Chapter 60
Umalis muna kami sa bahay at nagpunta sa bahay nila River. Gulat talaga si Reneevi akala niya niloloko namin siya na sa tapat lang ng bahay nila ang bahay namin haha!
Pero mapunta tayo sa bahay, Bumili talaga si River ng bahay? As in bahay namin? Iniisip ko palang na sa iisang bubong kami titira hindi ko na mapigilan ang kilig! Excited na ata akong ikasal sakaniya! Everything is so perfect! Yung buhay namin yung relasyon namin hayy nako lahat! Ang hirap paniwalaan lahat ng blessings na to nakakatuwa talaga! Yung feeling na....ugh! di maipaliwanag! basta masaya!
"Aileen? Aileen? bakit tulala ka?" Nagulat at bigla maman ako ginapangan ng hiya nang makita kong kumakaway pa ang kamay ng mama ni River sa harap ng muka ko. Damn! nakatunganga nanaman ako! Naginit ang pisngi ko at napayuko nalang ako. Shizz!
"S..sorry po tita may i..iniisip lang po" Napangisi naman si River sa tabi ko. Pagtawanan ba daw ako?!
"Hehe. Nako Hija mukang di mo ata narinig ang pinaguusapan namin" Kumindat pa si tita kay River at napa evil smirk lang ang kapre.
"Pano mama alis na kami. Dito ka na muna Reneevi" Aniya at aangal pa sana si Reneevi pero tinakpan na ng mama niya ang bibig niya.
"River san tayo pupunta? Ano napagusapan niyo nila tita?" Tanong ko sakaniya habang nasa sasakyan niya kami at palabas na ng subdivision.
"Pinagusapan namin yung sa kasal. Hindi ka kasi nakikinig. " Sagot niya at magsasalita pa sana ako pero napanganga nalang ako sa subdivision na pinasukan namin.
"R..river bakit tayo nandito? Diba mga artista at mga mayayaman lang ang nakatira dito?" Tanong ko habang tinitignan ang naglalakihang bahay na nadadaanan namin.
"Dito kasi tayo titira" Tumigil siya sa tapat ng isang kulay puti at itim na bahay. Puro ito salamin at may malaking lupa. Hindi ko masyado makita dahil sa gate at mga halaman na nakapalibot.
Hindi ko na namalayan ang pagbaba niya. Nalaman ko nalang na nakababa na siya nang pagbuksan niya ko ng pintuan. Bumaba ako at nakanganga lang sa bahay. Shizz! ang ganda! ang ganda ng bahay at mukang kumpleto na ito sa gamit! Pinagbuksan kami ng guwardya at nakita ko ang double doors na entrance ng bahay. Apat ang palapag ng bahay at may verandra pa!
"Lets go?" aniya at hinawakan ang kamay ko. Tahimik lang akong tinitignan ang buong bahay.
Living room agad ang nakita ko pagpasok namin sa loob ng bahay. Isang malaking flat screen TV, White na malaking sofa, Black na japanese style center table at may kung ano ano pang mamahalin na furniture. Bago ko pa makita ng buo ang kusina umakyat na agad kami ng hagdanan.
"Ito ang kwarto ng panganay, Dito naman ang sa pangalawa, Tapos jan yung sa pangatlo. Yung room ng baby sa taas katabi ng room natin" Napanganga nalang ako sakaniya habang tinuturo ang mga pintuan ng kwarto. Ano daw?! Ilang anak ba gusto ng kapreng to? Isang dosena?!
"Baliw ka na ba? ang dami ng kwarto dito! Hindi naman pwede na madami din tayong anak!" Natawa lang siya at hinila nalang ako papunta sa 3rd floor.
Dito naman ay may apat na kwarto. Cinema room, Playroom, Tambayan na ewan may music player lang doon tapos may mga sofa. At ang pang huli ay ang Gym.
Umakyat nanaman kami sa pang apat na palapag. Walang ibang kwarto dito isa lang. Double doors ito at tinakpan niya ang mata ko bago ito buksan. Ramdam ko na nasa loob na kami nang maramdaman ko ang lamig ng aircon. Brrr! Sobrang lamig! pero ganito din naman ang klima sa California.
"One...two...three!" Tinanggal ni River ang kamay niya at dinilat ko ang mga mata ko.
"Oh my god.." Yon lang ang nasabi ko.
Sobrang laki ng kwartong to! Puro salamin dito at kitang kita ang labas! May Itim na sofa, Flat screen TV, Coffee table, Maliit n ref, may walk in closet pa! At may banyo pa dito! Isang malaking salamit ang makikita pag pasok ng cr. Sobrang laki ng cr na to! Puro salamin ang nandito see through lahat! Ang pintuan sa bowl ay see through pati na din ang pintuan ng shower! Ano pang sense ng mga pintuang to?! May isang malaking bath tub pa na kasya ata tatlong tao!
"You like it? Dito na tayo titira from now on. Nasurprise ba kita?" Sabi pa niya pag kalabas ko ng cr.
"Grabe naman tong binili mong bahay. Dadalawa lang tayo sobrang laki" Sabi ko at niyakap niya naman ako galing likuran.
"Dadami naman tayo pag nag kaanak na tayo" Pinalo ko nga ang braso niya. Tumawa lang siya pero mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin. Gahh! This man! Nanlalambot talaga ako pag niyayakap niya ko.
"Hay nako anong dadami ka jan? Ilan bang anak gusto mo? Pang basketball team?" Ngumisi naman siya at hinalikan ang leeg ko. Darn! Ito nanaman siya!
"River im tired~" Napakagat labi nalang ako.Shizz! Parang ungol na ang lumalabas sa labi ko. Nanghihina at nalalasing ako sa bawat halik niya sa leeg ko.
"Tara na higa na tayo?" Hinarap niya ko. I see his evil smile again. Grrr kahit pagod ako hindi ko mapigilan magpatianod sa mga ginagawa niya.
Nakaisa ka nanaman!!
----------
[A/N: Hello guys! Epilougue na po ang next chapter! Salamat po sa mga nagbasa ng story ko at sa mga nag Vote na din po salamat!
Sana po subaybayan niyo din po ang next story ko
"The Girlfriend Contract"
Pati na din po ang iba ko pang story! :) salamat po sa mga sumubaybay! Thank you po talaga! ^^
~SigridBayrante ]
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Roman pour AdolescentsIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...