Chapter 16
Aileen's Point of View.
"Paki bilis! ano ready na tayo? pwesto na dali sayang yung liwanag ng araw oh!" Agad kaming pumwesto sa harap ng photographer namin. Ang awkward kasi di ko alam ang gagawin ko.
Nagagawa ko na dati yung couple yung itsura sa photoshoot ehh pero ngayon? hindi ko ata kaya lalo na si kapre ang kapartner ko? Ang galing din naman ng tadhana :'(
Lumalayo na nga ako para makamove on tapos yun pala magkapit bahay kami, magkakilala ang magulang namin, parehas kami ng school, limang subject ang magkaklase kami, at magkatrabaho pa kami. Ang galing diba? ang saya saya baka bukas sumabog na ko :'(
Sabi ni mommy wag ko daw madaliin ang pag momove on kasi sarili ko lang ang lolokohin ko. Ang pag momove on unang step niyan ay ang magpatawad. Pinatawad ko na si Kapre. Pero hindi maiiwasan na masaktan parin ako sa tuwing naaalala ko ang lahat. Syempre madali lang naman magpatawad pero yung kakalimutan mo yung nangyari? only time can do that.
"Galaw galaw naman Aileen! Hindi to class picture na nakatayo lang! be professional naman sayang ang oras natin oh" Sigaw sakin ng photographer, Ayan napagalitan na ko. TSK! Hindi na dapat ako nagpapaapekto kay kapre ehh tapos na ang kung ano man meron samin.
"Follow my lead" Bulong ni Kapre. Hinila niya ko at pinaupo sa swing. Then poof! Tinulungan niya ko magpose ng simple pero magandang pose na pang couple. At natuwa naman ang photographer namin.
"Masyado kang intense, relax ka lang hindi naman kita papatayin" Bulong niya pa, Nagwala na ang puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Kalma AIleen KALMAAA!!
Let's get this over with! Nakisali na ko sa pag popose ni Kapre kaya mabilis kaming natapos. Pagtapos ng lahat doon ko naramdaman ang hiya. Para bang may kuryente na ayaw matanggal sa katawan ko. BRRR! Nagaalala ako kasi baka ano isipin niya kaya hindi nalang ako nagpahalata.
"Ok, pwede na to. Let's pack up" Nagayos na ng gamit ang mga staff at nagsisakayan na sa van. Bumalik na kami ng studio at sabi ni Zen pwede na daw umuwi. Hayy salamat pahinga naman.
Pumunta akong dressing room para magpalit at kunin ang gamit ko. Nakita ko may isang white rose sa ibabaw ng mga gamit ko. Kinuha ko ang rose at binasa ang card.
"Sayang hindi ako nakanood ng shoot niyo sa labas
pero ok lang i know you did great :)
-Rj"
Napangiti nalang ako sa munting effort niya. Little things like did makes me happy kaya ang bilis mo mainlove -_- kaya kahit alam kong manloloko at sira ulo nahulog parin ako. Pero hindi na ngayon. Ibabalanse ko na ang utak ko at puso ko hindi na pwedeng puro puso nalang. Kaya ako nasasaktan ehh puro puso -_-
Lumabas na ko ng studio para maghintay ng taxi. Medyo hapon na at nagugutom na ko, sana masarap ang hinandang dinner ni mommy. Paparahin ko sana ang taxing dumaan pero biglang may nagbaba ng kamay ko. Napatingin ako sa gilid ko at yun nakita ko siya..... -_-
"Bakit dito ka sumasakay? alam mo bang delikado dito?"
"Eh pake mo ba? hindi naman lahat ng taxi may hold up ehh" Naglakad na ko palayo sakaniya pero sinundan niya parin ako. Errr wag niya kong iinisin ngayon gutom ako!
"Wag mo nga kong sundan kapre ka!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hala..natawag ko siyang kapre. well totoo naman ehh kapre naman talaga siya.
"Wait..what??? anong tawag mo sakin?" Hinarangan niya ko at parang batang tinanong. psh. Bingi?
"K-A-P-R-E. KAPRE KAPRE! KAPRE ANG TINAWAG KO SAYO!" tinalikuran ko siya at bumalik sa pinaghihintayan ko ng taxi kanina, Geez gusto ko nang umuwi!
"Wait ihahatid na kita" Hinablot niya ang bag ko at hindi ko na siya napigilan kunin yun. Baliw ba siya?!
"Hoy kapre akin na yan! magtataxi ako!" Hinabol ko siya pero hindi siya tumitigil sa mabilis na paglalakad hanggang sa nakarating kami sa tapat ng sasakyan niya.
"Sakay na" Binuksan niya ang pinto ng driver's seat at initsa ang bag ko sa loob. Loko loko talaga tong lalaking to! -_-
"Hoy kapre! uuwi na ko dahil nagugutom na ko akin na yung bag ko!" Pinaghahampas ko siya at pinaekis niya ang braso niya para makasangga.
Tumatawa tawa pa siya habang ginagawa ko yun. Nagugutom na talaga ako :'(...bakit ngayon pa nangtrip tong kapreng to..Unti unti na kong nanghina dahil nagugutom na ko kaya tumigil na ko at umupo nalang at yumuko. Ayoko talaga yung nagugutom ako nanghihina ako :'(
"Tara na nga" Bigla niya kong binuhat na para bang bagong kasal, Napahawak ako sa balikat niya at nagkatitigan kami.
Para bang nagslow motion ang paligid, Ang naririnig ko nalang ay ang mabilis na pag pindig ng puso ko at ang maiingay na pakpak na kumakawala sa loob ng tiyan ko. Feeling ko lahat ng init sa katawan ko napunta na muka ko.
Ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito kalapit, ang gwapo pala nitong kapreng to. Medyo singkit at malalim ang mata niya, ang ilong niya na matangos, ang pisngi niya na mukang malambot at ang sarap dutdutin, at ang labi niya...ang labi niya na kasing pula ng palubog na araw. Palapit ng palapit ang mga muka namin sa isa't isa, hindi ko alam ang nangyayari pero para bang may sariling utak ang ulo ko at patuloy ang paglapit nang biglang..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
BEEEEEPPP!!!!!!!!! BEEEEEPPP!!! BEEEEPPP!!!!
"HOY! WAG KAYO JAN MAG LOVING LOVING! NAKAHARANG KAYO SA DAAN!"
Nagising kami sa katotohanan at binaba niya ko. Inayos ko ang damit ko at siya naman ay napakamot at napayuko nalang, Hehe muntik na kami mag halikan...muntik na...O_O WHAT THE FUDGE?! muntik na kami maghalikan?!!!
"Ta..tara na nga sabay na tayo u..umuwi" Pinagbuksan niya ko ng passenger seat at tinignan ko muna siya bago pumasok pero nag iwas siya ng tingin. Nang makapasok ako umikot siya at sumakay narin.
"Ehem..ehem..Ah ano..seat belt" Aabutin ko na sana yung seatbelt ko pero bigla siyang lumapit kaya nagkalapit nanaman ang muka namin..
BOOM BOOM BOOM BOOM BOOM PANES. Yan nalang ang naririnig ko at para bang nabingi na ko pintig nalang ng puso ko ang naririnig ko.
Nagfake cough siya at lumayo na ulit sakin pagtapos ikabit ang seatbelt ko. Yumuko nalang ako. Shit ka River! ano bang ginagawa mo sakin! nababaliw na ko! Damn Dela Vega!
.
.
.
.
.[a/n: picture po nila Aileen at River sa side <3 bagay ba sila? Please VOTE and FOLLOW ME ^^ Comment niyo rin po kung may suggestions kayo ^^ thanks po ^^]
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...