Chapter 36
Nang makauwi na ko sa bahay inayos ko ang pinamili ko at nilagay sa closet. Nang wala na kong magawa doon nanaman pumasok sa isip ko yung picture. Grrr!!!! You got some explaining to do Dela Vega! Biglang nag ring ang phone ko. And speaking of the kapre....
[Goodeveing. Kumain ka na ba?] Medyo husky ang boses niya at parang pagod. Umaga sakanila ngayon siguro kakagising lang niya. Naiinis parin ako dahil syempre nag seselos ako!
"Kumain na ko" Yon lang ang nasabi ko sakaniya.
[Oh bakit ang tamlay mo?]
"Pagod ako galing kaming mall. Sige na matutulog na ko"
[wait wait wait! wag mong ibababa. Pwede ba skype tayo? kahit sandali lang? 8pm palang naman jan eh]
"River may pasok bukas"
[Please?]
"Ugh...Fine"
[Yes! Ill call you.]
Hindi na ko sumagot at binaba na ang call. Wala pang isang minuto tumawag na siya sa skype. Agad akong umupo sa kama ko at sinagot ang tawag niya. Lumabas ang cam niya at nakita kong nakahiga pa siya. Nakakumot siya na puti at walang tshirt. Kitang kita ang makisig na dibdib niya. Naalala ko nanaman tuloy yung babae na nakalapat pa yung kamay sa dibdib niya. Magulo ang buhok ni River at kinukusot ang mata. Hindi man lang ako kinikilig ngayon. Dahil siguro sa pag seselos ko.
"Bakit naman nakasimangot ang maganda kong girlfriend?" Sabi niya at ngumiti. Damn isang ngiti lang??? Isang ngiti lang niya nanlalambot na ko.
"Pagod ng ako diba?" Sagot ko sakaniya at humiga na sa kama ko.
"Ano ginawa niyo sa mall?"
"Nag shopping lang"
"Madami kang nabili?"
"Madami din"
"Ahh. Kasama ko pala si Maxine tsaka si ate kagabi nag dinner kami. Ang sarap ng lobster don" Nang marinig ko ang pangalang yon uminit nanaman ang dugo ko.
"Whos Maxine?" Hindi na napigilan ng kalamnan ko na magtanong. Nagseselos ako!
"Anak ng isa sa board members ng kumpanya kaibigan siya ni ate kaya kasama namin" Mahinahong sagot niya. Tumango naman ako.
"Nakita mo yung picture sa facebook ko? Siya yung kasama ko don." Dagdag niya pa. Hindi nalang ako nagsalita at tumingin sa Tv.
"......"
"Are you jealous?" Tumingin ako sakaniya at nakita kong lumawak ang ngiti niya.
"Aileen dont be Jealous.Alam naman niya na may girlfriend ako tsaka shes older than me. Engaged na siya. Nag dinner lang kami kasi ininvite niya kami sa wedding niya" Yon naman pala Aileen. Dont be jealous na. Hayy i trust him. Lets just see if he's really loyal
"Ok. 11 days ka nalang jan uuwi ka na right?"
"Yes. Uuwi din ako after 11 days."
"Ok.."
"I miss you."
"I miss you too"
"Just trust me ok? I am loyal and faithful to you. Kung babaero man ako dati thats just in the past. Now im serious"
"Ok. I trust you. Dont let me down ok? Prove it."
"i will prove it to you Aileen. I love you so much. Ayokong masaktan ka dahil mas masakit sakin na masaktan ko ang babaeng iniingatan at importante sakin"
"i trust you"
"I trust you too. i love you"
"I love you more"
After that..Gumaan na ulit ang loob ko.Kinuwento niya sakin mga ginawa niya at kung bakit hindi siya nakatawag ng dalawang araw. He promised to call me everyday. 11 days nalang at uuwi na siya. Konting tiis nalang magkikita na ulit kami.
Pagtapos ng dalawang oras at kalahati nagpaalam na kami sa isat isa. Siya pupunta na sa office ng ate niya ako naman magpapahinga na. Anong oras na din kasi at may pasok pa. Matutulog na sana ako nang may nagtext sakin.
09*********:
We have to talk. I wanna talk to you Aileen. Ill see you tomorrow after class. Its me Ivan.
----
Si Ivan? Pano niya nalaman number ko?? Anong mga sinasabi niya...Ayoko siya kausapin. Wala naman kami dapat pagusapan eh. Kinakabahan ako. Aish. Iiwasan ko nalang siya. Magpapalit na din ako ng number.
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Novela JuvenilIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...