Chapter 23
Gabi na ng matapos kami gumala at kumain. Dapat uuwi na kami pagtapos kumain pero pinarelax niya daw muna ako kaya nag gala muna kami. Syempre hindi maiwasan may magpapicture sakaniya ginawa pa kong photographer -_-
Naglalakad kami ngayon dito sa parking lot at papuntang sasakyan niya. Bitbit ko ang ilang paper bag na may laman na pinamili ko. Gusto niya pa ko ilibre eh hindi na ko pumayag. Ano pang silbi ng mga pinaghirapan ko diba? Tumingin ako sakaniya na ngayon ay nauuna sa paglalakad.
Pumasok sa isip ko yung sinabi niya sakin kanina. Gusto niya bigyan ko siya ng chance na ligawan ulit ako at magsimula sa simula. Pwede naman kaya lang hindi maaalis sakin na matakot parin dahil nasaktan niya ko noon.
Kung hindi lang sana niya ko nasaktan madali ko sanang mabibigay yung tiwala ko sakaniya. Nang makalapit na ko sa sasakyan niya binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pinapasok na ko. Sinarado niya na ang pinto at umikot na para makasakay na din. Pansin ko sa mga mata niya ang saya. Good mood si kapre. Pagupo niya naamoy ko agad ang pabango niya. Hayy bakit ba nasakanya lahat ng gusto at ayaw ko sa lalaki? ayan tuloy hindi ko malaman kung ano ba talaga gagawin ko sakaniya. Natutuwa na naiinis? 50/50 -__-
"Aalis na ko sa Franco, You should quit too" Sabi ni River. Tama kaylangan mag quit na din ako sa Franco. But wait? Bakit siya aalis sa Franco?
"Aalis na nga din ako. Wala na din naman dahilan para mag stay pa ko don lalo na sa ginawa ni Rj" Napatingin ulit ako sa kamay kong may bandage. Hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari.
"Baka masira ko lang pagmumuka ni Rj pag nakita ko pa siya kaya aalis na din ako. Tsaka may offer naman ang CK sakin kaya lilipat nalang ako" Ck? as in Calvin Klein? wow big time yon.
"Ako baka manahimik nalang muna ako." Tama mananahimik nalang muna ako. Baka mas lalo pang kumalat yung balita mamisunderstood nanaman.
"Dapat wag ka magpaapekto sa mga bashes at haters. You have those people who support you and you have to make them proud. Being strong will make your hater's go away. Iisipin nila na masyado kang matatag para tibagin. " Ayan nanaman siya ang deep nanaman.
"Ang lalim mo haha!" Natawa ako at ganun din siya. Pero may punto siya. Maybe all i have to do is ignore them and be strong.
Nagkwentuhan pa kami habang nasa byahe pauwi. May mga bago akong nalaman kay River. Yung usapan namin na napupunta sa pagtatalo then eventually magtatawanan kami. I like this feeling. I like this kind of moments with him.
Nangmakarating kami sa bahay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at tinulungan ako kunin ang iilang paper bags na dala ko. He really is a gentleman in his own way.
"Thanks for today" Nginitian ko siya. At doon lumabas nanaman ang pagpula ng pisngi niya. Really? siya lang talaga yung nakita kong mala diyos kung mag blush!
"Um Aileen. About the chance im telling you..Seryoso ako. I wanna start all over, Lets forget every thing and start again" Biglang naging seryoso ang muka niya. Seryoso talaga siya. Ano bang gagawin ko?.
"But River, I dont wanna forget. I can forgive but i cant forget. As much as i want to forget, i cant. Nagsimula man tayo sa maling paraan naging masaya parin ako na nakilala kita. Ayokong kalimutan ang dahilan bakit nandito ka ngayon" Seryoso ako sa sinabi ko. Buti nalang hindi ako nautal. Ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko. River all i want is for you to change. Change for the better.
"Ok then.." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi mahigpit pero hindi rin maluwag. Ganyan ang gusto ko.
"Give me a chance Aileen. Im serious." Seryoso niya kong tinignan at ganun din ako.
"Then lets make a bet" Sabi ko at nginitian siya.
"What bet?" Tanong niya. May naisip akong magandang ideya.
"Pustahan tayo. Magiging seryoso ka sa nararamdaman mo sakin. Walang laro walang lokohan." Paliwag ko. Natahimik lang siya at hinihintay akong magsalita ulit.
"Pag nalaman kong hindi ka seryoso sa bagay na to...Babalik ako ng Korea at hindi mo na ko makikita ulit. Hindi mo ko makakausap, Hindi mo ko susundan, Kahit anong gawin mo iiwas ako sayo" Pag sinaktan niya ko ganito din naman ang gagawin ko ehh. Iiwas sakaniya para makalimutan siya. This is the last chance. Wala nang sunod dito kaya pag nasaktan ako ngayon, Tama na.
"And what if seryoso ako?" tinignan niya ko ng mabuti.
"Then you'll win. Ill be yours and youll be mine" Ngumiti siya at mukang masaya siya sa sinabi ko.
"Deal"
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Novela JuvenilIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...