♥ lovely xxxix ♥

5.3K 64 1
                                    

Ginawa ko ang lahat para mapigilan siya. Wala na akong dapat aksayahin pang oras dahil baka mamaya magwala na ng husto ang babaeng 'to.

"Myz!" sabi ko habang hinaharangan ang mga hampas niya. "Tama na, tama na..." paulit-ulit kong sabi hanggang sa mapagod na siya. "It's a prank, relax!"

Sinamaan niya lang ako ng tingin at ang inaasahan kong masayang reaksyon sa mukha niya ay tila naging imposible. Sino nga ba naman kasing matutuwa ro'n? Ako, s'yempre! Hindi ko namalayang tumatawa na ako.

"Liar!" ani Myz habang hawak ang buhok ko at sinasabunutan. "Sinungaling kang kupal ka!"

"Aray, tama na! Suko na 'ko!"

Nang makawala ako sa mga hampas niya ay agad ko siyang inimpit ng mahigpit hanggang sa hindi na siya makawala. Sinubukan niyang magpumiglas pero masyado siyang mahina para gawin 'yon.

"Kailangan pa palang mamatay ako bago mo ako mapatawad?" tanong ko, diretso lamang nakatuon ang mga mata ko sa kanya. Sa puntong ito, ang sarap niyang halikan. "Tindi mo!" Napailing ako.

"So?" pagmamataray niya. Ilang beses siyang umirap sa 'kin. Nakakainis na siya talaga. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para bigyan ng isang halik.

"I love you," sabi ko saka siya nginitian. She rolled her eyes again. Kinindatan ko lang siya bago pakawalan sa mga kamay kong pumipigil sa kanya. "Can I invite you for a dinner?

She gave me a knowing look while standing in front of me with her hands on her hips. Napansin ko rin na gano'n na lang din kabilis naglaho ang pag-aalala at lungkot sa mukha niya. Sobrang nag-worry talaga siya kanina. Ilang segundo niya lang akong tinitigan at hindi man lang umimik.

"I would take that as a yes," saad ko bago tumalikod at naghubad. I immediately go to my car to get my extra shirt na binili namin kanina ni Carlos. Kinuha ko na rin 'yong Carlos para ibigay sa kanya.

"Hoy, taba, tama na 'yan!" sabi ko kay Carlos na nakahiga pa rin do'n sa kalsada. "Nag-enjoy ka naman masyado kay Hera," natatawa kong sambit saka hinagis sa kanya 'yong t-shirt na susuotin niya.

"Mule, naiinis ako," rinig kong sabi ni Myz habang nagbibihis ako. Pagkatapos kong i-suot ang V-neck shirt na black ay binigyan ko siya ng pansin.

"Chill," sagot ko, "let's go, let's have a date," kinindatan ko lang siya at inabot ko ang kanyang kamay para hawakan.

"Guys! Tara kain! Libre 'ko." Kinawayan ko 'yong dalawa. Kaagad naman silang sumunod.

Ang address na sinend ko kay Myz ay may malapit na restaurant. Ilang saglit lang kami naglakad at nakapasok na kami ro'n. Hindi masyadong malaki at hindi rin naman maliit. Ang tema ng restaurant ay vintage, sobrang cool ng pagkakaayos ng lighs at ng tables. May mga classical paintings pang nakadikit sa magkabilang wall. Ayon kay Carlos, masarap daw ang pagkain dito. S'yempre, sino pa ba ang tatanungin ko tungkol sa mga pagkain? Siya lang naman maaasahan ko sa mga gan'tong bagay.

"Myz..." saad ko, pinagmamasdan siya habang kumakain. "Are you still mad?"

"Ano sa tingin mo?" tanong niya pabalik. Ipinagpatuloy niya ang pagkain na may halong gigil. Dinig na dinig ko kasi kung paano nagtatama ang ngipin niya at ang kutsara.

"Sa tingin ko, kaunting lambing na lang, bibigay ka na rin," sabi ko at no'ng tiningnan niya ako ay nginitian ko na lang siya.

"Ha! Ha! Nakakatawa," sarkastikong tugon niya sabay irap.

Pinilit kong daldalin si Myz pero talagang hindi siya sumasagot. Nagtatampo-tampohan pa siya kunwari. Alam ko namang hindi na siya galit, e.

"Dito 'yong kotse natin," sabi ko kay Myz habang tinuturo kung saan nakaparada ang kotse namin.

"Kay Hera na 'ko, sasabay," sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Tiningnan ko muna sila hanggang sa makasakay bago ko sinenyasan si Carlos na sumunod sa 'kin.

"Galit pa rin?" tanong ni Carlos matapos kabigin ang pinto, nakaupo na siya sa front seat.

"Yata?" sagot ko na walang kasiguraduhan. "'Wag mo nang isipin 'yon, ako bahala."

Sinimulan ko nang i-start ang sasakyan at kaagad itong pinaandar matapos painitin ang makina. Hinatid ko muna si Carlos sa bahay nila bago tuluyang umuwi sa 'min. Naisip ko naman na baka hindi pa kumakain si Jam kaya naman dumaan ako saglit sa fast food para mag-drive thru.

Pag-uwi ko sa bahay nadatnan ko sina Myz at Jam kasama ng mga kaibigan niyang si Joni at Hera sa sala, masayang nagkukwentuhan. Tama nga ang hinala ko, nandito nga sila.

I cleared my throat before I knocked the opened door to caught their attention.

"I'm home," saad ko bago maglakad papasok ng bahay bitbit ang binili kong foods para sa anak ko.

"Daddy!" ani Jam na siyang unang nakapansin sa 'kin. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at mga tawang masarap pakinggan sa tenga. "I miss you, daddy!" aniya bago ko siya buhatin at tadtarin ng kiss.

"Good eve," pagbati ko sa mga kaibigan ni Myz. Ibinaba ko na muna si Jam. Nakatingin lang sila sa 'kin, sina Joni at Hera.

"Hi, Mule," bati sa 'kin ni Joni tapos si Hera naman tinanguan lang ako.

"Kumusta?" tanong ko sa kanila. Wala na akong maisip na sabihin. Pilit akong ngumiti para bawasan ang pagkailang na nangyayari. What's wrong with them? Ah, I get it. Kinuwento na ni Myz sa kanila.

"Okay lang," sagot ni Joni.

"Y'ah, super okay," sabi ni Hera na nakatingin lang sa 'kin.

"Jam, kumain ka na? Look, may biniling foods si daddy," sabi ko saka ipinakita kay Jam ang hawak kong plastic bag na may lamang foods.

"I've already eaten, Daddy," ngiting ani Jam. Siguro bumili si Myz at Hera ng pagkain nila kanina bago sila umuwi.

"Really?" tanong ko kay Jam saka pinisil-pisil ang pisngi niya.

"Yes?" sabat ni Myz. "Anong palagay mo sa 'kin pabayang ina? Natural papakainin ko ang anak natin!" bulyaw niya sa 'kin, galit na galit, nagmamasungit na naman.

"Okay," sagot ko. Ayaw ko nang makipagtalo pa sa kanya lalo na sa harap pa ng mga kaibigan niya. Nakakahiya naman kung sa harapan pa nila kami mag-away.

"Ako, Mule, gutom pa 'ko!" ani Joni na nagpangiti sa 'kin. Nakita kong sinamaan siya ng tingin no'ng dalawa pero dedma lang si Joni. Siguro may usapan sila na 'wag akong pansinin o pakitunguhan ng maayos.

"Ah, sige, akyat na muna ako. Magbibihis lang ako," sabi ko matapos iabot kay Joni ang pagkaing dapat para kay Jam. Umalis na ako at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon