♥ lovely xxix ♥

9.2K 86 0
                                    

Tahimik lang ang naging biyahe namin. Nagkukwentuhan lang ang dalawa sa likod ko habang ako wala lang. Walang kausap, out of place, nagda-drive lang.

"We're here," yamot na saad ko. Panis na yata ang laway ko. Wala man lang kumausap sa 'kin. 'Di man lang nila ako sinali sa usapan nila. Sobrang saya.

"Bye, daddy! Bye, mommy!" masayang ani Jam. Hindi ko na siya inihatid pa sa room dahil siya na ang nagkusang bumaba ng sasakyan. Natuwa naman ako dahil bumalik na ang dati niyang sigla. Ngayon ko lang ulit siya nakita na ganadong pumasok sa eskwelahan. Mabuti na lang talaga at umuwi na si Myz.

"I love you, baby!" sabi pa ni Myz habang nakadungaw sa bukas na bintana ng kotse. Nakita ko namang napalingon si Jam at nag-flying kiss pa siya sa mommy niya.

"Sana all may nare-receive na kiss," mahinang saad ko pero hindi ako sure dahil agad napatingin sa 'kin si Myz. What the f? Narinig niya yata.

"Ano kamo?" taas kilay niyang tanong. Wow, nagtataray na naman siya. 'Di ko naman siya inaano, e.

"Wala sabi ko ang damot mo, kahit flying kiss 'di mo magawa sa 'kin... ay ibig kong sabihin, ang ganda mo, hehe." Kinindatan ko na lang siya kasi nakakatakot na 'yong timpla ng mukha niya. Akala mong tigre na manglalapa ng maamong zebra. Sungit ng asawa ko, kainis!

"Ha?" aniya. 'Di niya 'ata na-gets.

"Hakdog!" sabi ko naman saka tumawa. Kung magsusungit lang siya sa 'kin, iinisin ko na lang siya. Aasarin ko siya nang aasarin.

"Edi wow, tae mong dilaw," sagot niya. Aba! Lumalaban siya. Nakakatawa lang dahil halatang-halata ko na naaasar na siya. Ang bilis niyang mainis.

"Oh taraga? Nasa'n ang pake ko?" sabi ko naman. Patuloy ako sa pang-aasar sa kanya. Sanay naman ako sa ganito, e, since highschool inaasar ko na siya.

"Nasa p'wet ko nagkakape." Gusto kong matawa sa sagot niya dahil lumalaban talaga siya. Para kaming mga bata na non-sense ang pinag-aawayan. Mas masahol pa kami sa asaran namin ngayon kumpara no'ng highschool students pa kami.

"Alam mo kung baket? Pwet mong may raket!" sabi ko tapos nag-make face ako. Gusto kong matawa dahil nagtatagumpay na ako sa pang-aasar sa kanya. Kitang-kita ko kasi ang mukha niya kung paano malukot at sumama ang timpla.

"Bwiset!" sagot niya sabay irap. Sabi na nga ba, e! Hindi siya tatagal. Hays, pikon talo.

"I love you," biglaang sabi ko. Pagkatapos ko siyang asarin, hindi ito ang time para sabihin 'yon pero wala lang trip ko lang.

"Che! Magmaneho ka na nga! Bago pa maubos ang pasensiya ko sa 'yo, Mule." Tinawanan ko lang siya sa sinabi niyang 'yon. Wala na, talo na siya. Akala ko pa naman tatagal siya sa pakikipag-asaran, e.

"Masusunod po, madam." Pinaandar ko na ang sasakyan pero pinaharurot ko agad. Alam kong matatakot si Myz kaya ginawa ko 'yon. Hindi pa 'ko tapos sa pang-aasar, 'di pa ko satisfied, e.

"Ano ba? Magdahan-dahan ka nga!" saad niya habang halata ang takot na bumabalot sa kanyang sistema. Nanlalaki na ang mga mata niya nang minsang sulyapan ko siya. Nakakatawa talaga.

"Ayoko po, madam." Nakangisi lang ako habang patuloy sa pagmamaneho. Takot na takot pa rin si Myz.

"Mule! Tumino ka! Hindi na 'ko natutuwa." Nakakatawa 'yong itsura niya talaga. Gustong-gusto ko kapag ganito si Myz. Na-miss ko siyang asarin.

"Ayaw, madam." Hindi pa rin ako tumigil. Hindi ako nagpapigil pero mine-make sure ko naman na safe pa rin ang pag-dadrive ko.

"MULE! NATATAKOT NA 'KO!" sigaw niya. Actually, mabagal pa nga 'to. Matatakutin lang talaga siya. 'Pag nagbubunganga at nagsusungit siya akala mo ang tapang-tapang pero duwag din naman.

"Ayaw... bleh bleh bleh," pang-aasar ko with matching padila-dila pa. Sige pa, Mule. Asarin mo lang siya nang asarin.

"Puta, Mule! Magdahan-dahan ka sa pagmamaneho!" galit na sambit niya. A 'yan na, napapamura na siya. Galit na talaga siya. "Aaaah!" malakas niyang tili na akala mong nakakita ng multo. Chill honey, alam ko ang ginagawa ko.

"Okay po, madam. Sa isang kondisyon po, madam. Kiss mo po ako, madam." Ngiting sambit ko. Sana naman kumagat siya sa pain ko.

"Oo na! Sige na! Sige na, basta bagalan mo." Napangiti na lang ako matapos marinig ang magic word -- 'oo'.

"Sure, madam." Naging banayad na ang pagmamaneho ko. Humupa na rin ang kaba ng misis ko. Grabe, kabang-kaba talaga siya. Akala mong aatakihin sa puso.

"Bago ako bumababa saka kita iki-kiss." Halos pumalakpak ang dalawang tenga ko nang marinig ko 'yon.

"I'm so excited, madam." Kinikilig kong sabi.

"Gago," sabi niya. Shit, obvious yata masyado.

"I love you, madam." Ramdam kong kinilig siya matapos sabihin 'yon dahil nakita kong nag-blush ang pisngi niya. Natameme rin siya ng ilang segundo.

"Mag-drive ka na lang, mas mabuti pa. Sige, diretso lang sasabihin ko 'pag nando'n na tayo, tabing highway lang naman 'yon. Nga pala, 'wag mo na 'kong hintayin. Uuwi akong ligtas at buhay, magco-commute na lang ako pauwi," dire-diretso niyang saad pero wala na 'kong pake ro'n. Pasok sa isang tenga labas lang sa kabila ang mga sinasabi niya.

"Sure, madam. Basta 'yong kiss po, madam, hehe." Iyon na lang talaga ang naiisip ko. Hindi naman na siya umimik pa. Hindi niya na ako pinansin. Nakukulitan na siguro siya sa 'kin. Hindi niya naman ako masisisi.

"Tama na, ito na 'yon." Inihinto ko na ang kotse sa tapat ng coffee shop. Dito na raw siya bababa.

"O, teka, teka. May nakalimutan ka yata?" Nagmamadali kasi siyang bumaba ng sasakyan. Hindi ba niya naaalala 'yong sinabi niya kani-kanina lang?

"Ano?" supladang tanong niya. Nagmamaang-maangan pa talaga siya. Ayaw pa ba niya 'yon? Siya na nga lang 'yong ki-kiss sa 'kin, nag-iinarte pa?

"'Yung kiss ko, madam." Pakindat-kindat pa ako sa kanya. Alam ko namang gustong-gusto niya 'kong halikan, nagpapakipot lang siya.

"Utot mo!" sabi niya sabay lumabas ng kotse. Shookt! Gulat ako sa sinabi niyang 'yon at para akong nakipag-deal lang sa wala.

"HOY!" sigaw ko sa kanya kaya lang padabog niyang isinara ang pinto ng sasakyan. Naisahan niya 'ko! Damn it. Sinundan ko siya at hinabol pero itinigil ko rin. Ayaw kong magmukhang desperado at na-realize kong para lang akong tanga 'pag ginawa ko 'yon.

"Kung ayaw mo edi 'wag!" sigaw ko sa kanya at alam kong narinig niya 'yon dahil lumingon pa siya sa 'kin at bumelat. Shit! Nang-aasar pa talaga siya. Tinalikuran ko na lang siya at hindi pinansin.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon