♥ lovely v ♥

13.8K 102 0
                                    

NAGBAGO ang ihip ng hangin pagbalik ko sa sasakyan. Kanina pa kasi ako hindi kinakausap ni Mule. Seryoso lang siyang nagmamaneho at naka-pokus ang atensiyon sa kalsada. Sinubukan ko nang magsalita kanina pero parang invisible lang ako sa kanya at parang wala akong kausap.

"Ano na naman bang problema mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi mapigilan pa na magtanong. Gusto kong malaman kung ano ang problema niya o kung anong trip niya. Bakit bigla na lang siya naging ganyan?

Ang tagal kong naghintay ng sagot mula sa kanya pero wala talaga ni isang salitang lumabas sa bibig niya. Nakakaasar. Hindi ko na nga lang siya kakausapin. Bahala siya sa buhay niya.

Patuloy pa rin siya sa pang-iisnob sa akin habang ako naman ay hindi na lang din siya pinapansin. Ano ba kasi talaga ang nangyari sa kanya? Kanina lang ay okay pa siya, tumatawa pa siya kanina pero ngayon hindi na. Tanungin ko? Paano ko tatanungin kung ayaw namang sumagot?

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero na lang tumigil ang sasakyan namin at sa sobrang bilis nang paghinto nito ay halos maumpog ang ulo ko sa windshield ng kotse. Tumingin ako sa ibaba at nakita kong mariing tinatapakan ni Mule ang brake ng kotse, kaya pala. Nagtaka naman ako kung bakit niya tinapakan nang biglaan ang preno ng sasakyan. Nasulyapan ko naman sa labas ang isang babae na tumatawid bitbit ang dalawang malalaking kahon sa magkabila niyang kamay. Mabigat din ang dala nitong bag. Mukhang nahihirapan siyang tumawid kasi malalaki ang mga bitbit niyang gamit.

Napatingin ako kay Mule na umiiling-iling pa. Bigla siyang lumabas ng kotse para puntahan 'yong babaeng tumatawid na 'yon na ngayon ay nakaharang sa daanan.

Nang makita kong lalabas si Mule ay kaagad ko siyang sinundan. Nakita kong nilapitan niya 'yong babae na tumatawid sa gitna ng kalsada bitbit pa rin ang malalaking kahon na hawak niya kanina. Nagulat ako sa ginawa ni Mule matapos niyang maabutan ang babaeng hirap na hirap. Akala ko'y kaya nilapitan ang babae ay para tulungan pero hindi pala dahil sinigawan niya pa ito at pinagalitan.

"Hoy, ikaw! What the? Bakit ka paharang-harang diyan sa gitna ng kalsada? Nakakadagdag ka pa sa traffic e. Sh!t. Paano kung masagasaan kita? Sagot ko pa buhay mo. Tabi nga diyan! Pagsakay ko nang kotse kailangan nakatawid ka nitong kalsada. Tatanga-tanga kasi e. Wala ka bang kasama? Bakit hindi ka maghanap ng tutulong sa'yo? Pwe!" ani Mule.

I am so shocked! Grabe, hindi ko talaga nagustuhan ang inasal ni Mule kanina. Bakit ba nagkakaganyan siya? Kahit kailan talaga 'di na siya nahiya sa ugali niya. Hayyys, mukhang mamomroblema na naman ako sa kanya.

Gusto kong tulungan 'yong babae kaya lang tinitigan ako ni Mule ng masama. Tsk, sa akin ba siya galit? Sa akin nga siguro siya galit at naibunton niya lang 'yong galit niya kay ate girl na tumatawid ng kalsada. Lintik na footlong talaga, oo. Nandadamay pa ng ibang tao.

"Hoy, Myz! Sumakay ka nga sa kotse! Pinapalabas ba kita?" singhal niya sa'kin. Aba't ang footlong G na G ah!

"Bakit mo 'ko sinisigawan? Putek ka ah!" sigaw ko sa kanya. Napansin ko namang habang nagtatalo kami ay umuusad na ang paglakad ni ate girl. Kinaya niya naman 'yong mga dalahin niya nang hindi nanghihingi ng tulong sa iba. B'wisit na Mule kasi na 'to e. Hindi man lang naawa kay ate gurl. Hindi man lang tinulungan.

'Di talaga siya gentleman. Hayss.

"Sh't! Bahala ka nga d'yan!" bulyaw niyang muli sa'kin. Aba! Siya pa may ganang magalit? Kanina ko pa nga siya hindi maintindihan e. His unexplainable mood swings makes me go crazy.

"Bakit naman kaya gumagano'n?" Tinitigan ko na rin siya nang masama. "Hoy, inaano ba kita?" Ang bastos na bata, ayun at nagwalk-out. Kinakausap ko pa siya 'di ba?

Napitlag ako nang bumusina siya ng malakas na malakas. Ayoko pa sanang pumasok ng kotse pero ayoko din namang maiwan dito mag-isa.

"Ano ba? Hindi makapaghintay!" sigaw ko sa kanya.

"Bilisan mo, Myz! Naiinip na ako ah!" pagmamasungit niya sa'kin.

"Ito na nga oh! Eto na, eto na! Ano masaya ka na?"

"Okay. Here we go."

"Waaah! Mule, ano ba? Magdahan-dahan ka nga! Ang bilis-bilis mo naman. Kinakabahan ako."

"Shut up!"

"Mule naman!"

"I said, shut up!"

"Okay, do what you want." At lalo pang binilisan ni Mule ang pagmamaneho ng kotse.

Pumikit na lang ako at kumapit ng mabuti sa upuan ng sasakyan. Ayoko kasing tingnan kung gaano kabilis tumakbo 'yong kotse ni Mule. Nakasuot na rin ako ng seatbelt para safe na safe.

"We're here. Bumaba ka na. Ang arte mo," sabi niya sa'kin nang makauwi kami sa bahay. Padabog siyang lumabas ng kotse at iniwan akong mag-isa sa loob nito. Sobrang naiinis na talaga ako kaya hinabol ko siya at naabutan ko naman siya bago pa man siya makapasok sa loob ng bahay.

"Teka nga!" sigaw ko sa kanya sabay hawak nang mahigpit sa braso niya para hindi makaalis kung sakaling mag-walkout man siya.

Lumingon naman siya sa'kin at hindi rin nagpumiglas pa.

"Bakit ba ang sungit mo? Daig mo pa babaeng nireregla ah? Meron ka ba ngayon? Pambihira!" Tinitigan niya lang ako at tulad ng inaasahan ko, hindi siya umimik. "Hindi!" sabi ko sa kanya habang pigil ang kanyang braso na kanina pa kumakawala sa pagkakahawak ko dahil ibig nang bumitaw.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa'kin ang dahilan mo kung bakit ka nagkakaganyan."

"Myz, tama na nga. Nakakarindi na 'yang boses mo!" Sa pagkakataong 'yon ay naging mas malakas siya kaysa sa akin dahil nagawa niyang kalagin ang mahigpit na pagkapit ng kamay ko sa braso niya.

"Mule! Hoy, kinakausap pa kita 'di ba?" Sinusundan ko ang mabilis na paglakad niya. Nasa likod niya pa rin ako habang kinakausap siya.

Dahil sa pagalit at pagsigaw ko sa kanya ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa kwarto. Talagang naiinis na ako sa lalaking 'to. Kaaga-aga umaarya ng gan'to.

"Mule, tumino ka nga. Kinakausap kita, ayaw mo naman akong sagutin ng maayos!"

"What?" aniya. Ngayo'y nakaharap na siya sa'kin at nakatingin lang sa aking mga mata. Nababasa ko naman sa kanyang mga mata na parang hindi naman siya sobrang galit, mukhang naiinis lang siya.

"Kung sisigawan at papagalitan mo lang naman ako ay mas mabuti sigurong iwan mo na lang ako mag-isa. You messed my day." Muli siyang tumalikod at humakbang ng ilang beses upang tuluyang makagawa ng distansiya na siyang maglalayo sa amin. Sa t'wing lumalapit ako ay lumalayo siya.

"What's happening to you? Siya nga pala, hindi ko nagustuhan 'yong inasal mo kanina doon sa babaeng tumatawid sa kalsada kasi imbes na tulungan mo siya, sinigawan mo pa at pinagalitan." Inis at galit pa rin ang boses ko habang kinakausap siya.

"So..." sagot niya na parang walang pakialam sa sinasabi ko. Baliw na talaga siya. Naka-side view lang siya habang sinasagot ako.

"So...so...so...ka pa d'yan! Mule nga, magpaka-gentleman ka naman kahit minsan. Wala namang mawawala kung susubukan mong maging gentleman. In fact, marami pang matutuwa sa'yo. Tsk." Inirapan ko siya sa sobrang inis. Wala naman siyang pakialam sa ginawa kong 'yon. Naglakad siyang muli hanggang makarating sa kabilang gilid ng kama at doon ay naupo siya nang nakatalikod sa'kin.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon