♥ lovely xviii ♥

15.8K 129 7
                                    

JAM's POV

One week na ang nakakalipas simula no'ng sinabi ni Daddy Mule na umalis si Mommy. Hindi ko alam kung bakit umalis si Mommy kasi hindi naman kinukwento ni Daddy. Sabi niya basta daw tapos hindi siya magsasalita. Tandang-tanda ko pa no'n no'ng umuwi ako, galing ako sa school no'n tapos... tapos... nakita ko si Daddy Mule nakatulala tapos tahimik siya kaya para hindi siya ma-sad tumakbo ako palapit sa kanya tapos ni-hug ko siya kasi feel ko sad siya talaga tapos ni-tanong ko kung nasaan si Mommy tapos sabi niya umalis daw.

"Bakit umalis si Mommy, Daddy?" tanong ko sa kanya. Nakakandong ako sa hita habang nakakapit ang mga kamay ko batok niya.

"Galit siya sa 'kin, 'nak..." sagot niya sa 'kin tapos sobrang sad niya talaga.

"Why po, Daddy? Ba...bakit angry si Mommy sa 'yo?" tanong ko sa kanya kasi gusto ko talaga malaman kung bakit.

"Bad si Daddy, 'nak. Bad. Super bad si Daddy. Tama siya, wala akong kwenta. Masama akong Daddy." Paulit-ulit niyang sinasabihan na bad 'yong self niya tapos napansin ko na 'yong mata niya. 'Yong mata niya talagang sad na sad na tapos bigla na lang tumulo luha niya.

"Daddy... don't say that... mabait ka Daddy! Mabait. Mabait. Mabait. Mabait!" sabi ko sa kanya tapos niyakap ko siya nang mahigpit. "You told me, no one's perfect. You're not bad! You're the best Dad, please pauwiin mo na si Mommy," sabi ko sa kanya tapos nag-cry na din ako kasi nag-cry na 'yong Daddy ko.

"Daddy, stop crying na... look at me, I'm crying too na like you..." Pinunasan ko 'yong luha ni Daddy. Ang sad niya kasi umalis si Mommy. Galit daw si Mommy sa kanya. Hindi ko naman kung bakit sila nag-away, e.

"'Nak, 'di ka ba galit sa 'kin?" tanong sa 'kin ni Daddy Mule na tumahan na sa pag-iyak.

"Bakit po ako magagalit, Daddy? Hindi naman po ako si Mommy, e!" sabi ko. Kawawa naman si Daddy kung pati ako magagalit sa kanya. Niyakap ako ni Daddy tapos ni-kiss niya ako sa pisngi ng tatlong beses.

"Hayaan mo, anak... tatawagan ko ang Mommy mo maya-maya ha? Baka hindi na siya galit," sabi ni Dad sa akin. Napangiti naman ako sa doon sa sinabi niya kaya naman talagang sumaya ako.

"Yehey!" sabi ko tapos bumaba na ako. "Daddy, aakyat na po ako sa kwarto ko kasi po magdo-draw pa ako ng homework namin!" sabi ko tapos pumayag naman si Daddy kasi mag-aaral ako, e.

"'Nak, tawagin mo lang ako, 'pag may kailangan ka, ha?" sabi niya sa 'kin tapos tumango na ako sa kanya.

No'ng kinabukasan naman, pagkagising ko katabi ko si Daddy Mule. Naalala ko nga pala na nagpakwento ako ng bedtime stories kagabi. Hinanap ko naman kung nasa kama din ba si Mommy pero wala siya ro'n. Hindi pa rin siya umuuwi. Galit pa rin si Mommy kay Daddy? Hinintay ko siya no'ng third day pero gano'n pa rin wala pa rin siya. Kinukulit ko naman si Daddy Mule no'n.

"Daddy... bakit 'di pa umuuwi si Mommy... call her kasi..." sabi ko kay Daddy Mule but he said na always niya tinatawagan si Mommy pero ayaw daw i-answer ni Mommy 'yong call. Lalo akong naging sad.

Noong day four naman, naobserbahan ko ang Daddy ko na nagbago na siya. Naging matamlay siya tapos I saw na nawawalan na siya ng gana. Everytime na kumakain kami, tulala lang siya tapos parang marami siyang iniisip.

"Daddy! Kumain ka! Magugutom ka niyan!" sabi ko sa kanya kasi hindi na siya madalas kumakain. "Sige, Daddy kapag hindi ka nag-eat, magagalit din ako sa 'yo," kapag sinabi ko 'yon ay saka lang siya matatauhan. Nasaan na ba kasi ang Mommy ko? Galit pa rin siya kay Daddy?

"Daddy... 'di ba sabi niyo ni Mommy... learn to forgive, bakit wala pa rin siya?" saad ko at malungkot na binitawan ang hawak kong kutsara at tinidor.

"Bad kasi ang Daddy, 'nak. I deserved this shit," sabi niya tapos nagsimula na naman siyang umiyak. "I'm fucking stupid! I'm useless! She's right! I'm a badass!" Kaagad akong tumakbo papalapit sa kanya kasi he's shouting na. I'm scared. Sinasaktan na ni Daddy ang sarili. He's punching himself again and again.

"Daddy..." habang umiiyak ako ay nakayakap lang ako sa kanya hanggang sa kumalma na siya. "Don't say that! Don't hurt yourself. Babalik din si Mommy, let's wait for her."

Kahit ganoon ang sitwasyon namin ni Daddy ay nagagawa niya pa rin naman akong alagaan. After that day four, nakita ko na bumalik na 'yong dating sigla niya. Sinusundo at hinahatid niya ako sa school tapos pinagluluto niya pa ako. Masarap palagi ang baon ko sa lunchbox. Kapag uwian naman sa hapon ay naka-smile niya akong sasalubungin. Ihu-hug ko naman siya at i-kikiss.

Five days, five nights ng wala sa bahay si Mommy ko, I missed her so much. That night, hinanap ko si Daddy Mule kasi natatakot ako sa kwarto ko. May kinuwento kasi si teacher Homer about sa 'Good Spiders and Bad Spiders', nai-imagine ko sila. Sasabihin ko sana kay Daddy Mule na tabihan niya akong matulog pero nakita ko siya nakaupo sa kama. He's crying again. Hawak niya ang phone niya at paulit-ulit itinatapat sa tainga pero sumuko na rin siya nang hindi sinagot ang call niya. Sure akong si Mommy 'yon. Galit pa rin siya? Mommy ko... naaawa na ako kay Daddy.

Akala ko pa naman okay na siya pero hindi niya lang pala ipinapakita sa akin na sad pa rin siya. Masaya siya kapag kaharap ako pero kapag mag-isa na lang siya ay umiiyak siya at nami-miss niya si Mommy Myz ko. Every night, umiiyak si Daddy Mule, I think nagsisisi na siya sa ginawa niya kay Mommy sana umuwi na siya. Lord, please. I want my Mommy back, please. Pauwiin mo na po siya sa house, naaawa na ako kay Daddy saka miss na miss ko na siya.

"Goodbye, class." Narinig kong sabi ni Sir Homer. Uwian na pala. Hindi ko na naman naintindihan ang lesson namin.

"Jam, bakit malungkot ka yata?" tanong sa 'kin ni Sir Homer. Ayoko naman ikwento sa kanya 'yong problem nila Daddy at Mommy kaya umiling na lang ako ako. "Halika na, uwian na." Sumabay ako kay Sir palabas ng room. Tulala naman ako at nag-iisip ng paraan kung paano babalik si Mommy, kailangan makausap ko si Mommy.

"Sir... p'wede po maki-call?" sabi ko kay Sir Homer. Mabuti naman at pumayag siya. Sabi ko sa kanya tatawagan ko lang si Daddy para sunduin ako pero ang totoo ay si Mommy ang tatawagan ko.

"Hello?" Sinagot ni Mommy ang call. Tumakbo ako at lumayo kay Sir Homer tapos no'ng susundan niya ako ay sumenyas ako na 'wag siyang lalapit. Tumigil naman siya sa paghakbang.

"Mommy?" sagot ko.

"Jam, ikaw ba 'yan?" tanong ni Mommy sa 'kin. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napaiyak.

"Mommy... umuwi ka na please... si Daddy... naaawa na ako kay Daddy... every day and night, nami-miss ka namin tapos iyak nang iyak si Daddy... Mommy, uwi ka na... Mommy..." sabi ko habang umiiyak.

"Jam? Anak?" Hindi na ako nakasagot kasi nakita kong papalapit na si Sir Homer. Napansin niyang umiiyak ako kaya naman pinatay ko na ang call.

"Jam, bakit?" tanong niya sa 'kin pero inabot ko lang sa kanya ang cellphone niya.

"Thank you po," sabi ko tapos tumakbo na ako. Hinabol niya naman ako pero habang tumatakbo ako ay nabunggo ako sa isang lalaki.

"Jam? Bakit namumula mata mo? May umaway ba sa 'yo?" tanong niya sa 'kin.

"Wala po, Daddy," sabi ko sa kanya tapos hinatak ko na siya papunta sa sasakyan namin. "Let's go home, Daddy!" sabi ko tapos sumakay na kami at nag-drive na si Daddy.

Sana umuwi na si Mommy.


LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon