♥ lovely xiii ♥

18K 171 1
                                    

MULE's POV

MABILIS kong inihakbang ang aking mga paa palayo sa taong mahal ko. Nag-away kami ni Myz. First time ko 'tong gawin. First time kong maglayas ng bahay. Paano ba naman kasi punong-puno na ako sa kanya! Abot ang pakikipag-usap niya sa Homer na 'yon! Halata namang may gusto sa kanya 'yong kupal na 'yon tapos kanina habang kumakain kami pinagsabihan niya pa akong walang kwenta. Nasaktan ako ro'n. Magtatampo muna ako sa ngayon.

"Hello, p're?" sabi ko nang sagutin ni Carlos ang tawag ko.

"Oy, Mule! Musta p're? Napatawag ka?" Mukhang nasa mood si gago. P'wede 'to.

"Nag-away kami ni Myz, e. P'wede mo ba akong sunduin? Ite-text ko sa 'yo 'yong address. Naglalakad lang ako, e." Huminto ako sa paglalakad at inalam kung nasaan ako.

"Hanep ka, bro! Ngayon pa kayo nag-away. Sa bagay normal lang 'yan sa mag-asawa," aniya. Napakadaldal niya talaga kahit kailan. Hindi ko naman kailangan ang opinyon niya sa mga ganitong sitwasyon. What I need is a place na mapupuntahan at mapaglilipasan ng oras.

"Bro, bilisan mo. Kinakagat na ako ng lamok dito," sabi ko. Madilim din kasi rito kaya nakakatakot. May trauma na yata ako sa mga gan'tong madidilim. Baka mamaya magulpi na naman ako rito tapos magka-amnesia.

"Sige." Umupo muna ako sa gilid ng kalsada. Nakakangawit kasing tumayo.

"Sige, sige." Hawak ko pa rin ang cellphone at nakalapat pa rin sa tapat ng tainga ko.

"Sige sige sige," ani Carlos.

"Putangina, bilisan mong gago ka!" sigaw ko. "Sinend ko na kung saan mo ako susunduin. Madali lang 'yon, along the highway lang." Ibinaba ko na ang phone. Makalipas naman ang ilang minuto ay natanaw ko na ang sasakyan na paparating. Baka siya na 'to.

"Hey, bitch! Wanna ride?" ani Carlos pagkababa ng kotse. Napatayo naman ako at nakangiti siyang nilapitan.

"Aray ko putangina!" Napasigaw siya sa sakit. Sinuntok ko kasi siya sa tiyan. "Ganyan ka ba mangbati sa kaibigan mo?" aniya. Nakatatawa ang mukha niyang lukot na lukot pa rin. Akala mong nakanguya ng sampalok na sobrang asim.

"S'yempre, na-miss kita, e!" sabi ko na lang tapos sinuntok ko pa ulit siya braso. Mayamaya ay sumakay na kami sa kotse niya.

"Ay, saan nga pala tayo pupunta?" ani Carlos.

"What the heck? You're driving for an hour tapos hindi mo pala alam kung sa'n tayo pupunta?" Napataas na lang ang kamay ko at napahawi sa aking buhok.

"E, malay ko." Tinawanan niya lang ako. Kahit kailan talaga lula siya.

"Sige, ako na bahala. May alam akong place," saad ko. Itinuro ko naman sa kanya ang daan papunta ro'n. It is good na hindi ma-traffic kaya nakarating kami after a few minutes.

"Club ZZYZX?" ani Carlos nang mabasa ang nakasulat sa entrance nitong club. Nandito kami ngayon sa Club ZZYZX, first time ko rito kasi ngayon ako nagkaroon ng oras para mapuntahan 'to. Matagal ko na ring alam ang lugar na 'to.

"Let's go," sabi ko kay Carlos. Nauna akong maglakad at sumunod na siya sa 'kin.

ILANG ORAS na rin pala kaming nandito sa club mula nang dumating kami kanina. We drink a lot of liquors. Nagpapakalunod. Nagpapakalasing. Malilikot na ilaw na iba-ibang kulay ang nagsisilbing disenyo sa silid na ito. Malakas na tugtugin ang umaalingawngaw sa paligid. Napakaingay at napakasaya ng mga tao rito. Mga taong maaaring ang rason kung bakit nandito ay ang makalimot o 'di kaya'y maghanap ng panandaliang ligaya.

"Hi!" paglingon ko ay may babaeng dumating. Sino naman kaya ang babaeng 'to?

"Carlos! You don't remember me?" tanong niya kay Carlos. Ah, okay. Mukhang magkakilala sila. Nag-concentrate na lang ako sa bote ng alak na iniinom ko. Gusto kong ubusin 'yon para maka-order ulit ng isa pa.

"Gwen?" ani Carlos. Napatingin naman ako sa kanya. Ngayon niya lang yata nakilala ang dalaga.

"Yeah! It's me!" nakangiting sabi no'ng Gwen tapos tumayo si Carlos at niyakap 'yong Gwen na 'yon.

"Long time no see!" sabi ni Carlos.

"Yeah, natagalan kasi ang bakasyon ko sa ibang bansa pero nakauwi naman na kami rito sa Philippines," maarte niyang sambit. Napatingin naman ako sa suot niya. Nakasuot siya ng black dress at mataas na heels. Black lipstick din ang nasa labi niya nang mapansin ko.

"Oh! Nice! May kasama ka?" tanong ni Carlos. Umiling naman si Gwen. Hindi naman sa nakiki-chismis ako sa usapan nila, a. Hindi ko kasi maiwasang hindi tumingin at hindi makinig kasi sobrang lapit lang nila sa 'kin.

"Hoy! Mule!" tawag sa 'kin ni Carlos. Tiningnan ko naman siya. Ngiting-ngiti si gago. "Si Gwen, friend ko. Gwen, si Mule. Friend ko," sabi naman ni Carlos.

"Hi, Mule." Nginitian niya ako at inilahad niya ang kanyang kamay. Napansin kong black rin ang kulay ng kanyang kuko. Mahilig siya sa black?

"Nice meeting you," sagot ko naman habang nakikipag-shake hands. Naramdaman ko namang hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Nakatingin din siya ng diretso sa kamay ko.

"Oh, sorry." Tumawa siya nang parang ewan nang alisin ko 'yong kamay niya sa kamay ko. Ayaw niya kasing bitawan, e.

"Can I join you guys?" ani Gwen. Napatingin naman ako kay Carlos. Mukhang sang-ayon siya sa hinihiling ng kaibigan niya.

"Oo naman, dude! Tatanggi pa ba kami? Saka ngayon lang tayo ulit nagkita, e!" ani Carlos. Naupo naman si Gwen sa tabi ko. Hinayaan ko na lang siya ro'n basta ang mahalaga umiinom ako. Hindi ko naman siya papakialaman, e.

"May boyfriend ka na, Gwen?" tanong ni Carlos kay Gwen.

"I don't have a boyfriend," ani Gwen at nagsalin ng alak sa baso niya.

Nagdaan pa ang maraming minuto at puro sila lang ni Carlos ang nag-uusap. Na-out of place na ako sa dalawa kasi parang may pinagsamahan din sila before. Hinayaan ko na lang kasi ngayon lang din naman sila nagkita, e.

"Let's dance!" ani Gwen. Nagulat ako nang hatakin niya ako papunta sa dancefloor. Hilo na ako at mukhang may tama na rin siya. Hindi ko na kaya pang sumayaw pero pinilit niya ako. Pinabayaan naman kami ni Carlos. Nandito na kami sa dancefloor. Noong una ay pasayaw-sayaw lang si Gwen hanggang sa naging malapit na malapit na siya sa akin. Sinasayawan niya ako ngayon habang nakakapit ang kanyang mga kamay sa aking batok. Tumalikod pa siya at gumiling nang gumiling. Ikinikiskis niya ang kanyang likod sa aking kaselanan. What the fuck is going on? Mayamaya ay naramdaman kong hinihimas na niya ang aking pagkalalaki. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa. Bakit ba hindi ko siya pinipigilan? Anong mayro'n sa babaeng 'to?

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon