Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makarating siya malapit sa pintuan pero nang lumingon siya ay kaagad kong ibinaling sa ibang bagay ang aking tingin at makalipas ang ilang saglit ay tuluyan niya ng nilisan ang kwarto ng walang imik.
"Phew!" Umikot ang aking dalawang mata paitaas kasabay nang pagbuntong-hininga. Tinapik ko ang aking dibdib na sobra ang kabog. Sobrang intense ng mga pangyayari kanina, napailing na lang ako. Nagtungo ako sa bintana at nagmuni-muni.
"Jam... si mommy 'to..." sambit ko. Matapos akong maiwang mag-isa sa kwarto ay napagpasyahan kong puntahan ang aking anak sa kanyang kwarto. Binuksan niya naman ang pinto at pinatuloy ako.
Nginitian ko siya kasabay ng paghaplos sa buhok niya. I missed her so much.
"Mommy, why po?" tanong niya sa 'kin habang seryosong nakatitig.
"Na-miss lang kita, anak," saad ko na sinundan ng isang ngiti. "P'wede pa-hug si Mommy?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pa man nailalahad ang aking mga braso para yakapin siya ay naunahan niya na ako.
"I miss you too, Mommy. Sana magkabati na kayo ni Daddy," aniya habang yakap ako. Nang maghiwalay kami ay naglakad siya paunta sa kanyang kama. Sinundan ko naman siya at tinanong kung anong ginagawa niya.
Nagkalat kasi ang crayons at coloring books sa ibabaw ng kama niya. Pinagmasdan ko siya habang ipinagpapatuloy ang kanyang ginagawa. Wala na pala talagang mas magiging masaya pa makita ang anak mong masaya.
Sobrang na-miss namin ang isa't isa at dahil gusto kong mapasaya ang anak ko ay pinagbigyan ko siya sa mga gusto niyang gawin gaya ng paglalaro ng bahay-bahayan, dolls at iba pang girly thingy.
"What's that sound, 'nak?" tanong ko kay Jam.
"It's my tummy, mommy. I'm hungry," aniya habang nakahawak sa kanyang tiyan na nagugutom daw. Nagkatinginan naman kami saka nagtawanan.
"Tara kain na tayo," saad ko saka binitawan ang mga laruang hawak. Sobrang na-miss ko ang mga gan'tong bagay kaya naman talagang nag-enjoy din ako.
"Mommy, may food na?" tanong naman ni Jam na nakasunod sa 'kin. Palabas na kami ng kwarto nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. May food na nga ba? Anong oras na ba?
"Jam, anong oras na?" tanong ko sa kanya. Kaagad namang narating ang kanyang alarm clock at tiningnan kung anong oras 'yon.
"It's 7:00 PM, mommy." Iniharap niya pa sa 'kin ang clock para patunayan ang kanyang sinabi at hindi nga siya nagbibiro dahil alas syete na nga ng gabi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman nagtitigan lang kami ni Jam ng mga ilang segundo rin 'yon.
"Oh my gosh! Gabi na 'nak? Gusto mo mag-order na lang tayo ng dinner?" tanong ko kay Jam. Nag-taas baba naman ang kanyang balikat gano'n din ang kanyang kamay para sabihing ako ang bahala.
"Bahala ka, mommy," aniya sabay ngisi. "Ang saya kasi mag-play, e!" dagdag pa niya saka tumawa kaya naman napatawa na rin ako. Hindi namin namalayan ang mabilis na paglipas ng oras kasi sobrang sinulit namin ang moment na 'yon kanina.
"Hay, tara na nga." Inakay ko siya at sabay kaming lumabas ng room. Napag-isip-isip ko namang i-check muna kung merong ready to cook food sa kitchen para mas mapabilis.
Nang makababa kami sa sala ay kasabay naman no'n ang pagbukas ng pinto na iniluwa ang isang lalaki. Hmm... Sa'n naman kaya siya nanggaling? Sa pagkakaalala ko kasi, after ng argument namin kanina ay lumabas siya ng room tapos ako naman nagpunta sa room ni Jam. Hay, siguro nambabae na naman 'to! Taengina!
"Ah... sorry medyo na-late ako ng uwi?" alangan niyang sambit. Nakatitig lang ako sa kanya, seryoso ang mukha at hindi ko siya nginingitian talaga. Why would I?
Natahimik na naman ang bahay. Walang anumang ingay ang naririnig, so weird. Nakahalukipkip ako at mataray pa rin ang look sa kanya nang bigla ulit siyang magsalita.
"Dinner?" aniyang may pilit na ngiti sa labi, taas-kilay at mamilog-milog na mata habang hawak niya ang tatlong brown paper bag. Itinaas niya pa 'yon at parang tinatantiya at hinihintay niya ang magiging reaksyon ko. Well, hindi ko siya kinibo.
"Daddy, I'm hungry na... let's eat," ani Jam. Sa wakas naman at nagsalita na rin siya. Thanks anak, 'di ko kasi alam kung ano'ng sasabihin ko. Nginitian ko na lang si Jam.
It feels so awkward pa rin kahit nakaupo na kami sa kanya-kanyang upuan at nakaharap sa hapag-kainan and I bet this is the weirdest dinner ever! Wala kaming ka-imik-imik except kay Jam na ang daming kwento pero agad naman siyang natatahimik kapag nare-realize niyang hindi na namin siya nagagawang pansinin. I was busy finishing those foods na nasa plate ko and I think gano'n din siya.
Na-appreciate ko naman kahit papano 'yong effort niya. I mean, first effort niya ngayong magka-away kami. Buti naman naisipan niya na bumili ng pagkain kasi dati talagang uutusan ko pa siya. Mabuti kasi nagkusa siya tapos kami naman ni Jam naglalaro lang. Ang saya.
"Done!" ani Jam na ikinagulat ko, namin actually. Sabay kaming napatingin sa kanya saka sa plato niya na wala ng laman. She's right. "Bye, mommy! Bye, dad! Mag-toothbrush na 'ko and I'll go to my room na to sleep," aniya saka bumaba ng upuan at mabilis na naglakad paalis.
Hay, mukhang kaming dalawa na lang ang maiiwan dito. Bakit ba kasi ang sarap ng ulam na binili niya? Ngayon lang kasi ako ulit nakatikim ng kare-kare at sisig. Ang dami ko na yatang nakain pero parang 'di pa rin ako busog. Nakakainis naman, o! Ang awkward talaga. Bakit ba kasi hindi pa rin siya tapos? Siguro sinasadya niya 'to. Siguro hinihintay niya ako para sabay kaming matapos kumain.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain pero agad rin akong huminto sa pagnguya nang matakam sa aking nakita. Hindi sa kanya o sa abs niya kundi sa ulam malapit sa kanya. Shems! Ang layo! 'Di ko abot!
Natatakam ako sa sisig, grabe! Nakakahiya namang kausapin siya or abutin 'yon dahil 'di ko nga abot sa ikli ba naman ng biyas ko. Argh! Kakainis! Hindi ko maiwasang hindi mapatingin at mapalunok. Dapat pala pinaabot ko na kay Jam bago siya umalis. Taengina naman, gutom pa 'ko, e.
Laking gulat ko naman nang hawakan niya ang lalagyan ng ulam. Iniangat niya 'yon at inilapit sa 'kin. Shems! Napansin niya siguro na natatakam ako sa sisig. Tinitigan ko siya pero kaagad ko ring binawi dahil nakakailang pa rin para sa 'kin.
Ibinaba niya na lang malapit sa plato ko 'yong mangkok ng ulam. Ang tagal ko yatang kumuha. Nangalay na siguro siya, nakakangawit nga siguro. Sa bagay, do'n naman siya magaling. Ang mag-sawa agad at bumitiw. Hay, ka-drama ko. Makakain na nga at nang makaalis na 'ko rito.
Sumandok ako ng ilan at inilagay kaagad sa 'king plato. Ano naman sa kanya? Sa gusto ko pang kumain, e! Kahit ba siya bumili no'n, e, asawa niya 'ko, hmp! Sexy pa rin naman ako kahit malakas akong lumamon. Hindi naman ako tabain. Kalakas-lakas ko kumain pero payat ako, so lucky. Napansin ko namang napangiti si Mule at napailing. Hmm, tinatawanan niya 'ko!
![](https://img.wattpad.com/cover/138084024-288-k397356.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...