Chapter 41

20.1K 321 0
                                    

Chapter 41


"Rj..." Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya. Matagal na nung huli kami nagusap. Kahit papano namiss ko ang kaibigan ko. Kahit na hindi maganda ang naging huling pagkikita namin.

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya sakin at tinignan ko lang siya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin o parang naninibago lang ako.

"Uh..kasi Rj.." Napangisi siya sa pagpapanic ko. Anong magagawa ko? Nakakapanic kaya! Hindi ko alam bakit pero kinakabahan ako!

"Dont worry. im just here as a friend matagal tagal na din nang may nangyaring hindi maganda and im still sorry for what i did"

"Uh..Rj wala na yon. Nakalimutan ko na yon." Nginitian ko nalang siya. Siya parin yung Rj nang unang beses ko siya makilala.

"Talaga? Hayy salamat Aileen! Friends?" Naglahad siya ng kamay at tinanggap naman ito. I guess we're friends again.

-----

@Mall.

Nagtext si Charity sakin at nasa bahay na daw siya at gusto magpahinga kaya hinayaan ko nalang. Alam ko nagselos yun and being alone to think is the best way.

Dahil sa ok na kami ni Rj siya nalang ang sinama ko mamili ng dress. Para bang wala lang nangyaring alitan samin at kung magusap kami ay parang dati lang. Kasyuwal na magkaibigan lang. Ewan ko pero naninibago pa ko siguro ngayon lang to. Kahit papaano napapatawa na ko ni Rj dahil sa kakwelahan niya.

Napunta kami sa isang shop. Nakita ko ang isang Pastel orange na gown at may kulay itim na design. Simple lang pero elegante tignan. Sumenyas ako kay Rj na magsusukat ako habang siya namimili naman ng tuxedo niya. Tumango lang siya kaya nagpunta na ko ng dressing room. Nang masukat ko ng damit nanlaki ang mata ko. Bagay sakin. type ko talaga ang kulay! Ito nalang ang bibilihin ko.

So binili ko nga yung damit. Bumili din ako ng sapatos, accesories at iba pang kaylangan tulad bg corsage. Mag gagabi na. Kamusta naman kaya si River. Ganitong oras kasi siya tumatawag ehh baka tulog pa. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy kami ni Rj sa paglalakad.

"Sino date mo sa dance?" Biglang tanong niya sakin. Actually si River sana kasi nga boyfriend ko siya diba

"wala. ako lang siguro magisa or kami ni Charity" Tumango siya at tinignan ko siya.Parang may gusto siyang sabihin pero pinagsawalang bahala niya nalang.

"Diba si Aileen yan? Bakit kasama niya si Rj? Akala ko boyfriend niya si River?"

"Psh! Slut"

Hindi ko alam kung saan nanggaling yon pero talagang kinainis ko. Hindi ko nalang pinansin dahil public tong lugar na to ayoko naman mageskandalo.

Pagdating namin ng parking lot pinagbuksan na ako ni Rj ng pintuan ng sasakyan niya. Hindi na daw niya ginagamit yung motor niya kasi nadisgrasya siya.

Pagpasok ko may nakita akong flash ng camera.Ano yon? hindi ko naman alam san galing kaya hindi ko nalang ulit pinansin.. Geez what was that.

"nakita mo ba yon?" Tanong ni Rj nang makapasok siya sa sasakyan niya.

Umiling nalang ako at nanahimik. Nakatingin lang ako sa phone ko. Wala parin siyang tawag o message man lang. Hinaplos ko ang kwintas na binigay niya sakin. Bigla nalang bumilis ang pintig ng puso ko at kinabahan. Ang daming weird feelings akong nararamdaman ngayon. Hayy.

"Ok ka lang?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Tahimik lang kasi kami.

"o..ok lang ako" Sagot ko pero hindi ko na siya tinignan.

Nang makarating kami sa bahay nagpasalamat at nagpaalam lang ako sakaniya. Tulad lang kami ng dati na parang walang nangyari. Siguro naman ok lang to. Wala naman masama.

Pagpasok ko ng bahay namin wala parin paramdam si River. Kaya nagpahinga nalang ako. Hayy siguro pagod lang siya o kaya busy..Bago ako matulog at magpahinga na nag message ako sakaniya. sabi ko...

Hello baby. Goodmorning jan. Malapit na ang dance, sayang hindi ka makakaabot. Hindi sana ako pupunta kaya lang si Charity gusto pumunta. Naisip ko na kaming dalawa nalang ang partner sa dance hehe. Broken Hearted siya kay Matthew eh akalain mo yon? nagkagustuhan na talaga sila. Well i miss you. You didnt call tonight so.. i was waiting.. i miss you..see you soon :( i love you.

Tinitigan ko ang message ko sakaniya at naghintay na baka sakali ay mabasa niya malay niyo sumagot. Hayy i miss him so much.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon