Chapter 51
River's Point of View.
Hinaplos haplos ko ang buhok niya habang mahimbing siyang natutulog. Napagod siguro sa kakaiyak. Im still lucky to saw them in that moment, Im still lucky i wasnt too late. Hinikan ko ang noo niya at kumuha ng damit niya sa closet. Kumuha ako ng underwear niya at pajama.
Tinanggal ko ang tuwalya niya at sinuotan siya ng damit, Bawat bakas na nakikita ko ay padag dag ng padagdag ang bigat na nararamdaman ko. I just wanna kill that guy! Yung moment na nakita ko siya halos mapatay ko na siya.
flashback.
"GAGO GIRLFRIEND KO YANG SINASAMANTALA MO!" sigaw ko sakaniya habang hawak hawak ko ang kwelyo niya, Nagdudugo ang gilid ng labi niya at mukang napuruhan ko talaga siya. Shit! kulang pa yan!
Tinapon ko siya sa sahig at sinipa't sinuntok ng walang tigil. Hindi siya lumalaban kaya mas lalo akong nanginit. GUSTO KO SIYANG PATAYIN! Narinig ko ang pag sigaw ni Charity at Amanda ng makita kami pero wala parin akong tigil sa pag sapak sakaniya. Nang tumayo ako at tumigil nakita ko si Aileen na walang malay. Naestatwa ako sa nakita ko. Nakadamit pa siya pero medyo punit na ang sandong suot niya kaya halos makita na ang bra niya. Lumapit ako kay Aileen at halos magdilim ang paningin ko, Amoy alak siya. Hindi siya umiinom kaya imposible na naglasing siya at wala naman kaming problema para dahilan na maglasing siya. Dinampot ko ang polo niya na nasa sahig at ikinumot yon sakaniya nang biglang..
"Masyado mo kasing pinapabayaan ang prinsesa mo, Ayan tuloy natikman ng iba" Agad kong nilapitan si Ivan at sinuntok siya ngayon ay naglaban na siya, Nasuntok niya ko sa ibat ibang parte ng katawan ko, Nang tumigil siya ay napansin ko ang 4 finger na nakasuot sa kanang kamao niya. This guy isnt playing fair. But im mad! i wanna kill him!
Susugod pa sana ako nang pigilan na ko ni Matthew at RJ, Pumiglas ako pero nilayo na ni Amanda at Charity si Ivan. Shit!
"Humanda ka! magsisisi ka sa ginawa mo!" nang makaalis na siya ay dinala agad namin si Aileen sa ospital para macheck. Habang nasa sasakyan kami wala parin siyang malay. Malakas ang amoy ng alak at mukang pinainom talaga siya.
Kasalanan ko to lahat eh! Masyado akong naging kampante masyado akong pabaya! Nang bubuhatin ko na ulit si Aileen palabas ng sasakyan ko para maidala sa emergency room napatingin ako sa leeg dibdib at balikat niya. Damn it! Hindi ko kayang makita ang mga yan! Hindi ko siya kayang babuyin ng ganito! To see my woman like this it feels like stabbing my chest with a large knife. Ang sakit!
End of flashback.
--------
Napagusapan namin ng parents niya na ilayo muna namin si Aileen. Lalo na sa mga taong nakakaalam ng pangyayari, We want her to move on from that accident. We want her to heal. Sabi ng dad niya baka dalihin si Aileen sa Korea, Tumanggi naman ang mom niya dahil umalis si Aileen sa Korea dahil ayaw niya nang mabuhay ang issue tungkol kay Eddy. Bigla kong naisip si Ate, California. May bahay kami don at pupwedeng doon na muna dahilin si Aileen. Pumayag naman kaagad ang mga magulang niya. Bakas sakanila ang sakit at awa. Sakit dahil sa nangayari sa anak nila. Awa dahil sa nakikita nila samin.
"Kung iyon ang nakakabuti, Then do it" sabi ng mom niya.
"We know that you can take care of her. Shes matured enough, She knows the difference of right and wrong, We trust you so please take care of Aileen"
Bilin sakin ng dad niya.Nang makauwi ako kinausap ko agad si ate sa phone. Kinuwento ko ang nangyari at mga plano namin para kay Aileen, We know it's for the best. Sa kasamaang palad hindi ako makakasama sakaniya sa California dahil madami akong dapa asikasuhin dito pero pupunta parin ako don every month. Mas mahalaga siya kesa sa kumpanya. But i cant bear to see my parents dissapointed on me again so i have to balance everything.
Ilang araw na din ang lumipas at inayos ko na ang mga papeles na kakailanganin ni Aileen. Nakausap na din daw ni tita Aira si Aileen sa mga plano namin at pumayag naman si Aileen. Yon din naman daw ang gusto niya, Ang lumayo sa lahat at magpahinga. Inaasikaso naman ng papa at ni tito Kim (dad ni Aileen) ang pagsasampa ng kaso kay Ivan. Balak din mag sampa ng kaso ang pamilya nila sakin dahil sa pang bubugbog na ginawa ko pero inaasikaso na din daw iyon ng abugado namin.
"Aileen? Dinalahan kita ng cake" In some ways im trying to cheer her up. Kahit na Ilang araw palang ang nakakalipas. She's trying to forget everything that happened pero syempre hindi talaga maiiwasan na masaktan parin siya sa mga nangyari.
"Wow naman, Black forest. Thank you" Ngumiti siya ng konti at hinalikan ko ang pisngi niya. Umakyat kami sa kwarto niya at doon kumain.
Minsan dinadalaw siya nila Charity, Amanda, Matthew at Rj. Noong isang araw naman ay pumunta dito sila Saffarah at Tiffany, nag sorry sila kay Aileen dahil sila pala ang nag painom kaya nalasing si Aileen, Wala na kong oras para magalit pa sakanila ang inaalala ko nalang ngayon ay si Aileen.
"Kelan daw ang flight ko? " Tanong niya at sinubuan ko pa ulit siya ng cake.
"Two days from now, Si ate daw mismo ang magsusundo sayo. Miss ka na daw niya eh" Tumango siya at ngumiti. Her little smile gives me the strength to carry on. Kung hindi siguro siya matatag baka ganun din ako.
"Wanna help me pack? " Aniya at ngumiti pa ulit sakin.
"Syempre tutulungan kita" Ngumiti din ako at inabutan siya ng tubig. Pag tapos namin kumain nag impake na kami ng mga gamit niya.
Tumawag na din ako kay ate para iupdate siya, Nag hire na din daw siya ng private tutor para kay Aileen. Home schooled siya pag dating sa california. Lagi din naman daw siya aasikasuhin ni ate kaya dapat wag na daw kami mag alala masyado.
Hay.. Kelan ba matatapos to. Ang daming problema. Nakakapagod man pero wala kaming magagawa, We're doing our best for Aileen. And we all know, all this pain and suffering will fade. Time, only time can heal everything.
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Teen FictionIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...