"Nagawa ko na ang utos mo, binaba ko na. Please, ibigay mo na sa 'kin si Myz." Tinawanan lang siya ni Homer. Anong akala ni Mule, mauuto niya ng gano'n-gano'n lang si Homer? Walang puso ang demonyo. Mayro'n pala, pero puro kasamaan ang tanging pakay-- tulad ni Homer.
"Papatayin na kita, nang mauna ka na sa impyernong sinasabi mo," ani Homer. Inalis niya na sa ulo ni Myz ang dulo ng baril at ngayon ay kay Mule na nakatutok. Hinanap at sinipat niyang mabuti ang dibdib nito kung saan nakapwesto ang puso.
Puso ang gusto niyang patamaan dahil sa pagmamahalan nilang dalawa na hindi niya matanggap. Hindi niya matanggap dahil hindi siya gusto ni Myz o may iba pang dahilan?
Bago pa natin malaman ang sagot ay naiputok na ni Homer ang baril sa taas na dapat sana'y sa katawan ni Mule tatama nang gamitin ni Myz ang natitira niyang lakas para suntukin pataas ang kamay ni Homer dahilan para mabitiwan nito ang hawak na baril. Kahanga-hanga ang ginawa ni Myz. Dahil doon ay tumaas ang tiyansa na makaligtas pa sila.
Sa pagkakataong iyon ay kumilos kaagad si Mule. Kaagad niyang dinamba si Homer at hinuli hanggang sa matumba sila sa sahig. Malalakas na suntok ang pinatama niya sa mukha ni Homer. Pero agad ring nakabawi si Homer nang matamaan niya sa sikmura si Mule at maitumba rin sa sahig.
Ginantihan niya ng suntok si Mule pero nakakaisang suntok pa lang siya ay kaagad nakabawi ng suntok si Mule. Ngayo'y hawak niya sa leeg si Homer. Tanging galit ang nagsisilbing lakas niya. Pumaibabaw si Mule habang ipit ang dalawang kamay ni Homer at habang sinasakal gamit ang kanyang bisig. Ilang saglit lang ay nawalan na ng malay si Homer matapos malagutan ng hininga.
Makakahinga na rin nang maluwag. Muntik na sila talaga ro'n. Mabuti na lang at nagamit nila ng maayos ang kanilang utak sa ganitong mahirap na sitwasyon.
Kaagad nilapitan ni Mule si Myz na nanghihina, nakaupo ito sa sahig dahil nawalan na ng lakas ang mga hita nito. Ibinangon siya ni Mule at niyakap nang mahigpit. Hindi naman makayakap si Myz dahil nakaposas ang kamay nila.
"Mule..." She's crying while murmuring the name of his love. Akala niya talaga hindi na darating si Mule pero umasa siya na makakapunta ito para iligtas siya kahit na mukhang malabo. Tumulo ang kanyang luha dahil natupad ang inaasahan niya. Ngayon ay ligtas na sila at wala nang makakapigil sa pagmamahalan nila katulad ng luha niyang kusang bumabagsak at pumapatak.
"Sorry, Myz..." ani Mule habang yakap nang mahigpit ang asawa. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa asawa. Ang totoo'y nagagalit siya sa sarili niya dahil napabayaan niya ang babaeng mahal niya.
Bumitiw sa pagkakayakap si Mule at hinarap ang kanyang asawa. Hinahaplos niya ang buhok nito saka pinupunasan ang luhang tumutulo pa rin. "Stop crying. Nandito na 'ko, you're safe."
At doon siya nagkakamali dahil ang demonyo ay buhay pa pala. Ano 'to? Hindi 'to maganda! Marahang gumagapang ang kamay ni Homer hanggang sa maabot niya ang dalawang baril na tumilapon kanina. Hindi totoong nawalan na siya ng hininga, drama lang ang lahat at ngayon ay nakatayo na siya't masayang-masaya. Magaling at napaniwala niya ang dalawa. Ngayon ay maisakakatuparan niya na ang madilim niyang balak.
"Aww! Ang sweet naman! Sorry, ayoko ng happy ending," sabi niya. Nagulat ang dalawa nang marinig nila ang boses ni Homer. Naguluhan sila sa nangyayari. Nagkamali sila sa inaakala nila. Sobrang naging maaga ang kanilang celebration. At mukhang sa pagkakataong ito ay si Homer na ang magce-celebrate pagkatapos.
"Bakit mo 'to ginagawa, Homer? Anong kasalanan ko sa 'yo?" tanong ni Mule habang ikinukubli at itinatago si Myz sa likod niya. Hindi baleng siya na lang ang mabaril, 'wag lang si Myz.
"Malaki," sagot ni Homer. Nabalot ng hindi maipaliwanag na reaksyon ang mukha ni Mule. Anong ibig sabihin ni Homer?
"Malaki ang kasalanan mo sa 'kin," sabi pa ni Homer at dahil do'n ay napuno ng katanungan ang isip ni Mule. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Homer. Anong kasalanan 'yon? Ano 'yon at bakit hindi niya magawang mapatawad si Mule? Ano iyon at bakit kailangan humantong sa ganito-- sa patayan?
![](https://img.wattpad.com/cover/138084024-288-k397356.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomansaSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...