Chapter 34

21.7K 363 4
                                    

Chapter 34

Aileen's Point Of View.

Habang wala pang  8pm naisipan ni River na mag stay muna dito samin. Nakapag impake naman na daw siya wala na siyang kaylangan ayusin. Nabigla talaga ako sa nangyari kanina.. Hindi ko inakala na pupunta talaga siya dito. Naiyak na ko kasi puro yung pagalis nalang niya yung pinaguusapan. Tapos napaaga pa yung alis niya.

Kaya ko naman siya hintayin bumalik ehh pero nakakalungkot lang talaga lalo na nasanay ako na araw araw kami magkasama tapos biglang aalis siya. Sandali lang naman ang dalawang linggo kaya ko naman maghintay.

"Wag ka nang iiyak ha. Mapapabalik talaga ako ng pilipinas pag umiyak ka" Seryosong sabi niya. Pakiramdam ko uminit nanaman ang pisngi ko. Yumuko nalang ako at tumango.

"Mahirap satin to pero lets not make a big deal about this. Babalik ka naman diba? Challenge mo lang doon yung papatunayan mo sakin na loyal ka." Tumingin ako sakaniya at nakatingin lang siya sa picture frame ko na nasa study table.

"Madali lang yon Aileen. Kaya ko yon patunayan. Mas masakit sakin pag nakitang nasasaktan yung babaeng mahal ko. I dont want pain either Aileen" Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Natatakot nalang siguro ako masaktan kaya ako ganito.

Habang nakaupo ako sa gilid ng kama ko bigla siyang humiga at inunanan ang kandungan ko. Tinignan niya ko at hinaplos ang pisngi ko. Seryoso ang kanyang muka. Kumakabog nanaman ang puso ko at para bang gusto nalang tumalon palabas.

"Natatakot din ako tulad mo. Natatakot ako na baka pag alis ko madami nang umaligid sayo dahil wala ako sa tabi mo. I want them to know that youre mine." Mariin niyang sinabi. Hinaplos niya rin ang kwintas na suot ko. Iniharap ang pendant at nakita ang letrang R na nakaukit dito.

"Wear this everyday and dont lose it. Youre the only one who have that. Because youre the only girl i love" Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi mo aakalain na ang lalaking nakikipag landian sa canteen at hallway ay magmamahal ng ganito.

"River, If i could only shout to the skies that i love you and i am yours i will definetly do it" Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko. Pinatong niya ang kamay ko sa dibdib niya at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Nararamdaman mo ba? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nung una kitang makita natatakot ako kasi tumibok siya ng ganyan kabilis. Pero kalaunan naintindihan ko na kung bakit. Mahal pala kita kaya ganon"

"Ang corny mo na ah haha!" Natawa kami parehas sa sinabi ko. Pero ang totoo hindi ko na mapigilan ang ngiti ko sa kilig sa mga sinasabi niya. I trust him. Bahala na si God kung anong plano niya samin.

Kriiinnggg..Krriiinnnggg.

Biglang nag ring ang phone ni River at agad niya naman ito kinuha sa bulsa niya.

"Hello?..Oh....Nandito lang ako kila Aileen...Oo tapos na...Sige...Oo sige...Bye" Binaba niya na ang tawag at bumuntong hininga. 

"Ate Renelee ba yung tumawag?" Tanong ko at humarap tumagilid siya at niyakap ang tiyan ko na parang bata. Napangiti nalang ako sa mga ginagawa niya. Ang sweet niya in his own ways.

"Uwi na daw ako aalis na daw kami" Mahinang sabi niya. Tinignan ko ang wall clock ko at 7pm na. Oo nga isang oras nalang babyahe pa sila.

"7pm na River." Humarap siya at umupo. Bigla niya ulit ako hinalikan at pinahiga sa kama ko.

Ginantihan ko din ang maiinit ang nakakalasing niyang halik. Pinulupot ko ang kamay ko sa likod niya at niyakap siya. Nasa ibabaw ko siya kaya ramdam ko ang init ng katawan niya. Dahan dahan bumaba sa dibdib ko ang kamay niya nagulat man ako pero hindi ko magawang tanggalin ang kamay niya. Bigla siyang napapiglas at tumayo.

"Im sorry" Mahinang sabi niya. Tinignan ko ang suot ko at nakita kong apat na butones na ng damit ko ang nakatanggal at kita na ang dibdib ko. Lumapit siya sakin at inayos ang damit ko. Nginitian ko siya at hinalikan niya ako sa noo.

"River thank you." Sabi ko. Alam niya siguro na hindi pa ko handa. Pero nabigla talaga ako x.x ang weird lang hindi ko siya pinigilan buti nalang nabuhay siya sa katotohanan.

Nagpaalam na si River sakin ng maayos. Gusto ko sanang sumama sa paghatid sa airport pero ayaw niya. Ayaw niya daw makita na iniiwanan niya ko dito at paalis siya baka daw hindi siya makaalis. Nagpaalam na din siya kay mommy bago umuwi sakanila.

Ill miss you River. Hihintayin kita. Im so lucky to have a man like him. He respects me, Loves me and cares for me. Nasakanya na talaga lahat.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon