Chapter 22

26.9K 427 1
                                    

Chapter 22



Aileen's Point of View.




Ano bang nangyari kay Rj. Hindi ko inakala na ganon siya. Sobrang nagbago ang pagtingin ko sakaniya. Akala ko mabait at maayos na tao siya pero hindi pala. Hinaplos ko ang bandage sa kamay ko at naaalala ko lahat ng sinabi niya.


Flashback.


Nang makalabas ako ng building nakita ko agad ang sasakyan ni River. Nako baka galit na to sakin hindi pala ako nakapag load kaya hindi ko siya nareplyan. Nakipagbeso beso ako sa mga bagong kilalang models at nagpaalam na sakanila. Nang palapit na ko sa sasakyan ni River may biglang humila sakin at sobrang higpit ng hawak sa kamay ko. Napalingon ako at nabigla ako, Si Rj. Nakakatakot ang itsura niya at mukang galit na galit.



"Rj ano ba nasasaktan ako" Pasimple kong tinatanggal ang kamay niya pero hindi niya ko binibitawan.


"Akala ko pa naman maayos na babae ka" Seryoso niyang sabi sakin at nakakatakot ang titig niya. Hindi ito ang Rj na nakilala ko.


"Ano bang sinasabi mo Rj? Bitiwan mo nga ko!" Habang tumatagal mas humihigpit at hawak niya kaya hindi ko na maiwasan pilitin tanggalin ang kamay niya.


"Alam ko na ang sikreto mo. Ano nagpagalaw ka ba sa artistang yon para ibigay sayo lahat?! Siguro ginamit mo lang din ako para makuha ang gusto mo noh?! Dati laging ako ang kinakasama mo nang maging model ka na ng kumpanya namin kinalimutan mo na ko at ngayon kay River ka naman dumidikit?!"


"Hindi totoo yan! bitawan mo ko nasasaktan ako!"


"Wala kang kwenta! manggagamit ka! ginago mo ko ginamit mo lang ako!"


"Hindi totoo yan! ikaw ang lumapit sakin ikaw ang nakipag kaibigan hindi ako kaya kung ganyan ang nararamdaman mo wala na kong magagawa hindi kita ginamit tinuring kitang kaibigan tapos ito pa gagawin mo sakin?!"  Umuling nalang ako at pilit tinatanggal ang kamay niya na pahigpit na pahigpit na nakahawak sakin.


"Iwasan mo si River kung talagang hindi totoo ang mga sinasabi ko!"


"Wag mo kong pakielaman Rj! Bitawan mo ko!" Sinigawan ko na siya dahil sobrang sakit na ng pagkakahawak niya sakin.


"Bitawan mo siya Rj" Nang marinig ko ang boses niya at parang lumuwag ang pakiramdam ko. Im saved.


End of flashback.




Pagsakay ko ulit ng sasakyan ni River tahimik parin ako. Pano niya nalaman yung issue kay Eddy? ito n nga ba ang kinakatakot ko ehh. Ayokong mamisunderstood nila yung issue. But one thing is for sure, Aalis na talaga ako sa Franco. Una si Amanda ngayon si Rj. Hindi talaga para sakin ang Franco.


"Ayos ka lang ba? Masakit pa ba yung kamay mo?" Tanong ni River nang makapasok na din siya ng sasakyan. Dala dala niya ang mga gamot na binilin ng nurse kanina.


"Ok lang ako. Gagaling din naman to" Tinitignan ko parin ang kamay ko na may bandage. Hayy. Kaylangan ko na talaga magingat.


"Hindi sa kinukulit kita ha. Ano ba talagang nangyari?" Nagaalalang tanong ni River. Pakiramdam ko he deserves to know. Besides siya tong nagligtas sakin dalawang beses na.


"Kasi..may issue noon kay Eddy. Siya yung bestfriend ko nung nasa korea pa ko. Sabi nila nanliligaw daw sakin pero hindi yon totoo. " Huminga ako ng malalim. Nakita kong nakikinig si River sakin habang nag dadrive siya kaya pinagpatuloy ko na.


The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon