Chapter 25
River's Point of View.
Ito na yung araw na pinlano kong surpresahin siya para sa birthday niya. Sa monday pa naman birthday niya pero aalis ako ngayong friday dahil pinapapunta ako ni Ate sa California. May kaylangan daw kaming ayusin. Hindi ko pa nasasabi kay Aileen ang tungkol don at hindi ko alam kung pano ko sasabihin sakaniya. Pero pag pinigilan niya ko hindi talaga ako sasama kay ate.
"Ang tagal naman ng mga yun" Pagrereklamo ni Matthew. Nandito kasi kami sa parking lot. Hinihinatay namin sila Aileen at Charity.
Ang plano ko ihahatid ni Matthew sila Aileen sa CAST at didiretso na ko sa hotel para iayos ang lahat. Isasama ko sana si Matthew para tulungan ako pero kaylangan ko yung sasakyan niya para ihatid si Aileen sa hotel pagtapos nila kaya sa meeting.
"Padating na din yon" Sabi ko sakaniya. Ilang saglit pa ay nakita ko na silang palabas ng school at papunta dito.
"Tara na. Tumawag na samin yung secretary sa CAST nandun na daw si Mr. Fernandez" Sabi ni Charity nang makalapit sila samin.
"Diba may meeting ka sa photography club?" Tanong ni Aileen sakin ng makita niya ko sa parking lot.
"Oo. Hinintay muna kita bago ako pumunta don" Ngumiti ako sakaniya at tumango naman siya.
"Tara na?" Tanong ni Matthew sakanila. Nagpaalam na sila sakin at umalis na.
Sumakay na ko sa sasakyan ko at dumiretso na sa Dela Vega Hotel. Nagpaarrange ako ng Candle light dinner sa Garden house sa taas ng builing. Alam kong mahilig sa mga bulaklak si Aileen kaya doon ko naisipan isurpresa siya. Habang nasa byahe ako papunta sa hotel kinakabahan na ko. Magustuhan niya kaya? Damn. Bakit kumakalabog nanaman ang puso ko.
Nang makarating ako sa hotel pumasok agad ako ng elevator at pumunta sa garden house. Nakita ko ang ibang staff ng hotel na ng dedecorate at nag aayos ng lahat.
Sa loob ng garden house may nakapalibot na parang white christmas lights sa buong paligid. Romatic ang itsura ng paligid. May isang di kalakihang round table na pang dalawahan. May magandang kandila na naka disensyo sa lamesa, Meron ding naka ayos na wine glass, Silver na spoon and fork, Magarang plato at iilang rose petals na ikinalat sa puting lamesa. Everything is so beautiful.
I wanna make her happy. Gusto ko pasayahin ko rin siya tulad ng pagpapasaya niya sakin. Isang buwan at mahigit na rin akong nanliligaw sakaniya and this is the day i wanna ask her for her answer. Hindi naman sa nagmamadali ako pero nagbabakasakali lang ako na sana sagutin niya na ko bago ako umalis. Para nadin magaan yung loob ko pagalis ko. Dalawang linggo lang yon pero kung iisipin mo na dalawang linggo kayong sobrang magkalayo ng taong mahal mo mahirap talaga.
Its almost 8pm. Oras na para dumating si Aileen. Pinadala ko kay Charity ang damit na pinabili ko sakaniya para suotin ni Aileen ngayon. Sana lang mapapayag nila si Aileen. Nagpalit na ko ng damit. Naka grey suit ako at black v neck sa loob then black pants. Simple lang ako ngayon because i want Aileen to stand out more.
Incoming Call from
Matthew.
"Hello?"
[Hello River? Aileen is on her way. Nasa elevator na siya]
"Ganon ba. Thanks man"
[Dont mention it dude. Goodluck. *Good luck river!* ] Narinig ko pa ang sigaw ni Charity sa background medyo na tawa nalang ako saka nila.
"Thanks"
Binaba ko na ang tawag at hinintay nang dumating si Aileen. Shit. Kinakabahan ako. Para akong nabingi at tanging pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. Goodluck sakin.
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Novela JuvenilIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...