Chapter 17

33.3K 506 8
                                    

Chapter 17



Buong byahe tahimik lang kami. Wala naman kami mapagusapan ehh. Bakit nga ba kasi ako sumabay sakaniya? Para nalang kasi nawala ang utak ko sa katawan ko kanina eh. Yung pinaghalong gutom, pagod at kilig ...este este ano...aish! basta! nabaliw ako kanina -_-

"Gutom ka pa ba?" Tanong niya habang nakatuon parin ang paningin sa kalsada.


"Syempre anong oras na kaya, dinner na oh" Sagot ko sakaniya. Hindi niya ko tinignan ha hindi ko rin siya titignan -_-


"Kain tayo?" Sumaglit siya ng tingin sakin at nag smirk. why so....why so...ha..ha..ho..hot.. 0_0


"Oo..oo..sige .." Napatitig ako sakaniya nakatingin siya sa kalsada at kinagat niya ang labi niya. LUPA KAININ MO KO! INAAKIT AKO NG DEMONYONG KAPRENG TO! Gusto ko nang tumalon palabas sa sasakyan na to! Bakit ba ko nag OO? umiiwas ka nga Aileen diba? Umiiwas ka sakaniyaaa!



Bumalik ang tingin ko sa bintana at napansin kong hindi nga kami papunta sa lugar kung saan ang  safe place ko. So tinotoo niya na kakain nga kami? YES! este...NO! ayoko kasama siya bakit niya ba to ginagawa -_-


"Dito na tayo" Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya. Bakit biglang naging gentleman naman siya?


"HALA! BAKIT TAYO NANDITO! BAKIT DITO RIVER! AYOKO DITO UMUWI NA TAYO!" Humalagapak siya ng tawa at parang naiiyak na siya. Anong nakakatawa? Baliw na ata to ehh? Sabi niya kakain kami pero dinala ako sa hotel??! Hindi lang basta bastang Hotel. Ito ang sikat na Dela Vega hotel. 5 stars ito at nababalita sa tv na madaming artista ang dito nagpupunta.


"Kakain nga tayo, may restaurant dito at masarap doon kaya dun tayo kakain, Ano bang nasa isip mo?" Tumawa ulit siya at tinignan ko nalang siya ng masama, Pahiya ako don ah. Malay ko ba! Sino ba naman kasi hindi magiisip ng ganun kung ang #1 Casanova ng Vega U. ang magdala sayo dito.



Habang papasok kami ng hotel, may mga bumabati agad kay River, kilala talaga siya. Syempre siya lang naman ang tagapag mana ng lahat ng ito. Pagdating namin sa restaurant sa loob ng hotel Agad kaming pinapasok at hinatid kami ng isang waiter sa Vip table. Wow hindi man lang nagsasalita si River pero alam na agad ng waiter kung ano gusto niya. 


"Good evening, This is our menu, feel free to call our waiters or waitresses if you're done picking, enjoy your night"  Inabot ng gwapong inglisherong waiter ang menu at namili na ko ng makakain.


FTW??! 1400 php para lang sa burger? what the..Hindi mahirap o kung ano ang pamilya ko mayaman din naman kami kung tawagin pero syempre marunong naman ako magpahalagang pera. Para lang sa burger 1400php gagastusin? eh ay angel's burger nga na 23 pesos lang ehh dalawa na yon!


"Umm River, pwede naman sa bahay nalang ako kumain, Or kung gusto mo lumipat nalang tayo ng kakainan? may bilihan ng pancit dun malapit satin at masarap yon mura lang -" Binaba niya ang menu at tinawag na ang waiter. Baliw ba to parang walang narinig?


"Are you ready to order sir?" Tanong ng waiter kay River.


"Ill have, Two Chicken Cordon Bleu, One Penne Pasta Primavera, Filet of Salmon with Dill sause and the most expensive wine here" Tumango at ngumiti lang ang waiter pagtapos niya itong ilagda sa matiit na note niyang dala.


"Huy. Ano ba yung mga inorder mo? Parang foreign foods" bulong ko sakaniya. Nagsmirk lang siya. Please stop that! grrr!!


"Manok, Salad at pasta lang yon iniba lang pangalan." Ahh ganun, Sa totoo lang hindi ko pa naranasan na ako pumili ng ioorder ko.


The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon