Chapter 31

24.6K 386 4
                                    

Chapter 31



Aileen's Point of View.


Pinipilit kong hindi magpahalata pero nalulungkot talaga ako na aalis siya. Kagabi lang ang saya saya namin tapos ngayon may bad news pala. Pano nalang yung birthday ko. Ang sabi ko sakaniya August 4 pero ang totoo August 24. Dahil nga sa naiinis ako sakaniya noon ang akala niya tuloy sa 4 yung birthday ko. Well set that aside. Basta sana nandito siya sa birthday ko.


"Dito ka matulog ha" Mahinang sabi ni River habang nilalaro laro ang daliri ko.

"Seryoso ka mag oovernight talaga ako?" Tumango lang siya at ngumiti. Napabuntong hininga lang ako at tumango nalang.


Ayoko sana pumayag na dito matulog dahil syempre babae ako, Kagabi lang naging kami tapos dito na agad ako matutulog sakanila ewan ko nga ano sinabi niya kay mommy at pumayag si mommy.


"River kelan ang alis mo?"

"This monday." Geez. sa monday na pala.

"Movie marathon tayo?" Tanong niya at nginitian ako. Hay yang mga ngiting yan ang hahanap hanapin ko sa loob ng dalawang linggo.

"Sige" Ngumiti ako at tumayo siya para pumunta sa wide screen tv niya at naghanap ng movie.


Snap out of it Aileen! Next time ka na malungkot pag  umalis na siya. Ngayon na nandito pa lubusin mo ma yung natitirang araw na magkasama kayo. Tama!

Gaya ng sabi ni River nag movie marathon nga kami. Bakit ganun komportable ako sakaniya. Wala akong nararamdaman na hiya? nahihiya ako pero hindi yung sobra na parang ngayon lang kami nagkakilala. Para bang komportable ako sakaniya dahil medyo matagal na din kami magkasama tapos araw araw pa.


"Tara dito tayo" Pumunta siya sa kama niya at sumandal head board ng kama niya. Kumalabog ang kalamnan ko tinitigan lang siya.

"Jan? Bakit jan?" Tanong ko sakaniya. Grabe seryoso? Sa kama niya? Kaming dalawa??

"Kasi ito lang naman yung pwede upuan na nasa tapat ng tv" Sagot niya at tumingin ulit sa tv.


Kinakabahan ako at hindi ko alam bakit. Dahan dahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kama niya. Dito nalang ako ayoko tumabi baka ikamatay ko x_x

Medyo tumagal rin na sa gilid lang ako nakaupo naka indian seat ako sa kama niya at tahimik lang na nanonood ng movie. Ganun din naman si River pero naka higa na siya ngayon. Ang ganda ng movie na to.

"Aileen" Nagulat ako nang maradaman ko si River na niyakap ako galing likuran. Malamig dito sa kwarto niya pero pakiramdam ko ang init ng katawan ko parang pagpapawisan ako. Napalunok ako dahil sa kaba at sa bilis ng pintig ng puso ko.

"Bakit ayaw mo tumabi sakin?" Bulong niya sa tenga ko. Nagtaasan ang balahibo ko at mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

"River. ..kasi..." Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Alam ko kagabi lang naging tayo. Alam ko nahihiya ka pa sakin. Kahit ako bago lang ako sa seryosong relasyon pero i want you to set all that aside. Aalis na ko sa monday. I wanna do something that can make me remember of you when im away" Bulong niya pa ulit sakin. Medyo husky ang boses niya ngayon. Tama siya aalis na siya. Kahit ako gusto ko rin na may maalala ako kahit wala siya. Yung tipo bang maaalala ko pa siya lalo araw araw.

Nilakasan ko na ang loob ko at tumabi sakaniya. Humiga kaming dalawa at tumingin ako sakaniya. Habang magkatitigan kami tahimik lang kaming dalawa. Ang bilis ng pintig ng puso ko, Hinawi niya ang iilang buhok na dumampi sa muka ko at nginitian ako. It feels like heaven when im with him. Nakakatakot lang kasi sa loob ng dalawang buwan madami nang nangyari. Nasaktan ako at umibig ulit. Mabilis din kaming minahal ang isa't isa pero kahit ganon pakiramdam ko parang ang tagal na namin parang komportable na ko sakaniya. Nakita niya na ang good at bad side ko pero nandyan parin siya at hindi ako iniiwan. Mahal parin niya ko kahit anong mangyari. Yun siguro ang dahilan bakit komportable ako sakaniya. Alam ko na napakita ko na sakaniya kung ano talaga ako at wala na akong itatago. 

Dahan dahan siyang lumapit sakin at niyakap ako. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap  ko din siya. Kumakalabog man ang sistema ko kalmado parin ako, ewan ko bakit pero parang ang sarap ng mga yakap niya at ayoko nang umalis. Ito talaga ang hahanap hanapin ko pag alis niya. Ayoko sana siyang umalis pero ayoko naman siya pigilan sa mga dapat niyang gawin. Girlfriend lang ako, yung asawa nga hindi pa nagiging maganda ang relasyon pag kinocontrol ang lalaki pano pa kaya kami na kakasimula palang ng relasyon namin.

"I don't wanna go, i wanna stay here with you" Mahinang sabi niya at nanging malungkot ang ekspresyon niya. Ayaw din kitang umalis River pero hindi pwede na pigilan kita.

"Ayaw man natin na umalis ka wala tayo magagawa, kaylangan ka ng ate mo. Dalawang linggo lang naman" 

"Ipangako mo sakin na akin ka lang kahit wala ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag nawala ka." 

"Hindi ako mawawala River. Hihintayin kita. Dalawang linggo lang yon kaya ko naman maghintay" Nginitian niya ko at niyakap ulit ako. Mahigpit at mainit ang yakap niya at para bang wala siyang planong bitawan ako.

"I love you more than anything. A day without you is hell" Mas lalo kong naramdaman ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Is this really him? He really do changed alot. Mas lalo ko siyang nakikilala bawat araw na magkasama kami at ngayon narealize ko na matured na siya. Wala na siyang bisyo, hindi na nga siya umaalis eh, hindi na gumigimik. May mga tumatawag at nagtetext sakaniyang mga babae pero hindi niya iyon pinapansin.

Goodluck sakin sa pagtitiis na wala siya ng dalawang linggo. Dahan dahan siyang lumapit at hinalikan ako.Geez everytime he kissed me feels like my first time. Siya ang first kiss ko and hopefully siya rin ang last. He is my first and he will be my last.

The Bet. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon