbayan siya ni River at nagkulitan pa sila hehe ang cute nila tignan.
Kinuha na namin ang mga maletang dala namin at tinawagan naman ni River ang driver nila para magpasundo. Nandito na ko sa pilipinas namiss ko din ang init dito at amoy ng pilipinas. Anong amoy? Amoy harina xD hindi maipaliwanag haha!
"Gusto niyo mag breakfast muna?" Tanong ni River samin pagtapos tulungan ang driver niya na ilagay ang maleta namin sa sasakyan.
"Tara ginugutom na ko eh!" Sabi pa ni Reneevi kaya ayun nag breakfast muna kami.
Pagtapos pa mag breakfast sa isang restaurant ay agad na kaming umalis para makauwi. Unang tumigil ang sasakyan sa bahay namin. Hindi ko na inintindi ang bag at bagahe ko agad akong bumaba nang makita ko si mommy sa garden na kausap ang isa sa mga katulong namin.
"Mommy!" Sigaw ko nang makapasok sa gate. Agad naman tumingin si mommy sakin nanliit pa ang mata niya na para bang tinignan akong mabuti.
Tumakbo ako palapit sakaniya at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya din ako at hinaplos ang likod ko.
"Anak ang sexy sexy mo na! Sa skype hindi ko nakikita masyado ang katawan mo puro muka haha!" Nagtawanan lang kami ni mommy. Napatingin ako sa likod ko at nakita kong papalapit samin si River. Nakipag beso beso siya kay mommy at pinakilala ang kapatid niya.
Konting kwentuhan at pinakain pa kami ng cake ni mommy. Nagbebake na kasi si mommy hehe nag aral daw siya ng baking para naman daw hindi siya mabored sa bahay lalo na at umalis ako magisa lang siya dito sa bahay.
"Kamusta na ang kasal niyo? napagplanuhan na ba?" Tanong pa ni mommy samin.
"Pagpaplanuhan palang po namin tita" Sagot ni River kay mommy. Tumango naman si mommy at kumain ulit ng cake.
"Kuya nag message si mama nasan na daw tayo" Sabi ni Reneevi at kumuha pulit ng cake. Mukang nasarapan hehe.
"Tara uwi muna tayo." Tumayosi River at pati na din si Reneevi.
"Teka yung bag ko nasa sasakyan pa ata. Ipapababa ko muna kay manong-" Hindi na ko natapos dahil natawa si mommy sakin at nagtaka naman ako bakit siya natatawa.
"River hindi mo pa sinasabi?" Tanong ni mommy kay River. Anong hindi sinasabi? Ano ba daw yon?
"Hehe hindi pa tita" Napakamot naman si River sa ulo niya at napangisi. Baliw.
"Ano ba yun?" Tanong ko pa kay mommy.
"Sabihin ko na ba?" tumingin si mommy kay River at tumango naman si River.
" Since we want a grandchild before we get old. You two are living together from now on. Payag na lahat kayo nalang" Napanganga naman ako sa sinabi ni mommy. Ano?! living together? as in sa isang bahay??
"Bumili ako ng bahay sa kabilang subdivision. Konti lang ang nakatira doon dahil exclusive yon. Maganda ang lugar ang tanawin don kaya doon ko napili bumili nf bahay" Mas lalong nalaglag ang panga ko sa mga rebelasyong ito. Masaya ako pero nakakagulat talaga! everything is planned na para bang kasal nalang ang kulang!
"Sige na magpakita na muka kayo doon sa kabila para makita na nitong si Aileen ang bagong bahay niyo" Ngumiti pa na parang aso si mommy sakin para bang nangaasar. Well hindi ako naaasar naeexcite ako!
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...