Makalipas ang ilang minuto, may huminto na ring taxi sa harapan namin. Nakaramdam ako ng excitement sa part ko kasi makakauwi na rin ako sa bahay namin at makikita ko na si Mu-- si Jam, I mean.
"Myz, ingat!" ani Hera na kumakaway. Si Joni naman ay nagwe-wave rin at nag-flying kiss pa sa 'kin. Nag-flying kiss na rin ako sa kanilang dalawa saka ipinagpatuloy paghatak sa maleta ko.
"Bye, guys!" sabi ko nang makasakay na sa loob ng taxi. Todo-kaway pa rin sila hanggang sa pagsasara ko ng pinto nitong taxi at sa pag-andar nito ay tanaw ko pa rin ang mga kamay nilang walang tigil sa pagkaway at ang mga ngiti sa mukha nilang walang kasing tamis.
Umayos ako ng upo at humingang malalim. Ngayong uuwi na ako sa bahay namin ni Mule ay hindi ko na talaga maipaliwanag pa ang nararamdaman ko. Ano kayang magiging reaksiyon niya? Magugulat ba siya? Matutuwa? Maiiyak? Oh, shemay! Bakit ko nga ba iniisip ang mararamdaman niya? Si Jam ang inaalala ko, hindi siya.
Ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe dahil hindi naman traffic at sadyang mabilis lang talaga magmaneho ang driver. Nang makapagbayad ay bumaba na ako ng taxi bitbit ang mga gamit ko. Ilang saglit pa ang lumipas ay umarangkada na rin ang taxi na sinakyan ko kanina.
Tumingala ako at tinanaw ang aming bahay. Na-miss ko ang hangin dito. Iba ang dulot nitong saya sa 'kin. Nilapitan ko ang gate habang kinukuha sa bulsa ko ang susi. May duplicate kasi ako ng mga susi ng bahay namin. Nang mabuksan ko ang nakasarang gate ay ni-locked ko 'yon ulit, hindi kasi ako sure kung nasa loob na sila ng bahay o nasa biyahe pa. Para sigurado at hindi na 'ko magpabalik-balik pa, ikinandado ko na lang ulit. Kung nasa biyahe pa sila, e di sorry na lang, may susi naman 'yong footlong na 'yon, e di buksan niya na lang. Hmp!
Naglakad ako habang hinahatak ang maletang kanina ko pa bitbit. Nakakangawit na rin pala! Nakakainis, bakit ba kasi naglayas pa ako, e? Pwede namang maglayas ng walang dalang maleta. Baliw talaga ako! Feeling ko tuloy hindi talaga ako naglayas, nagbakasyon lang talaga ako, nagbakasyon lang.
"Hmm... mukhang wala pa ang footlong," mahinang sabi ko nang makarating sa harapan ng pinto namin. Muli kong hinanap ang susi at nang matagpuan ay isinuot ko kaagad sa butas ng padlock. Nang magbukas ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumasok sa loob. Gusto ko na rin kasing makapagbihis at makapag-relax. S'yempre, at home na ako, e!
Hinatak ko ang maleta ko paakyat sa kwarto namin ni Mule. Saglit lang ay narating ko 'yon kaya naman ang natitirang kong powers ay ginamit ko na rin. Inalis ko ang laman ng maleta na 'yon at iniayos muli sa aking closet. Na-miss ko ang amoy ng kwarto namin kaya naman sininghot-singhot ko muna ang hangin. Para akong adik sa ginagawa ko kaya itinigil ko na rin. Nakasama ko lang sina Hera at Joni, nabaliw na naman ako. Actually, dati pa naman talaga akong baliw. Baliw kay Mule... shemay! Baliw lang, hindi kay Mule. Tss! May kasalanan pa sa 'kin ang mokong na footlong na 'yon! Nanggigigil na naman ako 'pag naaalala ko 'yong araw na 'yon. Hmp!
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay itinabi ko na rin ang maleta. Kumuha ako ng panibahong damit at iyon ang isinuot ko. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko kasi minabuti ko na lang na maglugay. Medyo naiirita na rin kasi ang anit ko saka mas maganda ako 'pag nakalugay ang buhok, e. Hindi ko naman sinasabing nagpapaganda ako kay Mule pero parang gano'n... I mean, no. Hindi ko kailangang magpaganda sa kanya, 'no? Sino ba siya? Tss.
Naglakad ako papunta sa salamin para tingnan kung okay lang ba ang itsura ko. Nakasuot kasi ako ng oversized t-shirt, mustard yellow ang kulay tapos nakasuot ako ng super shorts, I mean 'yong shorts na short, puke short na nga lang. Ang alinsangan naman kasi rito sa bahay kahit naka-aircon kami saka para fresh. Nang ma-satisfied ako sa kaka-pose sa harap ng salamin ay umalis na ako.
Na-realize ko na bakit kailangan kong mag-ayos ng sarili? Para kanino naman? Para sa footlong na 'yon? Baka isipin no'n, nagpapaganda ako sa kanya! Baka isipin no'n na bati na kami. Shemay! Nababaliw na yata ako.
Natahimik ako nang ilang segundo bago magsimulang mataranta. Hindi ako mapakali at talagang ang dibdib ko ay kumakabog ng husto. Ano bang nararamdaman ko? Bakit hindi ako mapakali? Nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad ng paulit-ulit at paulit-ulit na bumabalik sa dating posisyon. Palakad-lakad at pabalik-balik sa magkabilang direksyon.
"Myz, kumalma ka nga!" kausap ko sa sarili ko saka mabilis na naupo sa kama namin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Ngayon lang nag-sink in ulit sa utak ko na nandito na nga pala ako sa bahay at ilang saglit na lang ay makikita ko na si Jam at si... si Mule!
OMG! Hindi pa ako ready na kausapin siya! Hindi pa ako ready na makita siya... na makausap niya. Hala! Anong gagawin ko? Hindi ko kaya! Hindi ko pa kaya ngayon! Anong gagawin ko? Aalis na lang kaya ako ulit? Oo, tama! Aalis na lang ako ulit! Pero wait, saan naman ako pupunta? Kila Hera? No, hindi pala p'wede. Paano si Jam?
Hmm... magtago na lang kaya ako? Pft! Saan naman ako magtatago? Saka bakit naman ako magtatago? May kasalanan ba ako? Sa pagkakaalam ko, wala akong kasalanan. Siya ang may kasalanan, hindi ako. Saka bakit ko ba siya iniisip? Si Jam ang sadya ko, 'yong anak namin dapat ang iniisip ko. Siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit umuwi ako. Akala naman niya umuwi ako dahil sa kanya... dahil nami-miss ko siya? No, way! Never! Duh...
"Inhale... exhale..." sa isip-isip ko habang humihinga nang marahan dahil pinapakalma ko ang aking sarili. Ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa kama saka nagpapadyak. Naiinis ako talaga! Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Shemay!" saad ko nang ma-realize kong naiwan ko palang bukas ang pinto. Shocks! Mapupuno ng lamok ang bahay! Mahirap na baka magka-dengue pa ang baby Jam ko. I need to close that door at baka pasukin pa kami ng mga magnanakaw 'pag nakita nilang bukas ang pinto.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at dali-daling naglakad palabas ng kwarto. Bumaba ako sa hagdan ng hindi nagbabagal at talagang tumatakbo ako pababa. Nang makababa ay tumakbo ako papalapit sa pinto pero kaagad akong napahinto nang makita ang dalawang taong papasok na nasa tapat din ng pinto.

BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...