♥ lovely x ♥

8.6K 73 2
                                    

"All right! Nandito na tayo," ani Mule.

Sumilip ako sa labas ng bintana at natanaw ko ang maraming tao na palisaw-lisaw. Nandito na kami sa park.

"Baby Jam, halika na." Anyaya niya kay Jam.

Sumama naman kaagad si Jam sa daddy niya at naiwan ako doon sa loob ng kotse na mag-isa.

Tsk. Pinagbuksan niya ng pinto si Jam tapos ako hindi? Iniwanan na lang basta-basta?

Hinintay ko pa siya kung babalik pero hindi na siya bumalik para sunduin ako kaya naman lumabas na ako ng kotse at hinanap sila. Walang kuwentang lalaki 'to. Hindi gentleman.

Sa sobrang lawak nitong park, nahirapan akong hagilapin sila pero patuloy pa rin ako sa paghahanap.

"Mommy!"

Narinig ko ang boses ng aking anak kaya naman kaagad kong hinanap kung saan iyon nanggaling.

"Kanina ko pa kayo hinahanap. Nandito lang pala kayo," saad ko nang makalapit sa kanila.

So, ah 'yon, hindi nila ako pinansin kasi busy silang dalawa sa cotton candy na kinakain nila.

"Mmm, ang sarap mommy! Mommy, bili ka doon para pare-pareho tayo ng kinakain. 'Yong color pink bilhin mo ah?"

"Sige. Wait lang ah."

Kumaripas ako nang takbo papunta sa nagtitinda ng cotton candy.

"Manong, pabili ng isang cotton candy 'yong kulay pink po ah."

"Ay, wala na po ma'am. Saglit lang po gagawa lang ako ulit," sagot ng tindero. "Naubos na po kasi, binili no'ng mag-ama kanina," aniya na ang tinutukoy siguro ay sina Mule at Jam.

Napatingin naman ako sa kanyang sampayan ng mga paninda at wala nga akong nakitang kulay pink na cotton candy doon. Naubos na talaga.

"Ito na po ma'am. 5 pesos only," sabi ng tindero matapos niyang magawa 'yong cotton candy. Hays, sa wakas after 10 minutes makaka-join na rin ako sa kanila.

Nang maiabot ko na ang bayad ay tumakbo na ako pabalik kila Mule bitbit ang aking cotton candy.

"Nandito na ako!" masayang saad ko habang papalapit sa kanila.

Naagaw ko naman ang atensiyon nilang dalawa at seryso nila akong tiningnan ng mata sa mata. Tahimik lang sila at kukurap-kurap lamang.

"Ehh?" dismayadong tugon ko nang makitang wala na silang hawak na cotton candy. Ibig sabihin ubos na pala? Putik! Nakakainis! Bakit ba gan'to sila sa 'kin?

Hindi ako natawa kahit magkasabay pa silang nag-peace sign sa akin. Tsk. Lagi nila akong inaaway, ino-op, at inaapi! Kinain ko nang may kinikimkim na sama ng loob ang cotton candy na binili ko.

"Sorry, mommy. Si daddy kasi...sabi niya ubusin ko daw kaagad para wala kang kasabay kumain," pahayag ni Jam na nakayakap sa mga binti ko.

Hays, talagang ang mga bata ay hindi nagsisinungaling. Ang sama talaga ng ugali nitong footlong na 'to e! Kung ano-ano pa 'yong itinuturo niya kay Jam kaya nagiging pasaway eh.

"Mommy...Daddy...may pupuntahan lang ako," ani Jam na nag-aapurang umalis.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mule sa kanya.

"Doon lang po oh! Sa playground!" sagot naman niya.

"Sige, maglaro ka doon. Susunod ako doon mamaya," sabi ko naman.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon