♥ lovely xii ♥

9.9K 82 19
                                    

"Kainan na!" ani Mule matapos naming makapagdasal. Nakaupo na kami ngayon sa kanya-kanya naming upuan. Nagsimula na akong maglagay ng kanin sa plato ko.

"Mmm...ang sarap," sambit ni Mule habang sumusubo ng sunod-sunod. Kanina pa siya kumakain samantalang kami ni Jam ay nagsasandok pa lang ng kanin.

Nauna na siyang kumain at hindi man lang kami inasikaso ni Jam. Hindi man lang niya kami ipinagsandok ng pagkain.

Naka-one point naman siya doon ginagawa niyang pagluluto ng foods pero balewala lang din 'yon dahil mas inuna niya pa 'yong sarili niya. Nakukulangan talaga sa pagiging gentleman niya.

So, it's a NO for me muna.

'Di siya pasok sa next round.

Buset ereng Mule na 'to! Kailan kaya magiging gentleman?

"Hayss, nabusog ako doon ah!" sambit niya nang makain lahat ng pagkain sa plato niya. Tahimik lang naman kami ni Jam. Marahan kaming kumakain.

Tiningnan ako ni Mule at ginantihan ko lang siya ng isang pekeng ngiti. 'Yong ngiting hindi pa lumalabas 'yong tae. Mwuehuehue~

"Tss..."

"Nag-uumpisa palang kayong kumain? Luh?" aniya na parang hindi pa makapaniwala.

"Ay, pasensiya na po ah. Kasi nauna kang matapos kumain! Wala ka kasing pakialam sa 'min kasi inuuna mo pa 'yong sarili mo. Mahalaga lang sa 'yo ay ang mabusog 'yang tiyan mo! Tsk. Langkwentang asawa. 'Di gentleman," diretsahan kong saad sa kanya.

Napatigil siya sa pagtu-toothpick at paghimas sa tiyan ng sabihin ko iyon. Mukhang tinamaan yata siya sa sinabi ko. Tss, totoo naman eh.

"Anong sabi mo? Wala akong kwentang asawa?" may pagtaas na ang kanyang boses. Galit na yata si Mr. Footlong. Well, lakompake.

"Ay, kailangan ulit-ulitin?" pamimilosopo ko. Napatayo siya sa kanyang upuan. At desidido niyang hinampas ng malakas ang lamesa dahilan para magdulot ito ng nakakabinging ingay.

"Fine! Ako na ang walang kuwenta! Letcheng buhay 'to!" sabi niya at nag-umpisa na siyang kumilos. Mukhang magwo-walkout siya kagaya nung mga eksena sa teleserye kapag nag-aaway 'yong mag-asawa.

"Tss..." sagot ko habang siya ay nagdadabog. Nag-walkout nga siya. Tinabig niya pa 'yong silya kaya nagulat kami ni Jam nang bumagsak iyon sa sahig pero sabi ko kumain lang siya.

"Ginagawa ko naman lahat para maging mabuting ama tapos walang kwenta lang pala ako? Mas mabuti pa yatang maglayas na lang ako tutal wala namang nagpapahalaga sa akin. Walang nakaka-appreciate ng effort ko! Wala! Kasi nga sabi ng isa d'yan wala akong kwenta. Ang lakas manglait! Akala mo naman may bubs...e flat naman. Hays, nakakabwisit na talaga! Ayoko na dito. Paepal kasi 'yong isa d'yan. Wala daw akong kwenta? Tch. Tch!" mahaba niyang litanya habang gumagawa ng kung ano-ano.

Sa sobrang haba ng sinabi ni Mule ay nakapagbihis na siya ng damit, nakahubad kasi siya kanina dahil katatapos nga lang namin mag-jugjugan doon sa kotse.

Nakapagpalit na rin siya ng pantalon. Nakapag-toothbrush niya. Oo, seryoso ako. Kahit doon sa cr ay kumukuda siya. Hiyaw siya ng hiyaw doon kahit hindi ko naman maintindihan dahil may nakasalpak na toothbrush sa bibig niya. Tinatawanan nalang namin siya ni Jam.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon