Chapter 11
Aileen's Point of View.
"ayos ka lang ba Rj?" Tanong ko sa kaibigan kong ngayon ay inaayos ang damit niya.
"Oo ok lang ako, Ngayon ko lang siya nakitang ganon" Sagot niya sakin at seryoso ang kanyang muka.
Nagulat rin ako sa kinilos ni kapre. Hindi ko inexpect na gagawin niya iyon dahil wala akong maisip na rason niya para magalit ng ganon. Ano bang gusto niyang gawin at si Rj to walang dahilan para magalit siya kay Rj wala naman ginagawang masama si Rj at kaibigan niya yon.
"Nakakainis talaga siya puro siya init ng ulo wala naman dahilan"
"Nakakabigla nga ehh. Sa tagal namin magkaibigan ngayon ko lang siya nakitang ganon" Nakatingin lang si Rj sa field at mukang malalim ang iniisip.
Sa field nalang kami kumain ng lunch dahil hindi na kami bumalik ng canteen para makaiwas sa gulo. Habang nasa field kami madami kaming naririnig na bulong bulungan sa mga estudyanteng dumadaan
"Ang hot magalit ni River my love!! Pero bakit kaya siya nagalit kay Rj?"
"Grabe ano bang meron dun sa transfer na yun bakit ang lakas ng loob niya?"
"Nakakainis yung transfer daw dahilan bakit nagalit si River"
"Baka binabad influence ni Transfer si Rj?"
Marami pang kung ano anong chismis ang narinig namin. Si Rj parang walang naririnig kahit alam kong narinig niya rin iyon. Hindi siya nagpapaapekto samantalang ako apektadong apektado sa mga sinasabi nila. Hindi naman totoo pero mukang ako yung sinisisi nila sa pagaaway ng dalawa.
"Wag mo silang pansinin" Tumingin sakin si Rj at nginitian ako.
"Ayaw ko sanang magpaapekto pero hindi ko maiwasan kasi ngayon lang to nangyari sakin" Sabi ko at uminom ng juice.
"Pasensya ka na ha" Tinapik niya ang braso ko at nginitian ako.
Pagtapos ng lunch pumasok na kami sa mga klase namin hindi kami magkaklase pero kaklase ko si kapre. Ramdam ko ang mga matatalas na titig niya sakin kahit hindi ako tumitingin sakaniya. Ano bang problema ng lalaking to? Bakit ba siya nagagalit? Siya nga tong may atraso sakin ehh tapos siya pa tong may ganang magalit? :/
Nang matapos ang last subject at uwian na inayos ko na ang gamit ko para umuwi. Sinalubong ako ni Charity sa labas ng room para sabay kami umuwi.
"anong nangyari kanina bakit may away?" Tanong agad ni Charity sakin nang makalapit ako sakaniya.
"Hindi ko rin alam bakit sila nagaway nabigla rin ako" Hinila ko na si Charity palabas ng gate.
"Sabi ikaw daw ang dahilan bakit nagaway yung dalawa ah? Ngayon ko lang nakitang nagaway yung dalawang yun eh" Inirapan ko nalang si Charity ang kulit ehh sabi nang hindi ko alam eh ang kulit.
Napatigil kami dahil kay kapre na hinarang kami sa hallway. Nakatitig siya sakin habang seryoso ang muka niya. Ano nanaman kayang kaylangan nitong lalaking to? ayoko na ng gulo baka ano sabihin ng mga estudyante samin. Sa tagal ng titigan namin madami nang nakakapansin saming dalawa.
"Aileen Lim" Seryoso niyang sabi.
"River Dela Vega" seryoso ko rin yang tinignan.
"MAKINIG KAYONG LAHAT!" sigaw niya na tumawag ng atensyon sa mga estudyanteng dumadaan sa hallway. Tsk! wag kang gumawa ng eskandalo please..
"Si Aileen Lim, Akin ang babaeng to. Walang malalapit o poporma sakaniya. Ang magbalak na gawin yon ay mapapatalsik sa Dela Vega University!"
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...