Chapter 37
Pag gising ko naging palaisipan padin sakin kung pano nakuha ni Ivan ang number ko. Siguro kaylangan ko na magpalit ng number. Inayos ko ang sarili ko at pumasok na. Sinabulong naman agad ako ni Matthew at Charity.
"May bagong chismis na kumakalat" Sabi ni Charity nang makaupo kami sa room. Hayy wala akong gana makinig sa mga chismis.
"Hoy makinig ka tungkol kay River to." Napatingin agad ako sakaniya. Siguraduhin niya lang yang chismis na yan.
"Ano ba yan chismis na yan? Hindi naman totoo yan ehh" Sabi ko at kinuha nalang ang phone ko.
"Sabi ng mga konektados ko, May rumored girlfriend daw si River sa California. Maganda at mayaman daw" Kwento niya. Rumored girlfriend? Umiinit nanaman g dugo ko. Bakit ba lagi nalang babae ang usapan pag dating kay River??
"Oh sino daw yung rumored girlfriend?" Tinatamad na tanong ko kay Charity at tinignan ang message ni River sa viber ko.
"Maxine daw ang pangalan eh. Nakita ko sa facebook may picture sila ni River" Hayy i knew it. Grabe talaga tong university na to. Ang bilis kumalat ng balita.
Sasagutin ko sana si Charity sa maling chismis na nasagap niya pero hindi ko natuloy dahil dumating nanaman ang tatlong epal (Amanda, Saffarah and Tiffany) Lumapit sila sa table namin at napa face palm nalang si Matthew.
"Here we go again, Amanda if you dont stop sasabihin ko na talaga kayo kay River" Banta ni Matthew ng tuluyang makalapit ang tatlo.
"Sabihin mo! Wala na siyang pakielam kahit sabihin mo may girlfriend na siya don" Pagtataray ni Amanda. Hayy nakakatamad silang pansinin binasa ko nalang yung message ni River.
River<3:
Goodmorning :) Kakauwi ko lang galing office. Magpapahinga na ko pagod talaga ehh. I miss you Aileen :( Ill call you when i wake up ok? Be careful. I love you.
Recieved 8:07am
---
Aww ang sweet naman. Nagmessage din ako at sinagot siya. Tulog na siguro ngayon yun. Pagod daw siya eh. Hintayin ko nalang siya magising mamaya. Ito ba sinasabi niyong may rumored girlfriend? Yeah right.
"HEY BITCH ARE YOU LISTENING?!" sigaw ni Tiffany sakin. Tumayo ako at hinarap sila.
"Pwede ba. Sobrang hate niyo ko ah? Nag eeffort pa talaga kayo inisin ako every single day since umalis si River. Thank you sa effort and sorry pero hindi ako pumapatol sa mga tulad niyo-" Napatigil ako sa pag sasalita nang nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at si River ang tumatawag. Sinagot ko ito sa harap nila at natahimik lang sila.
"Hello?"
[Hey baby.] He softly giggled. Shit kinikilig ako! Halata sa boses niya na pagod at inaantok na siya pero tumawag padin talaga siya <3
"Hey. akala ko matutulog ka na?"
[Eh nag reply ka ehh. Kaya ko pa naman tumawag saglit so i called you. I miss you so much]
"I miss you too. You wanna say hello to your friends? Sabi may girlfriend ka daw jan" Niloud speaker ko at tinapat kila Amanda ang phone ko.
[Ano? ikaw lang naman ang girlfriend ko anong girlfriend ko dito sinasabi nila?]
Nagkatinginan ang tatlo at mukang napahiya. Ayan kasi.
"Ok. Matulog ka na. Call me later nalang" Sabi ko at dahan dahan nang tumatalikod sila Amanda at balak nang umalis.
"Ok. I love you baby. See you soon. I miss you" Narinig ni Amanda yon kaya napatingin siya sakin at tinignan ko din siya.
"I love you more baby. I miss you too" Kinilig ako sa sinabi ko hehe damn alam na ng lahat na kami na!.
[Ok baby bye] He giggled and ended the call.
Nagkatinginan ulit ang tatlo at hinarap ako.
"See wala siyang girlfriend don. Siya na mismo nagsabi" Sabi ko pa at inirapan lang nila ako at umalis na. Hayy salamat.
Nagtawanan nalang kami nila Matthew at Charity. Haha mga baliw kasi naniniwala nalang sa tsismis. Hayy nakakakilig talaga si River.
Nagstart na ang klase at may iilang bulung bulungan tungkol sa nangyari kanina pero yung iba wala nalang talaga pakielam. Hayy bakit kasi ganito nalang lagi dito. Lagi nalang ako napagdidiskitahan sa university na to.
Nang matapos ang klase nauna akong pumunta sa parking lot kasi hindi kami pare parehas ng sched nila Charity at Matthew. Nauuna ako sakanila matapos ng 20 minutes kaya eto ako ngayon, Sa tapat ng sasakyan ni Matthew naghihintay sakanila. Sinalpak ko ang earphones ko at nakinig ng music.
Nakatingin lang ako sa langit at binibilang ang mga bituin. Haha joke. Pinagmamasdan ko lang ang magandang langit at dinadama ang simoy ng hangin. senti mode activate. Ilang kanta ang lumipas may epal na kumalabit sakin.Tinanggal ko ang earphone ko at tinignan kung sino yon.
"Hi Aileen" Ang gwapo at pawisan na si Ivan ang humarap sakin. Naka uniform pa siya ng soccer team at mukang kakagaling lang ng practice. Hindi naman panget ang ugali niya pero iniwasan ko lang siya kasi ayaw ko magpaligaw noon. Pero kahit ganun bakit kinakabahan padin ako pag kaharap siya. Para bang natatakot ako.
"Ivan"
"Pauwi ka na ba? Gusto mo ihatid na kita?" Pangaalok niya. Hindi ako komportable na kausap siya pero puro kabutihan naman lagi pinapakita niya sakin kahit iniiwasan ko siya.
"No its ok. Hinihintay ko lang sila Charity. Sabay sabay kami uuwi eh"
"umm. Aileen alam ko na naiilang ka sakin pero gusto ko lang makipagkaibigan. Kaibigan ko din naman si Matthew at River. at nabalitaan ko na kayo na ni River so hands off na ko sayo. Casual friends lang ok na sakin" Ngumiti siya at naglahad ng kamay sakin. Tinignan ko lang ito. Hindi ko alam gagawin ko ehh.
"Friends?" Tinignan ko siya at ngumiti ulit siya. Tumango lang ako at tinanggap ang kamay niya. Friends lang daw. Wala naman siguro problema don. OA lang siguro ako magisip kaya ganito.
"Oh Ivan! Dude!" Sigaw ni Matthew nang makalapit samin. Bumitaw ako sakaniya at nakipag high five naman siya kay Matthew.
"Ano dude pauwi ka na? sabay ka na samin" Paanyaya ni Matthew. Muka nga magkaibigan talaga sila.
"Hindi na may dala naman akong sasakyan. Mag isa kasi tong si Aileen kaya kinausap ko lang. Well ingat kayo guys" Nagpaalam na si Ivan at umalis na. Mukang ok lang naman siya ehh pero bakit ganito pakiramdam ko sakaniya.
"Mabait yan si Ivan. Pero ingat kayo mga babae jan. He's a monster" Naging seryoso ang ekspresyon ni Matthew at nagkatinginan nalang kami ni Charity.
Anong monster?...
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...