Chapter 5
River's Point of view
Kinabukasan pasok nanaman, wala parin imik si papa sakin pero si mama pinapansin parin ako as always she's loving and supportive kahit gago akong anak. Ako lang ang nasa pilipinas at ang dalawa kong kapatid na si Renelee at Renivee ay nasa California. Kaya ngayon ako lang ang sakit ng ulo nila.
"Bro bro bro! mukang nanganganib ang 100 thousand ko ah" Humalakhak si Matthew nang makita akong papalapit sa table ng canteen kung saan sila nakaupo.
"Sabi naman kasi sayo imposible na hindi kumawala ang garter ng panty ni Ailee kay River" Singit ni Tiffany.
Napangisi nalang ako. Naka one point na ko kahapon. Nalaman kong kapit bahay lang namin ang korenang yon dahil sa daldalan ng katulong namin at katulong nila. Pero shes not that bad. Maganda siya, makinis, nakakalasing tignan ang mga mata niya, at ang labi niya. damn! parang nakakaakit halikan ang mainit ang malambot niyang labi. Pero wait what...? ano ba tong iniisip ko -_-
"Well. may ilang linggo ka pa para mapasagot mo yang koreanang yan River" Sabi ni Matthew sakin. Psh.. ang dali lang nito.
"i got it matt" Tinignan ko siya at nginitian.
"Si RJ nasan? yung notebook ko.." Sabi ni Saffarah. Oo nga nasan si Rj ngayon lang ata nalate yon.
Ilang minuto habang hinihintay si Rj, nakita ko si Amanda na kasama si David. Goodluck Amanda haha! Si David? lahat na ata niligawan niyan tapos peperahan. Nevermind. wala naman akong pakielam kay Amanda kung anong gawin niya. Basta pag kinailangan ko siya dapat dumating siya. Hindi ko gusto o mahal si Amanda kahit 100% nasakanya lahat ng gusto ko sa isang babae. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya gusto para bang friends with benefits lang kami?
"Uy..si Rj oh" Tinuro ni Matthew si Rj na kakapasok lang sa canteen at kausap si Aileen. Mukang magkaibigan na sila ah ang bilis naman kunin ang loob ng isang iyon. Cheap.
"yow! Rj!" Tawag ni Saffarah kay Rj, nakita namin nagbeso pa si Rj kay Aileen at siyang kinagulat niya pero ngumiti parin siya. Bakit ganun kay Rj na mukang gago hindi siya pumipiglas pero sakin todo siya makaiwas.
"Wow close kayo?" Tanong ni Tiffany. Tinitigan ko lang si Rj na kakaupo lang sa table namin.
"Haha! sabay kami pumasok nag jeep kasi ako eh kasi na flat yung sasakyan ko tapos wala pang taxi eh malelate na ko kaya nag jeep ako. Tapos nakita ko siya nung magbabayad na ko wala pala akong barya 1000 dala ko kaya humirap ako ng 10 pesos haha!" Nagtawanan sila sa kwento ni Rj. Pero para bang naiinis ako kay Rj ngayon -_- tss ewan ko ba. Siguro di ko lang matanggap na madali silang naging close ni Aileen samantalang ako sobra siya makaiwas. Anong meron kay Rj na wala ako? :/
"Alis na ko pasok na ko" Singit ko habang nagtatawanan pa sila. Naiirita ako ngayon.
Tumahimik sila at para bang napansin ang pagkabadtrip ko kaya hindi nalang sila umimik. Dumiretso ako sa klase ko kung saan kaklase ko si Aileen. Wala pang prof nang pumasok ako at nakita ko siya kadaldalan ang isang babae. Napatingin sakin ang babaeng kausap niya habang papalapit ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Aileen.
"Aileen" Tawag ko sakaniya. Dahan dahan niya kong nilingon at nakita kong kumakain siya ng lollipop. Shit..ang cute niya.
"Ano?" Nagtaray nanaman siya -_-
"Lunch tayo mamaya"
"May pera ako" Nagsalubong ang kilay niya at para bang nainis sa sinabi ko.
"Sinabi ko bang ililibre kita?" Nagpigil ng tawa ang kanina niyang kadaldalan habang nakatingin samin na naguusap.
"Gago" Yun lang ang nasagot niya sakin at magsasalita sana ako nang dumating ang prof namin kaya tumahimik kami.
"Ok class. Get your partner para sa report niyo, Kaylangan mapasa niyo yung report in 3 days or else bagsak na kayo 70% ng grade niyo ay dun ko kukunin" Sabi ng prof. kaya naman naghanap agad ng partner ang mga tao dito.
Ang iba pa ay inalok ako na maging partner nila pero tumanggi ako. I have an idea. Magsasalita sana ang kausap ni Aileen kanina pero inunahan ko na siya.
"Partner tayo Aileen" Bulong ko at umiling lang siya at hindi ako pinansin.
"Partner tayo Charity!" Sigaw niya sa babaeng kausap niya kanina pero umiling ito at tinuro ang isang lalaking naka upo. Mukang may partner na siya.
Bumuntong hininga si Aileen na para bang wala siya choice. Para bang pumapanig sakin ngayon ang tadhana ah? Tumingin si Aileen sakin at tinanggal ang lollipop sa bibig niya.
"Partner tayo. Umayos ka kung ayaw mong bumagsak" Giit niya at nilagay ulit ang lollipop sa bibig niya.
Nakinig pa kami ng explaination ng prof tungkol sa report. Kaylangan pala namin pumunta sa isang kumpanya o negosyo at kausapin ang may ari nito. May tatlong araw kami para gawin ang report at sagutan ang mga tanong na binigay ng prof.
Lunch na at hinintay ko si Aileen lumabas sa klase niya na. Hindi kami magkaklase sa subject na yon eh kaya naghintay nalang ako. Habang hinihintay ko siya naisipan kong magpadeliver ng pagkain dahil ayoko talaga ng pagkain dito sa canteen parang nagasasawa ako. Makalipas ang ilang minuto nakita ko siya lumabas at nakayuko na para bang nanghihina.
"Aileen! tara lunch?" Nilapitan ko siya at kinuha ang libro at bag na dala dala niya. Hindi siya nakipag talo sakin sa ginawa ko tinignan niya lang ako gamit ang nanghihina niyang mata.
"Gutom na ko. Pengeng pagkain" Natawa ako sa sinabi niya dahil parang kuba pa siya maglakad dahil sa panghihina. Para siyang batang paslit na nagugutom na at hindi pa pinapakain. Inakbayan ko siya at kinaladkad papuntang Canteen.
Pinaupo ko muna siya sa table at yumuko lang siya. Nilapag ko sa lamesa ang gamit niya. Mukang gutom na gutom na nga talaga siya buti nalang medyo madami akong pinadeliver.Tumakbo ako papuntang gate para tignan kung dumating na yung delivery at buti nalang nandoon na agad. Kinuha ko sa guard ang mga pagkain at dinala kay Aileen.
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Novela JuvenilIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...