Chapter 29
River's Point of View.
Pinaghahampas niya parin ako habang papasok sa bahay namin. Tawa lang ako ng tawa. Hehe totoo naman na pinaalam ko siya sa mom niya na mag overnight dito. Tatlong araw nalang kasi aalis na ko. Kaya gusto ko siya mag overnight dito ay para masabi ko na sakaniya tsaka magkaron kami ng time samin dalawa bago ako umalis.
"MA! nandito na si Aileen!" Sigaw ko ng makarating kami ni Aileen sa kusina.
"Ang ingay mo naman" Sabi ni Aileen at hinawakan ang braso ko.
"Ganito naman ako dito. Bahay naman namin to" Nginitian ko siya at nakita kong namula agad siya. Kinurot ko ang pisngi niya dahil ang ganda ganda niya talaga. Everything in her is perfect.
Hindi parin ako makapaniwala na sinagot na niya ako. Masaya ako ngayon na kami na. Magaan ang loob ko na kasama siya dahil alam kong mahal niya parin talaga ako.
"Oh Aileen. So nice to see you" Lumapit si mama kay Aileen at hinawakan ang kamay niya.
"Hello po tita" Nahihiyang bati ni Aileen. Simpleng babae lang talaga siya. Damn beautiful.
"Ma, Girlfriend ko na siya" Singit ko at namula na ng sobra si Aileen. Si mama naman napayakap kay Aileen sa tuwa.
"Since when?" Tanong ni mama samin.
"Kagabi lang po" Sagot naman ni Aileen. Magsasalita sana ako nang dumating si papa.
Seryoso siyang nakatingin samin. Tinignan ko lang din siya. Alam kong hindi maganda ang relasyon ko at ni papa pero wag naman sana siya magsimula ngayon mahiya naman siya kay Aileen.
"Denis may good news si River" Sabi ni mama nang makalapit si papa samin. Tinignan niya ko at si Aileen. Hinawakan ko ang kamay ni Aileen bago magsalita.
"Pa. Girlfriend ko na si Aileen" Lumapit si papa sakin at tinapik ang balikat ko. Seryoso siyang nakatingin sakin at tumingin din kay Aileen. Kinakabahan na ko dahil baka kung anong sabihin niya.
"I am happy for you both. Ito na ata ang pinaka nagustuhan ko lahat ng ginawa mo" Ngumiti si papa sakin at nakipag kamay kay Aileen.
Naging maayos naman sila mama at papa kay Aileen at mukang tanggap nila si Aileen. Pasalamat nalang ako kay papa at tinanggap niya si Aileen. Parang gumaan na ang loob ko habang pinapanood sila na nakikipag kwentuhan sa babaeng mahal ko. Sa tuwing ngingiti at tatawa ni Aileen ay para bang gumagaan ang loob ko. Bawat tingin niya sakin ay nagpapayanig ng loob ko, Nagpapabilis ng pintig ng puso ko at nagbibigay ng ligaya sakin. I feel like shes more that i need.
May narinig akong sasakyan na papasok sa gate namin kaya iniwan ko muna sila Aileen sa sala at lumabas muna. Nakita ko ang sasakyan namin na minamaneho ng driver namin. Hinintay ko kung sino ang bababa at nagulat ako sa nakita ko.
"River!!! The guy i wanna see" Lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Bakit nandito ka? Wala ka man lang sinabi na uuwi kang pilipinas"
"I wanna surprise you guys!" Tinapik niya ang balikat ko at pumasok na sa bahay.
This is not good. Baka madulas siya masabi niya kay Aileen. Sigurado ako sasama loob niya pag nalaman yon. Kinakabahan ako! Damn!
BINABASA MO ANG
The Bet. [COMPLETE]
Novela JuvenilIt all started with a bet. Pustahan na nauwi sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang lalaking tulad ni River Dela Vega na mataas ang tingin sa sarili ay walang kaalam alam sa Love. Para sakaniya walang kahit sino man ang kaya magpabago sakaniya. Per...