Chapter 30
Si ate Renelee lang naman yung dumating kaya kinakabahan ako ng sobra. Siya lang naman yung babaeng may kaylangan sakin kaya kaylangan ko umalis -_-
"Surprise!" Sigaw ni ate habang papasok ng bahay. Napatingin naman si mama at papa sakaniya at nagulat sila tulad ko. Si Aileen naman napatulala lang kay ate.
"Renelee? Anak, Bakit hindi ka nag sabi na uuwi ka?" Tanong ni mama nang yakapin siya ni ate.
Nilapitan ko si Aileen at tumabi sakaniya. Tumingin siya sakin at tumingin kay ate. Para bang nagtataka siya. Hindi ko pala napakilala ang kapatid ko ang alam niya lang may dalawa akong kapatid na nasa California.
"Ayan ba yung kapatid mo?" Tanong ni Aileen sakin.
"Oo ate ko yan. Si ate Renelee" Tumango lang siya at tinitigan si ate. Pinanuod lang namin sila na nagtatalakan sa harap namin and then....
"Oooooh! Who is this young lady?" Tinuro niya si Aileen at nagulat naman si Aileen at naestatwa.
"Girlfriend ko" Napanganga si ate at biglang niyakap si Aileen. Umupo si ate sa tabi ni Aileen at tinitigan siya.
Tumingin si Aileen sakin tumango lang ako at nginitian siya. Mabait naman si ate alam ko naman na magiging mabait siya kay Aileen. Pagtapos non ay sunod sunod na ang tanong ni ate kay Aileen. Nakisali na din si mama sakanila. Girl talk?
Habang nag dadaldalan si ate,mama at Aileen niyaya ako ni papa na lumabas sa garden. Mukang seryoso siya. Hay wag naman sana niya ko inisin ngayon. Sana wala masabi si ate tungkol sa pag alis ko gusto ko ako ang magsasabi kay Aileen.
"Anak i wanna ask you something" Sabi ni papa at umupo kami sa bench sa garden.
"I hope youre serious about that commitment with Aileen"
"Pa, im serious. I know its new to you but im telling you im serious" Tumango si papa at tumingin sa malayo.
"This past few weeks nanibago kami ng mama mo sayo. Hindi ka na umiinom, hindi ka na nagbubulakbol at higit sa lahat hindi ka na nagdadala ng kung sino sinong babae dito sa bahay" Kalmadong sabi ni papa at tumingin sakin. We never had this kind of father-son talk dahil dati ayokong kinakausap sila.
"I know that Pa. Kahit ako nabigla sa pagbabago ko. Aileen seems to change me without even saying anything. Its like i've changed for good" Ngumiti si Papa at tinapik ang balikat ko.
"Im glad you met her. You matured. Hindi siya ang dahilan ng pagbabago mo dahil ikaw ang nagpabago ng sarili mo" I never thought i would say this but this feels great.
Nagusap pa kami ni Papa, konting tawanan dahil nagulat talaga siya sa mga ginagawa ko ngayon. Tama si papa nag matured nga ako. I became a man because of her. Nalaman ako ang tama at mali. Nagbago ako ng wala man lang siyang sinasabi.
"Hey bro. Kausapin ko kuna si mom at dad is it ok if you bring Aileen to your room for a minute?" Singit ni Ate. Tumango lang ako at pinuntahan si Aileen sa sala.
"Tara akyat muna tayo?" Tumango si Aileen at binaba ang iniinom niyang juice.
Pumunta kami sa kwarto ko at binuksan ko ang aircon. Mukang importante ang paguusapan nila ah. I think theres something wrong with the company kaya rin siguro kaylangan ako ni ate. Umupo si Aileen sa sofa sa gilid ng kama ko kaya umupo rin ako sa tabi niya.
"Ang bait ng ate mo. Ang ganda niya. Artista ba siya?" Tanong niya sakin. I chuckled. Dami nag sasabing artista si ate pero hindi naman talaga.
"Hindi siya artista. Sadyang maporma lang talaga siya" Sagot ko kay Aileen at mukang naniwala naman siya.
"Aileen i have to tell you something" Humiga ako at umunan sa kandungan niya. Nagulat siya sa ginawa ko at nakita kong namula siya.Damn she's beautiful. Pano ako aalis niyan.
"Ano yun?" Tanong niya. Pinadausdos niya ang mga daliri sa buhok ko at hinaplos haplos ito. Her gentle touch feels like some angle touching me.
"Im going to California. Baka sumabay ako kay ate sa pag balik niya don" Napatigil siya sa pag hahaplos ng buhok ko. Naging seryoso ang muka niyang kanina lang ay nakangiti at masaya.
"Ke..kelan? Matagal ka ba don?" Nauutal na tanong niya sakin. Pigilan mo ko Aileen hindi ako sasama. Isang pigil mo lang hindi talaga ako sasama. Gusto ko na ganito kami gusto ko na kasama ko siya lagi.
"Hindi naman mga dalawang linggo lang. Kaylangan kasi ako ni Ate. Hindi ko rin alam kung bakit pero sabi niya importante lang daw." Tumango si Aileen at hindi na sumagot. Please pigilan mo ko hindi talaga ako sasama kay ate.
"Ano sa tingin mo? sasama ba ko kay ate?" Tinignan ko siya at nakita kong nag fake smile siya. Akala niya siguro hindi ko iyon mahahalata.
"Ok lang. Dalawang linggo lang naman" Mahinhin niyang sagot sakin at pinadausdos ulit ang kamay sa buhok ko. Hinawakan ko ang isa pa niyang kamay at hinalikan ito.
Hindi ko alam bakit pag si Aileen ang hinahina ko. Pag dating sakaniya parang lahat ng gawin ko nakabase sa kagustuhan niya.Gusto ko lahat ng gawin ko alam niya. Ngayon na aalis ako hindi ko alam kung magiging ok lang ba siya. Tama naman na maiksi lang ang dalawang linggo. Pero hindi natin alam ang pwedeng mangyari.
[a/n: Hey guys! sensya na sa maiksing update XD picture ni ate Renelee sa side >>>> or sa taas kung naka mobile kayo ^^]
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...