Chapter 42
Lumipas ang mga araw na wala naman masyadong nangyari. Still the same. Kami parin ni Charity ang magkasama, Nagpapansinan kami ni Rj sa hallway pag nagkakasalubong, Wala padin si Matthew at higit sa lahat hindi padin tumatawag o nagpaparamdam si River. Dalawang araw na siyang walang paramdam!
"Hoy easy ka lang sasabog yang mineral water pag ganyan kahigpit ang hawak mo" Nagising ako sa katotohanan at nakita kong baka nga masira na ang lalagyanan ng mineral water dahil napipipi ko na.
"High blood mo lagi? ano problema?" Tanong ni Charity at kumain na ulit ng sandwich.
"Si River kasi! tatlong araw nang hindi nag paparamdam! sabi niya sakin araw araw na siyang tatawag, promise yon ha! pero ito wala siyang kahit message man lang!" Umirap ako sa kawalan at natahimik nalang siya.
Nandito kami ngayon sa Fresh Nails at nagpapalinis ng nails namin sa paa at kamay dahil mamayang gabi na ang dance. Since may Boyfriend ako at si Charity naman ay inignore lahat ng nagyaya sakaniya sa dance ay naisipan namin na kami nalang ang partner sa dance mamaya. Hayy kung sana ay nagpaparamdam man lang si River edi sana naeenjoy ko na yung bonding time namin ni Charity at hindi kung ano ano ang iniisip ko!
Pagtapos namin sa Fresh Nails sa Salon naman kami nagpunta. Ito ang salon na ang may ari ay yung nag memake up samin sa CAST pag may photoshoot. Since maganda siya mag make up at hindi ganun kamahal ang bayad dito nalang kami magpapaayos. 5:30pm palang naman at 7:30 pa naman ang dance.
"AYYY! OMG! CHARITY!!! AILEEN!! NAMISS KO KAYONG DALAWA!! well si Aileen lang si Charity lagi naman nasa studio yan hahah! come in come in!" Masaya kaming sinalubong ng kaibigan naming si Orange. Siya yung nag memake up samin sa CAST.
"Hehhe. busy ako sa school dami kasi ginagawa eh wrong timing naman lagi magpatawag si sir Aragon ng photoshoot eh" Palusot ko. Pero ang totoo wala talaga akong gana.
"Ay nako! nanghihinayang nga si sir sa ibang projects na sana ikaw yung ipinasok. Hindi talaga siya kuntento kahit ok naman yung kinalabasan. Sabi pa niya samin, "Hindi ko kaylangan ng basta maganda lang! i want perfection!" Ginaya niya pa ang pagsasalita ni Sir Aragon. Grabe talaga si sir Aragon. perfectionist ata yun ehh?
"Oo nga yun nga naabutan ko nung nagpunta ako nung sabado dun sa studio. May photoshoot tapos sigaw siya ng sigaw ng MORE MORE! tapos nabadtrip hahah!" Sabay sabay kami nag tawanan sa sinabi ni Charity. Ilang kwentuhan pa ang nangyari habang inaayusan kami ni Orange.
Inayusan ako ni Orange ng simple at elegante tignan na make up. Tinugma niya din sa gown ko ang make up ko kaya more natural lang ang make up ko hindi ko naman din daw kaylangan ng masyadong kulay sa muka ko. Ang buhok ko naman ay kinulot niya ng lahatan at pinag sama sama sa isang gilid. Gustong gusto ko talaga pag inaayusan kami ni Orange, hindi tulad ng ibang make up artist na sobrang kapal ng make up namin. Sakaniya magaan at natural lang pero ang ganda.
Nang matapos na kami ayusan ay nagpasundo na kami sa driver namin para naman hindi na kami maghintay ng taxi at magulo pa ang itsura namin. Sa bahay din namin mag aayos si Charity kaya sabay na kaming umuwi sa bahay. Habang nasa byahe binuksan ko ang facebook ko at nakita kong online si Ate Renelee. Tanong ko kaya kung nasan si River? Baka napano na din kasi yon.
Me: Hi ate Renelee! :)
Her: Hi! :D How are you???
Me: Ok lang po :)
Her: Thats good to know. So anything i can help you with?
Me: Ate Renelee alam mo po ba kung nasan si River? He Haven't been calling me since last Tuesday. Kahit message wala. Pag tinatawagan ko po wala rin sumasagot.
Her: Hmm. Hindi ko alam nasan siya ehh. I haven't seen him in the office since Yesterday.
Me: ay ganon po ba. :(
Her: Yeah. Im sorry but ill tell you when i see him ok? don't worry i got my eyes on him ;)
Me: Thank you ate Renelee :)
Her: Dont mention it ;) Anything for my bro's girl ^.^
Hayy hindi rin alam ni ate Renelee. Bahala na nga -_- kahit sumasama na ang mga pumapasok sa isip ko hinahayaan ko nalang. Wala naman proweba na nangbababae siya diba? Wala naman akong nakikitang pictures o kung ano sa facebook niya. Hayy basta parang nawala nalang siya na parang bula :( Pag karating namin sa bahay ay nandoon na din at nakaayos ang mga gown namin. Tuwang tuwa naman si Mommy samin dahil ang gaganda daw namin. Parang prom lang pero hindi naging maganda ang memory sakin ng prom namin noong junior high sa Korea. Naging trahedya ang lahat dahil sa pagbuhos lang naman ng juice sakin ng isang babae habang sumasayaw ang prom queen at king. Since prom queen ako noon at boyfriend niya ata yung prom king nagselos si ate kaya boom basa ako ng apple juice :/
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay parang hindi ko nagustuhan ang gown na nabili ko. Napa ngiwi nalang ako ng masuot ko na ang gown ko. Masyadong labas na labas pala ang likod ko. Akala ko nung unang sukat ko ok lang pero ngayon parang feeling ko maoout of place ako.
"Anak" Lumapit si mommy at nakangiti siya sakin. Nacurious ako bakit pero nang tumingin siya sa likod niya ay doon ko nakita si daddy! pababa siya ng hagdan at may hawak hawak na isang malaking box!
"DADDY!!!!" Napatakbo ako sa tuwa nang makita ang daddy ko, niyakap ko siya at niyakap niya ko gamit ang isang braso niya dahil ang isa ay may hawak na malaking box. Ngumiti si daddy sakin at mukang masaya din siya na makita ako.
"Advance happy birthday my princess" Ngumiti si daddy at binuksan sa harapan ko ang isang malaking box at nanlaki ang mata ko sa nakita ko!
"OMG THANK YOU DADDY! YOURE ON THE RIGHT TIMING! I HATE THIS GOWN THAT IM WEARING RIGHT NOW!" napatawa si mommy at Charity sa sinabi ko at ganun na din si daddy niyakap ko ulit siya at nagmadaling bumalik sa kwarto ko para isuot ang gown na niregalo ni daddy. Haayy good timing! napasaya na ko ni daddy dahil nandito siya. Niregaluhan pa ko ng gown na napaka ganda! <3
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
JugendliteraturIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...