Nang matapos na ang horror movie na pinapanood namin ay natapos na rin kaming mag-sex. Naglakad na kami pababa habang nakaakbay naman sa 'kin si Mule, inaalalayan ako sa pagbaba.
Wala akong naintindihan sa pinanood namin at puro sigaw lang din naman ni Mule ang naririnig ko tapos nag-make-love pa kami noong bandang climax na ng film.
"Sa tingin mo, makakabuo tayo ng triplets sa ginawa natin kanina?" tanong ni Mule sa 'kin. Napairap na lang ako sa sinabi niyang 'yon. I can't believe na 'yon pa rin ang nasa isip niya. Puro triplets, triplets, triplets!
"Alam mo sa kalibugan mo Mule, baka quadruplets pa!" sabi ko saka tumawa siya nang tumawa.
Gano'n na ba talaga siya kadesidido na magkaanak kami ng triplets? Gano'n ba niya talaga ka-gusto na magkaanak kami ng triplets? Gaano siya kasigurado na magkakaanak kami ng gano'n sa anak nina Jannah at Wesley?
"Much better," sabi pa niya. Hindi nawawala ang ngisi sa kanyang labi.
"Paano kung 'di mangyari ang gusto mong mangyari?" tanong ko sa kanya. Tiningala ko siya para tingnan kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ko pero nakita kong wala naman kung anong pagbabago sa mukha niya.
"Ms. B, malakas ang pakiramdam ko and I'm a hundred twenty percent na mangyayari 'yon," sabi niya habang nakahinto kami at dumadaan sa gilid namin ang iba pang mga nanood sa sinehan. Hinatak ko na siya palabas ng exit door kasi nakaharang kami sa mga lumalabas.
Nakalabas na kami ng sinehan, kanina pa ako tawa nang tawa sa mga jokes ni Mule na napaka-corny tapos nagme-make face pa siya. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya takot sa horror movies pero kapag naaalala ko ang itsura niya kanina, hindi ko mapigilang matawa nang wagas.
"Mule, tama na." Hindi ko na mapigilang matawa habang sinasabi ko 'yon.
"Ito na last na talaga," sabi ni Mule na hindi tumatawa. Mukhang seryoso na naman siyang magpapatawa which is sobrang nakakatawa kasi siya mismo hindi natatawa sa jokes niya. "Anong tawag sa ghost na daks?"
"Ano?" Pinigilan ko munang 'wag matawa para masabi ko 'yon.
"Edi Mule-to!" sabi niya at pagkasabi niya no'n ay parang sumama ang pakiramdam ko, feeling ko lalagnatin ako sa ka-cornyhan niya. This time, umiling ako at nag-thumbs down ako sa kanya.
"Ah, gano'n..." ani Mule at bigla niyang sinundot ang magkabilang tagiliran ko dahilan para makiliti ako nang husto. Hindi ko na napigilan ang pagtawa habang nanghihina at pinipilit makawala sa mga daliri niyang nangingiliti. Natigilan lang kami sa paghaharutan nang may makabanggaan kami. Umayos kami ng tao at hinarap sila para humingi sana ng paumanhin pero mas lalo kaming nabigla. Kaming apat ay nagkagulatan, hindi ko, namin inaasahan na magkikita kami at ano 'tong nakikita ko? Nagtinginan kami ni Mule na animo'y binabasa ang tumatakbo sa isipan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano 'yon at hindi ko malalaman ang ibig sabihin kung hindi ko sila tatanungin.
"The fuck," bungad na saad ni Mule. Nakatingin siya sa dalawang kamay na mahigpit na magkahawak pero ngayo'y nagbitiw na. "Carlos?"
"Joni," sabi ko sa babaeng katabi ni Carlos. "What is the meaning of this?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata at halatang kinakabahan siya. Tiningnan ko si Mule na nakatingin ng masama kay Carlos.
Yes, nabigla kami ni Mule sa nakita namin. Hindi ko maintindihan at kahit hindi naman sila magsalita ay alam na agad namin ang sagot. May something kay Joni at Carlos and hinihintay ko lang na sa kanila manggaling mismo 'yong salita-- yung confirmation.
"Tsk! Kailan mo balak sabihin sa 'kin 'to, bro? Siguro kung hindi namin kayo nahuli kanina, isisikreto mo pa rin 'to 'no?" ani Mule habang nakapamewang sa harap no'ng dalawa.
"Joni, hindi pa rin ako makapaniwala talaga. Ano 'to, ha?" sabi ko na natatawa na napapailing na lang din habang kinakausap ang kaibigan ko.
"Ikaw ha! Binata ka na ah!" pang-aasar pa ni Mule kay Carlos. "Ayiiieee."
"Okay, we'll talk about this now. Let's go," sabi ko. Tiningnan ko naman ang dalawa na ngayon ay namumula na ang mga pisngi.
Nandito kami ngayon sa food court. Nakaupo ako sa tabi ni Mule at nakatuon lang sa dalawa ang tingin namin na kanina pa walang imik. Nagtitinginan sila pero parang nag-uusap lang sila mata sa mata. Hindi naman namin sila pinagbabawalan na magsalita pero sila itong pinili na manahimik na lang.
Tinext ko na rin si Hera kanina habang papunta kami rito sa food court at maya-maya lang ay nand'yan na siya. May dalawang bakanteng upuan para kay Hera at Jam.
"Ayiiieee, nagba-blush si baboy!" pang-aasar ni Mule kay Carlos. Itinaas naman ni Carlos ang kamay niya at ang gitnang daliri sa tapat ng mukha ni Mule. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Ayiiieee, sila na ni Joni. Kinikilig din si Joni, oh!" sabi pa ni Mule na ngayon ay ang kaibigan ko naman ang pinupuntirya.
"Mule, tumigil ka nga! Para kang bata," sabi ko kay Mule. Binigyan ko siya ng mariin na kurot sa tagiliran dahilan para sumama ang timpla ng kanyang mukha. "'Wag mong asarin baka mamaya maihi sa kilig 'yang dalawa na 'yan, e!" birong saad ko.
"Finally!" malakas na sambit ng isang babae na mukhang sa tono ng kanyang pananalita ay dismayado siya dahil nahirapan siyang hanapin kami. Sa kanya napunta lahat ng atensiyon namin, ang dumating ay walang iba kundi si Hera kasama ang anak namin ni Mule na kumakain ng gummies. Si Hera talaga mukhang pinurga sa sweets ang anak ko, mamaya mabungal pa at magkasira-sira ang ngipin ng batang 'to. 'Yong isa naman sarap na sarap palibhasa pinagbabawalan ko siyang kumain ng mga gano'n.
"What's with this forum?" ani Hera na nakatayo pa rin. Hinawakan pa ng maaarteng daliri niya ang kanyang sintido na akala mo namang na-stress siya sa paghahanap sa 'min.
"Forum ka r'yan, maupo ka na bugak!" sabi ko sa kanya. She just rolled her eyes and then naupo na siya. Naupo siya sa tabi ko at si Jam naman ay kumandong doon sa Daddy niya, bale hindi naupuan 'yong isang upuan sa tabi ni Hera.
Tiningnan ako ni Hera at nginuso ko ang dalawa sa harapan namin na tila sinisilaban ng apoy ang mga tumbong sa sobrang kaba. Damang-dama ko 'yong tensiyon na pilit nilang tinatago at ayaw ipahalata. Hindi kaya nila alam na para silang tanga at mas nagmumukhang obvious ang mga haka-haka namin sa mga pinaggagawa nila.
"Oh my gosh!" bulalas ni Hera na nakatingin kay Carlos at Joni. "OH MY GOSH!" sabi niyang muli pero this time ay mas matinis at mas mataas. Masakit sa tenga.
![](https://img.wattpad.com/cover/138084024-288-k397356.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
Roman d'amourSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...