Chapter 40
"Hoy! yung posters naman ipaskil niyo na!" Sigaw ng president ng student body dito sa university.
Kawawa naman yung mga staff ng SBO mukang pagod na talaga sila. Naglalakad kami ni Charity ngayon sa hallway. Nakikita namin na naglalagay na sila ng ilang decorations para sa Aniversary night ng university na to. Sabi ni Charity pag aniversary daw parang prom ang nangyayari.
"Sino date mo sa saturday?"
"Nakabili ka na ba ng gown?"
"kinikilig ako niyaya niya ko sa dance sa friday!"
Usap usapan ng ilang babae sa hallway. Hayy nako. Hindi nalang ako pupunta. Wala din naman akong date ehh. Nang makarating kami ni Charity sa canteen yumuko nalang ako at tinignan ang phone ko. Its been 2 weeks and 2 days since River left. Sana nga makaabot siya sa dance eh kaya lang hanggang Tuesday pa daw siya don so wednesday na siya makakauwi. Pag tapos naman ng dance birthday ko naman.
Para parin akong nakalutang tuwing naaalala ko na isang linggo pa siya kesa sa ngayong friday na siya uuwi sa susunod na linggo pa.
"Hey! ano nabigay na ba ni tita yung pang bili mo ng gown?" Tanong ni Charity sakin. Hindi ko namalayan yon kaya napasigaw siya. ang lalim nanaman kasi ng iniisip ko.
"Oo pero ewan ko lang kung pupunta ako" Sagot ko sakaniya at tumingin lang sa bintana.
"Pumunta ka na ano ka ba. Sayang naman yung event. Minsan lang to ehh" Pagkukumbinsi niya sakin. Nagkibit balikat nalang ako at hindi sumagot.
Buong klase tahimik lang ako. Hindi na rin ako sumasali sa mga photoshoots sa CAST kahit kinukulit nila ako. Wala lang talaga akong gana.
Pagtapos ng klase namin may nakita kami sa hallway na isang lalaki na may dalang isang dosenang pulang rosas. Kahit madami ang nakikiusisa nakita padin namin ang nangyari. Napangiti nalang ako sa naganap. Niyaya ng lalaki ang isang babae sa dance at pumayag naman ang babae. Nagyakapan sila at humiyaw sa kilig ang mga nanuod na estudyante.
"Nakakainggit naman. Ako wala pang date" Malungkot na sabi ni Charity habang nakatingin parin sa mga taong pinanuod namin.
"Si Matthew?"
"Hayy may date na yon"
"Sinabi niya ba na meron?"
"uh...Hindi. Pero kilala mo si Vernice Shane Crisostomo? Yung Swimmer?"
"Oh ano meron?"
"Yun yung lagi niya kasama kaya hindi niya tayo nasasamahan this past few weeks" Tumango nalang ako at nakita ko ang lungkot sakaniya. Ano ba yan malungkot na nga ako malungkot pa siya?
"Tara na nga sa mall!" Hinila ko siya palabas at nakarating kami sa parking lot. Napatigil siya at bumitaw sa kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Nakatingin siya sa isang direksyon na hindi ko alam. Nacurious ako kaya tinignan ko rin. Nakita ko si Matthew at alam ko na bakit ganito ang reaction ni Charity.
"Tara na wag mo na sila pansinin" Sinubukan ko siyang hilain ulit pero yumuko nalang siya at di nagpahila sakin. Napapansin ko na nagkakagusto na si Charity kay Matthew pero like River before. Playboy din siya.
Tinignan ko ulit si Matthew na ngayon ay pinagbuksan si Vernice ng pintuan ng sasakyan niya. Masaya sila at nagtatawanan pa. Naaawa naman ako kay Charity. Mataas din kasi ang pride ng isang to kaya ayan hindi niya sinasabi na may gusto siya.
Ilang araw na din na hindi nakakasama si Matthew samin. Hindi naman niya sinasabi na dahil kay Vernice. Iba iba ang excuse niya na alam namin na hindi naman talaga totoo.
Pagtingin ko kay Charity..Wala na siya!! nasan na kaya ang babaeng yon??? Inikot ko ang paningin ko at hindi ko siya makita dito. Aalis na sana ako nang biglang...
Pppeeeeeppppp!!!!
Napatingin ako sa sasakyan na bumusina at nakita ko ang pulang sasakyan ni Matthew. Binuksan niya ang bintana at ngumiti sakin. Nakita ko naman si Vernice sa loob at busy sa phone niya.
"Pauwi ka na ba Aileen? Gusto mo sumabay?" Alok ni Matthew.
"Ahh ehhh hindi na kasama ko si Charity ehh bigla lang nawala." Nakita ko ang pagkawala ng ngiti ni Matthew at naging malungkot at nagaalala.
"Ganun ba. Tatawagan ko nalang siya pagkahatid ko kay Vernice. If you found her tell her that ill call her" Seryoso niyang bilin sakin. Tumango lang ako.Kinaway niya ang kamay niya at umalis na.
Pano na ko ngayon? Balak ko pa naman pumuntang mall para mamili ng dress. Siguro hindi talaga ako makakapunta sa dance.
"Hey Aileen" Sabi ng isang lalaki sakin at nang lumingon ako para tignan kung sino ito ay nabigla ako...Hindi ko alam kung magsasalita ba ko oh hindi...
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...