Chapter 4

47.9K 718 6
                                    

Chapter 4



Aileen's Point of View.

Hay nako! Hindi man lang ako nakapag agahan -_- akala ko kase malelate na ko advance pala ng 30 minutes tong cellphone ko.


Pumunta ako ng canteen at bumili nalang muna ng maiinom. Bumalandra agad sakin ang grupo ng Dela Vega na yon. Napaka playboy niya :/ Naririnig ko sa mga estudyante na playboy daw siya pero kahit alam ng mga babae yon eh hindi parin sila nagpapatinag at hinahangaan parin nila yung lalaking yon na dapat hindi ko binabanggit ang pangalan. Lets just call him Kapre. Matanggkad siya kaya Kapre.


Nailang ako ng sobra nang ako yung nagayos sakaniya nung photoshoot sa Franco. Bakit ba kasi hindi ko alam na nandun siya. Well bakit ba ko naaapektuhan sayang ang oras ko sakaniya he's not worth my time.


"Aileen!" Napalingon ako sa babaeng half running na papalapit sakin.

"Oh Charity bakit?" Tanong ko sakaniya nang makalapit siya sakin at hinahabol pa ang hininga niya.


Si Charity lang naman ang pinsan ko na bff ko since birth. Sabay kami pumasok lagi pero kanina nauna ako kasi nga diba akala ko late na ko -_-


"Ang aga mo umalis kanina nagbibihis palang ako kaya akala ko may emergency" Sabi niya sakin at hinablot ang c2 na iniinom ko.


"Kasi akala ko late na ko yun pala advance ng 30 mins tong orasan ko" Napairap nalang ako sa kawalan at napatingin nanaman sa nagtatawanan na grupo ng kapreng yon.


Napatingin rin si Charity aa direksyon kung saan ako nakatingin at nangisay siya sa kilig -_-


"Omg!! omg!! si River! ang gwapo niya talaga sheeeettt!" Kinurot niya pa ang braso ko habang pasimpleng tinitignan yung Kapreng yon.

Gwapo nga babaero naman anong kinagwapo don? Psh. Napatingin ulit ako sa kapreng yon na nakaupo at nakakandong sakaniya si Amanda habang nakikipag daldalan sa mga kasama niya. Grabe ang alam ko hindi sila nung Amanda. Friends with benefits? :/

"sana mapansin ako ni River" Kinikilig na sabi ni Charity. Kinotongan ko nga.

"Ano ka ba?! nagkakagusto ka jan tignan mo nga babaero. Ikakama ka lang niyan tapos kinabukasan di ka na kilala" Naiirita kong sabi sakaniya. Grabe ano bang kinakagustuhan niya jan.

"Ok lang! kunin niya na ang katawang lupa ko! Omg!" Kinotongan ko na ulit siya.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon