♥ lovely xxvi ♥

9.7K 88 0
                                    

"I'm done," saad ko nang masimot ko ang lahat ng pagkain sa 'king plato at walang natira ni isang butil ng kanin. Na-miss ko yatang kumain sa bahay namin. Iba yata talaga ang gana kapag sa sariling bahay kumakain.

Napatayo rin si Mule dahil sa biglaan kong pagtayo matapos kong sabihin na tapos na 'kong kumain pero ini-snob ko lang siya. Naglakad ako patungo sa comfort room para mag-toothbrush at maglinis ng katawan. Iniwanan ko ang Mr. Footlong do'n sa lamesa. Bahala siyang maghugas ng pinagkainan namin. Punishment niya 'yon. Grrr.

Ilang minuto na ang nakalilipas at nanlaki ang aking mga mata nang marinig kong may kumakatok sa pinto.

"Myz... tapos ka na ba?" ani Mule. Anak ng siopao siomai shemay! Mule naman! Kakatapos ko lang mag-toothbrush at umiihi ako ngayon. Hala, naaantala ang pagpusitsit ni Maria.

"HINDI PA!" sigaw ko at ilang saglit lang ay naubos na rin ang mapanghing deposito sa 'king pantog. Hmp, hindi ko siya pinagbuksan. Maglilinis pa 'ko saka magha-half bath. Nanlalata na rin kasi ako.

"Myz... are you done?" asked by him for the second time around. Ano ba kasing gagawin niya at bakit nakikisabay siya? Kung kailan naman ako gumagamit ng c.r.! Talaga naman oo!

"HINDI PA NGA!" sigaw ko na naman. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay nanggigigil na naman ako sa kanya. Napakakulit talaga ng Footlong na 'to, sinabi ko na ngang hindi pa, magtatanong pa?

"Eh... naiihi na 'ko..." saad niya habang medyo nanginginig pa ang boses. Hmm, malay ko ba kung uma-acting lang siya or what? Gumagawa lang siguro siya ng paraan para mapansin ko siya.

"MAGHINTAY KA!" pagalit na hiyaw ko. Kailangan mag-stay ako sa character ko kumbaga sa pelikula, e, dapat panindigan ko ang role ko na matapang, suplada at hindi marupok.

"Myz... hindi ko na kaya... ahh..." wika niya but this time mas nanginginig na ang boses niya. Hindi kagaya no'ng kanina. Totoo nga yatang naiihi siya.

"MAGHINTAY KA SABI!" sigaw ko na naman. Bakit kasi kung kailan ako gumagamit saka rin siya gagamit? Nananadya ba siya or it's just coincedence lang talaga? Nevermind. Manigas siya.

"Myz... lalabas na talaga... ahh..." aniya na ikinatawa ko nang mahina. Medyo natawa ako sa pagkakasabi niya no'ng lalabas na raw talaga. Ano 'yon sperm? Shems, naman Mule!

"GAGO! PIGILIN MO, MULE!" tugon ko sa asawa kong kanina pa nakikiusap pero 'di ko pa rin pinagbibigyan at wala akong balak na pagbigyan siya talaga.

"E, puputok na... Myz..." pagpupumilit niya pero nanatili akong walang awa. Ginagago niya yata ako, e? Puputok na raw sabi niya, pumuputok ba 'yon? Hindi pumuputok 'yon. Bahala siya r'yan, pumutok ang pantog n'ya.

"PUNYETA NAMAN OO! UMIHI KA SA LABAS! ANG HILIG MONG MAKISABAY 'PAG NAG-C-CR AKO! UMIHI KA SA LABAS TUTAL ILALAWIT MO LANG NAMAN 'YANG ANO MO!" pagbubunganga ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko saka para ano pa't tinawag akong Ms. B? Miss Bungangera. Actually, siya lang ang may karapatang tumawag sa 'kin, wala nang iba.

"Eh... Myz..." aniya. Hay, napakakulit talaga. Nai-imagine ko tuloy ang hitsura niya. Siguro ipit na ipit niya ang footlong niya tapos nangangatog ang mga tuhod. I wanna see his face para makita ko kung anong reaksyon ng mukha niya.

"Sige na, tumatae pa 'ko, oh! Umuurong tuloy!" sabi ko naman. Naghintay ako ng sagot niya pero wala na akong narinig mula sa kanya makalipas ang ilang segundo. Siguro ay hindi na niya mapigilan talaga at nagtatakbo na siguro siya sa labas para doon na lang umihi.

Madali rin naman akong natapos sa paglilinis ko ng katawan. Umakyat na ako sa hagdan at nang makarating sa kwarto ay nagulat ako pagbukas ko ng pinto kasi nando'n na si Mule sa kama at nakahiga siya.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon