♥ lovely vii ♥

13.3K 80 0
                                    

ISANG linggo na ang nakalilipas at ito kami ngayon sabay-sabay kumakain ng almusal. Kanina pa kami abala sa paghahanda ng mga dadalhing gamit at mga pagkain para sa gaganaping program sa school ni Jam. Excited na rin ang anak namin dahil espesyal sa kaniya ang araw na ito. Family Day ang program na gaganapin mamaya kaya naman kinakailangang nandoon kaming dalawa ni Mule para samahan siya dahil kami ang parents niya. Natapos na kaming kumain matapos ang labinlimang minuto.

"Ready na ang lahat!" saad ng asawa ko matapos niyang maayos ang lahat ng mga dadalhin namin. Medyo pawis rin siya nang tingnan ko pero okay lang, gwapo pa rin naman siya sa paningin ko.

"Matatapos na 'to, sandali na lang," sagot ko naman. Inaayusan ko kasi ngayon si Jam. Nakaupo kaming dalawa sa sofa habang itinatali ko ang kanyang itim, mahaba at alon-alon na buhok. "'Yan! Tapos na baby!" masayang wika ko. Ngumiti naman si Jam at kaagad kong nabasa ang ekspresiyon ng kanyang mukha na nae-excite sa mangyayari.

"Yehey!" masayang bigkas ni Jam.

"Pretty na ba ako, Mommy?" tanong niya pa sa'kin habang hinahaplos ang kanyang magandang buhok.

"Of course," sagot ko.

"Oh, tara na! Tara na, baka ma-traffic pa tayo sa daan mamaya," pamumutol ni Mule sa aming usapan.

SUMAKAY kaming tatlo sa kotse namin at nagsimulang bumiyahe papuntang school. Mabilis naman kaming nakarating sa school dahil hindi kami na-traffic.

Magkakasabay kaming lumakad papasok ng school. Si Mule ay nasa kabilang gilid, naglalakad habang nakahawak sa kamay ni Jam at ako naman ay nasa kabilang gilid din, sinasabayan silang lumakad.

"Guys, ang cute natin sa damit na suot natin," natatawang sambit ko. Napatingin naman sa akin si Jam at tumawa. Si Mule naman ay nakabusangot lang at hindi natatawa.

"Hmm. PINK is fun. Ha! Ha!" sambit niya na sinundan ng dalawang pilit na tawa. Bumalik rin sa dati ang mukha niya at mas lalong nalukot iyon sa aking paningin. Nakakatawa siya. Paano ba naman kasi pinagsuot ko siya ng pink na outfit. Never niya pa 'yon ginawa sa buong buhay niya pero dahil napilit ko siya ayun magkakaparehas kami ng color ng damit. Sabi ko kasi dapat parehas ang mga damit namin pagpunta sa 'family day' para magandang tingnan.

"Jam, 'di ba cute si Daddy sa suot niya?" tanong ko kay Jam para ngumiti na si Mule kung sakali man na sakyan ni Jam ang sinasabi ko.

"Yes po, mommy. He's so cute!" sagot ni Jam na nakangisi ng malaki.

"See?" sabi ko sa kanya. "Ang cute mo sabi ng anak natin. 'Wag ka nang umarte, tingnan mo sila oh!" sabi ko sabay nguso doon sa mga parents kasama ang mga anak nila na nakasuot rin ng pareho-parehong kulay ng damit.

"Tch. Bakit kasi pink pa?" inis na tugon ni Mule.

"Gg. 'Real men wears pink'!" sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya.

"Okokok. Let's go! Baka maubusan pa tayo ng upuan," pag-iiba niya sa usapan. Muli ko naman siyang tiningnan mula ulo hanggang paa kung saan puro pink ang makikita ko. Hahaha. Sinunod niya nga talaga 'yong sinabi ko.

Pink shirt.

Pink pants.

Pink shoes.

Bwahaha! Ang saya! Hmm, pero mas masaya siguro kung pink din ang brief niya. Hihihihi.

"Tara na nga baby Jam. Hayaan mo na 'yong mommy mo d'yan!" ani Mule.

Luhhh. Nagtatampo na siya. Wala akong nagawa kundi ang sundan sila ni Jam. Hinatak niya 'yong anak namin! Ito namang si Jam, go lang basta Daddy niya ang nag-utos sa kanya.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon