Sa aming tatlo ay si Jam ang masayang-masaya dahil siya ang mas nakakarelate ng todo sa music na pinapatugtog ng Daddy niya.
'Baby Shark'
Tawang-tawa ako dahil alam na alam ni Mule ang mga taste ni Jam pagdating sa music. Nakailang nursery song pa si Mule na ni-play at kinanta naman ni Jam.
Nakarating kami sa harap ng school ni Jam na dating school namin ni Mule. Hindi ko naman madadaanan 'yong highschool dahil sa elementary school ko ihahatid 'yong anak namin, magkatabi lang kasi 'yon.
"Myz, ahm, ikaw na lang maghatid kay Jam sa room niya ha?" sabi ni Mule sa'kin. Na-gets ko naman agad siya kung bakit ako na lang ang maghahatid kay Jam.
"Oo, ako na nga lang. Mahirap na baka pagkaguluhan ka pa," sagot ko naman. Hindi kasi siya nagbihis ng damit at naka-shorts lang siya. Potek na lalaking 'to pati pagbibihis e kinatatamaran kaya ayun dito na lang siya sa kotse baka kasi pagkaguluhan pa siya 'pag nakita ng mga girls 'yong super hot niyang body. Akin lang 'yon.
"Byebye, Daddy F!" ani Jam kay Mule. Natawa naman ako dahil first time tawagin ni Jam si Mule ng Daddy F.
Hahaha. Take note! Ako 'yong nagturo sa kanya.
"Tch. Baby Jam! Kanino mo natutunan 'yan?" tanong ni Mule. Nagtataka siya kasi bakit alam ni Jam 'yong tawag ko sa kanya. Napatingin naman sa'kin si Jam at nginitian ako. Okay, sumusunod naman pala siya sa usapan namin. Good girl. Ibinalik niya 'yong tingin niya sa daddy niya na ang mukha ay napipikon na.
"Secret, daddy. Love you, byebye!" sabi niya tapos nag-wave pa siya.
Binuksan ko na agad 'yong pinto ng kotse at bumaba na kami ni Jam. Lagot kasi kami kay Mule. Iniwanan namin siya habang tinatawanan siya. For sure naman alam niya na ako ang nagturo no'n kay Jam.
Habang naglalakad kami ni Jam ay palingon-lingon ako sa likod para tanawin si Mule kung lumalabas ba siya ng kotse o hindi. Patay siya sa'kin 'pag lumabas siya. Alam ko kasing sa hitsura ng asawa ko ay kahit mga losyang na nanay dito na kasabay kong naghahatid ng anak ay kikiligin at malalaglag ang mga panty nila 'pag nakita ang asawa ko.
Hawak-hawak ko ang kamay ni Jam habang hila-hila ng isa kong kamay 'yong bag niya. Nakikipagsabayan kami sa daloy ng mga magulang na inihahatid rin ang kanilang mga anak sa school. Medyo may kalayuan pa ang classroom ni Jam kaya naman ilang minuto pa ang hihintayin namin para makarating do'n. Nasa hallway na kami at naglalakad habang nakikinig ako sa kuwento ng anak ko tungkol sa mga pinag-aaralan nila. Kung ano-ano pang kuwento 'yong mga kinukwento niya sa'kin tulad ng mga about sa prince and princess, about sa fairies, about sa hero, about sa magic at kung ano-ano pa. Dire-diretso rin ang bunganga niya sa pagdadaldal. Hmm, kanino ba nagmana ang batang 'to sa kadaldalan?
Hmmm, napaisip ako do'n nang malalim. Sino nga kaya? Kami lang naman ni Mule ang p'wedeng pamilian dahil kaming dalawa ang parents nito. Si Mule ba? Hmm, hindi yata si Mule kasi 'di naman madaldal ang pagkakakilala ko sa kanya. Lagi ngang tahimik 'yon sa school dati at titingin-tingin lang sa mga kaklase namin. Tapos sasagot lang siya kay gurang, si Sir Nep kapag tinatanong siya about sa lesson. Naaalala ko pa 'yong katalinuhan niya no'n. Ang galing-galing niya sa school! Isa rin siguro 'yon sa dahilan kung ba't ako na-inlove sa kanya.
So, kanino nga kaya nagmana ang bata na 'to?
Ang hirap naman isipin.
Hmm, sa'kin kaya? Hindi siguro.
Bungangera ba ako? Hmm, dati... haha oo nga sobrang ingay ko rin no'n dati kaya pala Ms. B ang tawag sa'kin ni Mr. F!
Manang-mana ka pala sa Mommy mo Jam. Hihihi... sa'kin.
"Mommy, nakikinig ka ba sa k'wento ko?" tanong ni Jam sa'kin. Echeoserang batang 'to aba't nagkukwento pa rin.
"Yes, anak," sagot ko naman. Naisip ko tuloy kung sa room kaya nagdadaldal rin si Jam? Sana naman hindi.
Nakangiti lang ako sa kanya't nakatuon ang pansin habang naglalakad kaya naman hindi ko napansin na may nabangga na pala ako. Napatingin ako sa sahig kung saan nagkalat ang mga libro at kung ano-ano pa. Napansin ko rin na may lesson plan sa mga libro na 'yon kaya naisip ko na baka teacher 'yong nabunggo ko. Matapos kong pulutin 'yong mga gamit sa sahig ay iniabot ko agad iyon sa kanya. Siya rin ay kinukuha ang mga gamit niya sa lapag pero ngayon ko lang nakita ang mukha niyang tumayo na ako.
Napansin ko kaagad na naka-uniform siya na pang-teacher at lalaki siya.
"Sorry po sir," magalang kong paghingi ng paumanhin sa kanya.
"Ayos lang misis," sagot naman niya at nginitian niya ako. Mapungay ang mga mata niya, matangkad siya, maputi at medyo hunk rin kasi napansin ko 'yong shape ng body niya parang kay Mule lang. Hehe.
"Mommy teacher ko po siya," ani Jam na sumingit sa usapan namin. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yong sinabi ni Jam. Teacher niya 'yong nabangga ko?
"Hi, teacher Homer!" pagbati ni Jam sa kanya.
"Hello, Jam," nginitian siya no'ng teacher niya na Homer pala ang pangalan.
"Oh, kayo po pala ang mommy ni Jam?" tanong niya sa'kin. Tumango naman ako kaagad.
"Opo ako nga," sagot ko. Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
Bakit niya hahawakan ang kamay ko?
Akala ko'y hahawakan niya ang kamay, hindi pala.
"Ako na ang magdadala nito," pagpepresinta niya habang hawak-hawak 'yong de-gulong na bag ni Jam. Ibinigay ko naman na sa kanya at ipinaubaya na ang pagbitbit d'on kasi kanina ko pa 'yong hinihila at nangangalay na rin ang balikat ko kaya ibinigay ko na sa kanya. Ngumiti na lang ako habang nakatingin sa kanila ni Jam na nagkukuwentuhan at nagkukulitan. Sa tingin ko, close silang dalawa. Paminsan-minsan ay sinusulyapan rin ako ni Sir Homer at panay lamang ang ngiti sa akin. Hinahayaan ko na lang siya, siguro'y natutuwa lang siya sa anak ko.
Nakarating na kaming tatlo sa room nila Jam. Pumasok na siya agad sa loob ng room at hinanap ang upuan niya. Sinalubong naman siya ng mga kaibigan niya at inusisa siya tapos ayon nakita kong nagkuwento na naman siya.
"Napaka-bibo ho ng anak niyo saka ang kasingganda mo rin siya." Napangiti na lang ako sa papuring binanggit ni Sir Homer. Bibo daw si Jam? Hmm, parang siya lang medyo pabibo. Bwahaha.
"Thank you, sir," tugon ko. Nakatayo pa rin siya sa labas ng pinto ng classroom habang ako naman ay naroon din katapat siya. Napatingin akong muli kay Jam na tumatawa pa rin habang kakwentuhan ang mga classmate niya.
"Class, please be quiet. Ihahatid ko lang si Ms. Tiu saglit," ani Sir Homer. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Ihahatid? Hmm, ang bait naman pala ng teacher ng anak ko at pogi rin naman pero mas pogi pa rin ang asawa ko.
"Yes, Sir," tugon ng mga bata sa kanya. Matapos niyon ay sinabayan akong maglakad ni Sir Homer. Iyon na rin ang nakita kong pagkakataon para tanungin siya tungkol sa behavior ng anak ko sa room at ayon naman sa kanya ay mabait naman daw ang anak ko. Nakikinig naman daw at hindi pasaway. So, sa akin lang talaga siya gano'n? Kapag nasa bahay lang ganern? Ibang klaseng bata. Haha. Manang-mana nga sa'kin.
"Sir, thank you po ulit saka pasensiya na at nabangga kita kanina. Sorry," sabi ko. Nandito na kami ngayon sa harap ng gate sa labas ng school. Nagpaalam na ako kay Sir Homer.
"Wala 'yon, Mrs. Tiu. Have a nice day," tugon pa niya at ngumiti muli. Ngumiti rin ako sa kanya bago tuluyang tumalikod at umalis. Kaagad akong naglakad patungo sa kotse ni Mule at sumakay do'n.

BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...