Chapter 15

32.7K 532 6
                                    

Chapter 15

"Ok! Aileen you ready?" Tanong ng photographer kay Aileen na ngayon ay nakaayos na.

"Ready na po" Ngumiti si Aileen at sa hindi ko inaasaang pangyayari bigla siyang napatingin sakin.

Ngumiti lang siya ng konti at pumunta na sa harap ng photographer. Solo lang siya ngayon. Tumalikod si Aileen at inayos ang buhok niya kinausap rin siya ni Rj at nag high five pa sila. Psh. . Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Epekto ba to ng pagkakaroon ko ng isip na may gusto talaga ako sakaniya? Pakiramdam ko kasi naiinis parin talaga ako pag nilalapitan siya ni Rj.

Lumitaw ang makinis at maputi niyang balikat at braso dahil sa suot niya. Ang katawan niya na perpektong may kurba. Mas sexy pa si Amanda ang ang ibang babae na nakakasama ko pero iba ang sakaniya bakit ginito pakiramdam ko mas malakas ang tama niya sakin. Nakakurba na para bang bote ng coca cola ang katawan niya. Ang buhok niya na marahang umaalon sa hangin at bawat pag galaw niya na para bang ang sarap haplusin at amuyin ng buhok niya.

"Huy!" Ginulat ako ni Zen at bahagyang napatalon ako. Loko talaga tong baklang to ehh sapakin ko kaya one time lang? -_-

" Ang ganda talaga ni Aileen ano? tignan mo to. Model pala siya sa Korea pero dito mas pinili niyang magkaron ng simpleng buhay. Pinakiusapan niya nga kami lahat kanina na wag ikalat na model siya sa Korea" Hinablot ko ang ipad air ni Zen at tinignan ang litrano ng isang Clothing line sa Korea.

"Oo nga model nga siya" Tinignan kong mabuti ang isang cover ng korean magazine. She looks different, Dito simpleng simple lang siya tapos yun pala isang sikat na model.

Tinignan ko si Aileen habang solo shoot niya, Professional nga siya. Kung hindi mo siya kilala hindi mo maiisip na isang professional model siya dahil simpleng babae lang siya at mahiyain. Habang nag popose si Aileen bigla kong napansin ang suot niya. Pink ito na halos kakulay na ng balat niya. Casual wear ang theme ng shoot kaya simple lang ang pinasuot sakaniya. Simple mas maganda.

Nang matapos na ang solo shoot niya ay diniretso agad siya ng make up artist niya sa dressing room at ako naman ang nagsolo shoot. Habang nag pophotoshoot nakatitig lang si Mr. Kujo at Rj sakin. Psh. Ano Rj? tatanggalin mo rin ba ko dito sa Franco? Nagpatuloy pa ang shoot at nakuha rin ng photographer ang perfect shot. 

"Ok palit na. Sa labas tayo. Sumunod nalang kayo samin pag tapos niyo maayusan" Sabi sakin ng photographer. Bago pumasok ng dressing room kinausap ko si Aileen na kakalabas lang ng dressing room niya.

"Aileen" Hindi ko alam bakit ko siya hinarap pero gusto ko lang makalapit sakaniya. Aish! im losing my mind~! 

"Bakit? magsisimula na ang shoot sa labas baka magalit si sir Jonathan ang tagal natin" Lalayo na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya. Nilingon niya ko ulit at doon ay kumalabog nanaman ang dibdib ko. Shit.

"Ah...eh...ano kasi." Wala akong masabing dahilan bakit ko siya hinarap dahil totoo naman. Bigla nalang gumalaw ang katawan ko at hinarap siya. Tinignan niya lang ako at hinihintay ang sagot ko.

"Oh nauutal ka ata River. The brave and mighty River Dela Vega nauutal sa harap ng isang babae" Pang aasar ni Rj. Tsk! Bakit ba ang epal mo?!

"Pwede ba hayaan mo kami, May pinaguusapan kami" Seryosong sabi ko sakaniya. Tinignan niya lang si Aileen at umalis na. Tama yan umalis ka dito!

"Bakit ba kayo nag aaway?" Tanong ni Aileen sakin. 

"Basta"  Tumingin ako sa ibang direksyon dahil nabigla ako sa tanong niya. Ayokong sabihin na siya ang dahilan baka iwasan niya pa ko.

"Bitawan mo na ko, Kaylangan ko pa magtrabaho" Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.


Dahan dahan ko itong tinanggal, ang awkward shit. Tumalikod na siya at lumabas ng studio. Ako na estatwa lang. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko sakaniya. ano bang ginagawa ko sa sarili ko mababaliw na ata ako. -__-

Nagayos na ko at kinuha ang  gamit ko. Sumakay na ko sa van kung saan nakasakay sina Zen at iba pang nagaayos sakin. Pumunta kami sa isang lugar kung saan maganda at malinis ang lugar, para itong park pero wala masyadong tao dito.

"Ok guys, Aileen and River, Paki suot yung dinala ni Zen at kayo ang partner sa shoot na to." Paliwanag ng photographer namin. Nagkatinginan kami ni Aileen at para bang wala lang sakaniya. Samantalang ako...

Napahawak ako sa dibdib ko. Kalma ka nga jan! Para akong baliw na kinausap ang puso ko. Geez parang lalabas na talaga siya sa katawan ko. Bakit sa iba hindi naman ako ganito. Magpacheck up kaya ako..Baka may sakit na ko sa puso.

Nagpalit na ko ng damit at nakita kong parehas kami ni Aileen ng suot. Habang inaayusan kami ng mga make up artist namin ay nilapitan kami ni Zen.

"Sabi ni sir, Couple daw ang theme nitong next shoot so you should be professional and act like a couple. Ok?" Nalaglag ang panga namin ni Aileen sa sinabi ni Zen, Nagtaka naman siya sa reaction namin.

"ANO?!" Sabay kaming napasigaw sa sinabi ni Zen.

Couple? shit, baka ikamatay ko to, baka atakihin ako sa puso. TSK! no River! be professional. Wala naman mawawala kung mag popose kayo na parang couple ehh parehas kayong model normal lang yon. Geez goodluck sakin.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon