Nandito kami ngayon sa harap ng city hall kung saan kasalukuyang nagsasalita ang Congresswoman sa harap ng maraming tao. Kasama ko si Agent Roy, kanina pa kami nagmamanman sa paligid kung may kahina-hinalang nangyayari pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Naka-ready na rin ang back-up namin at kung may mangyari man ay kaagad kaming aaksiyon.
"Mukhang wala ka yata sa sarili spy agent A40+?" Mahina lang ang pagkakasabi niya at ako lang ang nakakarinig pero hindi pa rin rason 'yon. Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa sikmura sapat na para indahin niya iyon ng ilang segundo.
"Sorry," sabi niya. Umiling lang ako. Bibirahin ko pa sana siya kung ang sinabi niya ay ang code para sa salitang sorry. Mabuti naman at naintindihan niya na. Nasa public place kami at hindi dapat magsalita o magbanggit ng anumang bagay na tungkol sa 'min dahil isa 'yon ang rules. Isang maling kilos lang namin ay maaari kaming mapahamak at madamay ang mga kasamahan namin.
"Iniisip ko lang 'yong asawa't anak ko..." saad ko habang pinagmamasdan ang Congresswoman na kumakaway sa mga tao. Halatang may halong takot sa mga mata niya kahit nakangiti siya.
"Huh?" ani Roy. Tiningnan ko siya ng ilang segundo at ang mukha niyang mukhang natatae ang itsura. Naglakad ako at sinenyasan gamit lang ang tingin na sundan ako. "Sir, sa'n tayo pupunta? 'Di ba babantayan natin si Congresswoman?" Hindi ko siya pinansin.
"Sa totoo lang, ayoko sa misyon na 'to." Lumayo kami sa maraming tao para magkarinigan kaming mabuti. Hindi kasi maririnig kung nandoon kami dahil nagsasalita si Congresswoman at napakalakas ng mga speaker.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa 'kin. Nandito kami ngayon sa mga sasakyang nakaparada sa paligid ng city hall. Hindi ito parking lot pero nagmistulang isa dahil sa mga sasakyang naka-park dito. Kaming dalawa lang nandito at sa ganitong lugar mas magandang pag-usapan ang mga bagay tulad nito.
"Tingnan mo nga, may nangyayari ba?" sabi ko, tinuro ang Congresswoman na ngayo'y nakatayo pa. Medyo may kalayuan kami pero natatanaw pa rin namin siya. Mataas na rin ang sikat ng araw at halos kapantay ko lang ang aking anino. Sa tingin ko ay pasado alas-dose na ng tanghali. Medyo mainit na rin dahil sa panahon, dagdag pa ang suot kong black leather jacket.
"Pero ito 'yong binigay sa 'tin ni Boss, bawal tayong magreklamo," aniya nang ibaling sa 'kin ang tingin. Nakakainis lang dahil tama siya, bawal kaming magreklamo dahil ito ang task na iniatas sa 'min. Kung ano pa 'yong ayaw ko, kung ano pa 'yong madali; iyon pa ang napunta sa 'kin.
"Hindi mo naiintindihan p're, kasi wala ka sa kalagayan mo. Hindi niyo ako katulad, okay?" sabi ko. Gusto kong sapakin ang sasakyan na na nahawakan ko dahil sa gigil na nararamdaman ko pero pinigilan ko ang sarili ko.
"May asawa't anak ako," sabi ko at binigyang-diin ang bigkas. Alam ko namang naintindihan niya ang ibig kong sabihin. "Isa sa mga possible target ng mga kidnappers ang school ng anak ko," sabi ko pa. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na pinigilan ang sarili na sabihin ang gusto kong sabihin.
"Naiintindihan kita, sir. Natatakot ka." Tahimik ko siyang pinakinggan. "'Wag kang mag-alala, magtiwala lang tayo kila Ma'am Laveen at Sir Axl. For sure, ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila. 'Wag mong masyadong i-stress ang sarili mo," dagdag pa niya saka tinapik ang balikat ko. Alam kong sinusubukan niya akong pakalmahin pero hindi 'yon tatalab.
"Bumalik na tayo ro'n," aniya at ang tinutukoy ay si Congresswoman. Ipagpapatuloy namin ang pagbabantay, iyon ang ibig niyang sabihin. Nauna siyang maglakad sa akin. Sinundan ko siya pero nang makalampas kami ng ilang hakbang sa mga sasakyang nakaparada ay nag-iba ako ng direksyon sa paglalakad.
"Babalik ako," sabi ko at naglakad palayo sa kanya. Desidido na 'ko na puntahan sila Myz at Jam. Hindi mapapanatag ang loob ko hanggang hindi ko sila nakikitang ligtas at nasa maayos na kalagayan.
"Ano? Sir, 'di ka p'wedeng umalis," sabi niya habang nakaharang ngayon sa harapan ko.
"Titingnan ko lang ang mag-ina ko, aalamin ko lang kung safe ba sila o hindi," sabi ko. Naglakad ako pero hinarangan niya ulit 'yong dadaanan ko.
"Sir, paano 'to?" tanong niya. Iniiwasan naming maging halata masyado sa mga tao. Kaya pinipilit naming maging normal ang tono ng aming usapan.
"Saglit lang ako, promise, basta 'wag mo 'ko isusumbong. Kaya mo na 'yan," sabi ko at tinapik siya sa balikat. Indikasyon na ipinagkakatiwala ko na sa kanya ang lahat. Humakbang ako at nilampasan siya. Hindi niya na ako hinarangan pero huminto ulit ako nang maalala na may sasabihin pa pala ako.
"Isa pa," sabi ko. Tumingin ako sa kaliwa't kanang panig; siniguradong walang ibang nakikinig, "...tingin ko fake death threat lang ang natanggap ni Congresswoman kasi kung papatayin talaga siya edi sana binaril na 'yan kanina pa." Nahinto ako nang may dumaang mga grupo ng kalalakihang nagtatawanan. Mahirap na baka marinig ang pinag-uusapan namin. Paatras akong humakbang para maging katapat ko si Agent Roy.
"Tingnan mo nga, tapos na siyang magsalita buhay pa rin; nakikipagkamay na siya sa mga tao. Walang mangyayaring masama sa kanya--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang magkagulo't magpulasan ang mga tao.
"Ngayon mayro'n na," ani Roy at kaagad kaming tumakbo papunta sa harap ng city hall kung saan nagmula ang isang malakas na pagsabog.
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomansaSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...