Chapter 39
Aileen's Point of View.
Sinabi ko nalang na malelate na ko para maibaba ko na yung tawag niya. Eto parin ako nakahiga yakap yakap ang unan ko at nakatulala sa kawalan. Isang linggo....Isang linggo pa ulit bago siya umuwi. Kaya ko maghintay..Kaya ko...
Sa sinabi niya parang nanlambot ang buong katawan ko. Nanghina ako at nawalan ng gana. Ang bigat sa dibdib na para bang gusto ko nalang sumigaw. Gusto kong ilabas tong bigat na nararamdaman ko.
Aish! Ano bang pinakain sakin ng lalaking yon at ganito nalang kagrabe ang nangyayari sakin. Bumangon na ko at naligo. Hayy. Water always calm me down but today? its not working. Its just making it worst! Hindi ko na napigilan ang sarili at tumulo na ang luha ko. Humagulgol ako at umiyak ng umiyak habang pumapatak sa katawan ko ang bawat tubig na dumadaloy galing sa shower.
Hindi ko alam bakit ganito ako ka OA. tatlong linggo lang siya mawawala pero sobrang nangungulila ako. Nasanay lang talaga ako na lagi ko siyang kasama. Yon ang pagkakamali namin. Nang medyo napagod na ko sa pagiyak tumigil na ko at inayos ang sarili. Wala akong gana pumasok. Hindi muna ako papasok.
knock knock knock!
Pagtapos ko magbihis biglang may kumatok sa pinto ko.
"Aileen?" Tawag niya sakin. Si mommy pala. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.
"Hindi muna ako papasok ngayon mommy"
"Thats what i thought. Sinabi na ba sayo ni River?"
"Opo"
"Anak. Dont worry uuwi din naman siya"
"I know mom but...i dont know i feel so upset and sad and..ughhh"
"Namimiss mo lang siya, Normal lang yon dahil ganyan din ako sa daddy mo"
"Mommy ang tagal nang malayo si daddy satin. Huling beses mo siya nakita nung sinundo mo ko sa Korea"
"Oo nga. Kahit ganun namimiss ko parin ang daddy mo. Alam mo ba may good news ako sayo"
"Ano po yon?"
"Uuwi daw ng pilipinas ang daddy mo sa birthday mo"
"TALAGA MOMMY?!"
"Oo. Kagabi lang niya sinabi sakin. You know your dad never misses your birthday"
"Yeah. He never did miss a single year"
"Speaking of your birthday, Sabi ni River august 4 ang sinabi mong birthday mo"
"Hehe..Yeah.. Galit pa ko sakaniya nun ehh"
"Kaya pala..Well..are you ok now?"
"Yeah i think so mom..Thanks for the good news"
"just dont cry ok. Tinawagan pa ko ni River kanina nagaalala siya sayo"
"Ganun talaga yon"
"I like him for you anak."
"Me too.."
"Oh sige na bumaba ka na at mag breakfast na tayo"
"Sige po mommy susunod nalang ako"
Nginitian lang ako ni mommy at lumabas na ng kwarto ko. Hayy at least may good news. Uuwi si daddy!! close ako sa magulang ko. Syempre only child ako. Kung close kami ni mommy mas close kami ni daddy.
Hindi na muna ako papasok. Ngayon lang naman to ehh. Magbobonding nalang muna kami ni mommy para hindi ako malungkot.
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Fiksi RemajaIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...