Chapter 7

32.6K 585 15
                                    

Chapter 7

Iniwas niya ang tingin at tinignan ang kamay ko na nakahawak sa mga kamay niya. Sandaling katahimikan. Isang sagot niya lang ng Oo ay mananalo na ko sa pustahan namin ni Matthew. Mapapatunayan ko na lahat ng babae ay kaya kong paikutin sa palad ko.

"um..Gusto mo ba talaga ako?" Mahinhin na tanong niya. Hindi ko agad iyon nasagot. Dahil nagflashback sa utak ko lahat ng masasayang oras na magkamasa kami. Pag sinabi kong Oo mawawala siya sakin dahil malalaman din niya sa huli na pinaikot ko lang siya pag sinabi ko naman na Hindi ganun rin mawawala rin siya. Anong sasabihin ko? Hell! I'll just get over the bet, i win Matthew, i Win.

"Oo, kaya nga gusto kita maging girlfriend para ipaalam sa lahat ng lalaking umaaligid sayo na akin ka at walang makakaagaw sayo" Namula siya sa sinabi ko. Naramdaman kong nag lalaban ang guilt at pride ko. Gusto ko nang tumigil dahil alam kong masasaktan ang babaeng nasa harapan ko, pero sabi ng pride ko ipagpatuloy ko lang para mapatunayan kung sino talaga si River Dela Vega.

"Kung ganun, sige..Ok lang na maging girlfriend mo ko" Ngumiti siya sakin at hinalikan niya ang pisngi ko, na speechless ako sa ginawa niya. Para bang may kung anong ibon na nagliparan sa tiyan ko at nang dumikit ang labi niya sa pisngi ko para bang nakuryente ang buong katawan ko, grr! shit. what is this feeling! Damn im going crazy!

"Bye" Mahinang sabi niya at lumabas na ng sasakyan ko. 

What the hell just happened? Bakit ganun nalang ang naramdaman ko? psh! Ayoko na nga mag isip ng kung ano ano. She said yes? Well kaylangan ko nang mabalita sakanila to bukas. Panalo ako Matthew. I win her heart.

-----

Pag gising ko kinuha ko agad ang phone ko para tignan ang updates. Nakita ko rin na may mga nag text, yung iba gm yung iba flirt messages yung iba naman ay galing sa mga kaibigan ko pero ewan ko ba kung bakit yung nagiisang text lang ni Aileen ang tinignan ko. Seriously..what's happening to me?.

Aileen:

Goodmorning :) Kain ka na. Sabay ba tayo ngayon?

---

Agad akong nagreply nang mapansin kong isang oras na ang makalipas ng nagtext siya siguro ngayon ay nagaayos na siya papasok. 

Ako:

Kakagising ko lang, goodmorning din :) Oo sabay tayo papasok kaya hintayin mo nalang ako jan.

----

Bumangon ako agad ang ramdam ko ang magandang aura sa katawan ko ngayon ewan ko ba pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Naligo, nagbihis at nagayos ako ng sarili ko. Bumaba na ko sa kusina para mag paalam kay mama at syempre kay papa pero wala parin siyang imik sakin. edi ok? 

Sumakay na ko sa sasakyan ko at pumunta na kila Aileen para sunduin siya. Bumaba ako ng kotse at kumatok sa bahay nila, Nakita ko naman na binuksan ang pinto ng isang babaeng nasa 30s at maganda parin.Siguro ay mama ito ni Aileen.

"Goodmorning po, Si Aileen po?" Nakangiti akong binati ang babaeng lumapit sa gate para buksan ito.

"Nako hijo, Hindi pa siya bumababa ehh baka nagaayos pa iyon sa kwarto niya, Halika at pumasok ka muna tatawagin ko nalang siya" Nginitian ako ng babae at pinapasok ako sa bahay nila at tinawag ang katulong para ipatawag si Aileen

"Ang gwapo mo naman, anong pangalan mo?" Tanong niya sakin nang makaupo kami sa sofa ng sala nila, Malaki rin ang bahay nila at malinis ito, Iba ang mga furnitures nila at mukang galing ibang bansa ang karamihan dito.

"River Dela Vega po" Naglahad ako ng kamay at tinanggap niya ito.

"Ay ikaw pala iyong River na lagi niyang kinukwento sakin, totoo nga na gwapo ka, Ako nga pala ang mommy ni Aileen you can call me tita Aira" Ngumiti siya sakin at magsasalita sana ako pero nakita kong pababa na ng hagdan si Aileen.

"Oh ayan na pala siya, osiya magsipasok na kayo at malelate kayo matraffic pa naman ng ganitong oras, Nice meeting you again River" Sabi sakin ni tita Aira, Umalis na siya at may binulong kay Aileen na siyang kinapula ng buong muka niya haha! what a cutie.

Tinignan ko siya at nginitian nagkwentuhan kami habang nasa byahe papuntang school, Ngayon lang naging ganito kagaan ang pakiramdam ko pag kasama ko siya. Nung una pag kasama ko siya may bigat pa kong nararamdaman, yung pakiramdam na hindi ako komportable.

Ngayon parang komportable na ko na kasama ko siya na para bang lagi ko siya nakakasama at matagal ko na siya kilala. Nang makarating kami ng school sabay kami na bumaba at hinintay niya ulit ako bago naglakad papasok ng school. Para bang may sariling utak ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay niya. Grabe hindi ko inakalang gagawin ko iyon. Tinignan niya ko at ngumiti kaya't ganun rin ako. What's Up with her that gives me this kind of feeling.

Nang makarating kami ng canteen hawak ko parin ang kamay niya at sabay kaming lumapit sa mga kaibigan ko pero hindi pa kami tuluyang nakakalapit at tumigil siya sa paglalakad.

"Oh bakit?"  Tanong ko sakaniya, Medyo nahihiya at natatakot ang ekspresyon niya habang tinitignan ang mga kaibigan ko.

"Ngayon mo lang kasi ako mapapalapit sakanila at hindi ko alam anong gagawin ko" Mahinhin na sagot niya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"Just be yourself" Kinindatan ko siya at agad siyang namula.

Nang makita ko ang muka ni Matthew na mukang nagulat na kasama ko si Aileen nabuhay ang dugo ko. I told you ill win this bet. This girl fell inlove with me.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon