Kanina ay tulala ngunit tumatakbo na ngayon si Mule dahil sa sigaw na kanyang narinig. Tinatawag siya ni Myz. Nanggaling ang boses mula sa kusina kaya ngayon ay pababa na si Mule ng hagdan para tingnan ang asawa.
"Mule! Manganganak na yata ako!" sigaw ni Myz nang lumapit sa kanya ang natatarantang si Mule. Hindi nila alam ang gagawin pero nang maglaho ang panic nila ay marahang naakay ni Mule ang asawa at isinakay sa kotse.
Sa isang iglap ay nakarating sila sa pinakamalapit na ospital. Ngayon ay nasa delivery room lang sila dahil ayon sa doctor ay kayang ilabas ni Myz ng normal ang babies. Yes, with s. Hindi lang isa. Hindi rin dalawa. Mas lalong hindi tatlo. APAT!
Apat na sanggol ang iluluwal ni Myz sa oras na ito, kinakabahan siya habang naghahanda sa pag-ire pero pinapakalma siya ni Mule na nasa tabi niya lang at hawak ang kamay niya.
Makatapos ang paulit-ulit na pag-ire ni Myz ay nailabas niya na ang apat na sanggol. They are all boys! Hindi maipaliwanag ang tuwa ni Mule nang makita ang mga umiiyak na sanggol. Sobrang saya niya, mas masaya pa sa asawa niya.
"Grabe ka, Myz! Sabi ko sa 'yo triplets lang! Hindi quadruplets!" ani Mule habang tinititigan ang mga sanggol. Masayang-masaya siya. Nalilito pa nga siya dahil sobrang magkakamukha daw ang anak niya. Nakatutuwa siyang pagmasdan.
"O, sige ibalik natin 'yong isa sa tiyan ko," ani Myz at kukuhanin kunwari ang isa para ibalik sa tiyan niya.
"'Wag!" sabi naman ni Mule na pinigilan si Myz. Akala niya naman tototohanin ni Myz. Paano ba naman kasi maibabalik pa ang sanggol na nailabas na? Nakakatawa talaga siya. "Sobrang saya ko! Apat na Mule! Yehey!"
Kahit hindi niya sabihin 'yon ay obvious na obvious na gano'n talaga ang nararamdaman niya. Hindi magawang maglaho ng ngiti sa labi niya.
"Well, may pasobrang isa dahil special ka," sabi naman ni Myz at sila'y masayang nagtawanan. Natupad na ang wish ni Mule na magkaroon ng triplets pero may pasobra pang isa. Nasobrahan yata sila sa make love nila ni Myz. Iba talaga kapag gawang Mule!
***
Nagising si Mule nang wala sa tabi ang asawa. Alam niya naman agad kung saan hahanapin at saan pupuntahan ang asawa dahil sanay na siya sa ganitong pangyayari tuwing umaga at sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
Pinihit ni Mule ang door knob at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kabilang kwarto at iyon naman ang pinasukan niya. Pinagmasdan niya ang buong kwarto. Nakakapanibago. Ibang-iba na 'to tulad ng dati. Ang dating pambabaeng kwarto ay napalitan na ng mga panlalaking disenyo. Wala nang maiwang bakas na kwarto ito dati ni Jam.
"Hello, baby Jam Malyk!" ani Myz habang sinusuotan ng medyas ang paa ng panganay sa quadruplets na si Mal.
"Hello, baby Jam Mythes!" sabi naman niya at ganoon din ang ginawa sa ikalawang sanggol sa apat na si Myt. Mapapansing silang apat ay may Jam sa pangalan. Request 'yon ni Mule, iyon kasi ang first name ng panganay nilang babae. Gano'n kamahal ni Mule si Jam kaya naman kahit sa pangalan ay buhay pa rin ang una nilang anak.
"Hi, baby Jam Myles!" sambit ulit ni Myz sa ikatlong baby sa quadruplets na ngayon ay tumatawa na dahil nilalaro siya ng mommy niya.
"Hi, baby Jam Manley!" sabi niya sa huling baby, at ang huling lumabas-- ang bunso sa quadruplets.
Ngayon pa lang naramdaman ni Myz ang presensya ng kanyang asawa. Tiningnan niya at nginitian si Mule pero sinamaan lang siya ng tingin nito, inirapan, nagdabog palabas ng kwarto at malakas na kinabig ang pinto.
Nagtaka si Myz sa biglaang pagbabago ng mood ng asawa niya. Tumayo siya at hinabol ang nag-walkout na si Mule. Iniwan niya ang mga bata ro'n dahil kailangan niyang kausapin si Mule.
"Ano? Sila na lang talaga, Myz?" sabi ni Mule nang maramdaman na nasundan siya ng asawa.
"Anong sila na lang?" tanong ni Myz.
"Sila na lang gano'n?" muling tanong ni Mule na galit na ngayon ang tono ng pagsasalita. "Okay!"
"Mule, ano bang problema mo?" tanong ni Myz matapos siyang talikuran ni Mule para maglakad ulit pero napigilan niya 'yon nang sabihin ang mga salitang 'yon.
"Wala ka talagang naalala?" tanong ni Mule. Natahimik lang si Myz at hindi makakibo. Wala siyang naalala. May mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang manganak siya pero wala naman siyang naaalala na bagay na ginawa niya dahilan para magalit si Mule sa kanya.
"Birthday ng anak natin ngayon. Birthday ni Jam Cicely! Hindi mo alam? Kasi ano? Kasi tuluyan mo na siyang pinatay d'yan sa puso mo?" sunod-sunod na sabi ni Mule sa natulalang si Myz.
"Binantayan kita araw-araw dahil sa maselan mong pagbubuntis sa apat na 'yan, pero araw-araw iniisip ko... iniisip ko na sana buhay pa si Jam, na sana gumagawa ako ng paraan para mahanap siya."
Sa pagsasalita ni Mule ay mararamdaman mo kung gaano pa rin siya nangungulila sa anak niya. Parang kahapon lang ang nangyari para sa kanya.
"Hindi kita sinisisi o sinusumbat sa 'yo ang mga ginawa ko dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nawalan tayo ng anak," ani Mule. Tila nanigas na si Myz sa kanyang kinatatayuan. Hindi makapagsalita.
"Pero kung sa tingin mo gano'n lang kadali sa 'kin tanggapin ang mawalan ng anak nagkakamali ka."
Tila kinurot ang puso ni Myz sa mga huling salitang binitiwan ni Mule. Tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan kasabay nang pagtalikod ni Mule sa kanya.
***
Sa gilid ng swimming ay nakaupo ang miserableng lalaki. Gabi na naman at ito ang panahon para sa pagluluksa niya. Tuwing gabi ay nangungulila siya sa isang tao. Naging habit niya na ito mula nang maganap ang trahedya sa buhay niya.
"Happy birthday, anak. Miss na miss na kita. Miss ka na ni Daddy... sobra," nanginginig ang boses na saad ni Mule habang tumutulo ang mga luha sa mata niya.
"Naniniwala ako na balang araw mahahanap din kita, patawarin mo si Daddy anak ha?" sabi niya habang nakatingala sa langit na may bituin na maningning, 'di tulad sa kanya na nawala na ang isa sa mga bituin niyang maningning.
"Kung nasa'n ka man ngayon, sana nasa mabuti kang kalagayan," sabi niya habang iniiyakan at pinagmamasdan ang picture ni Jam.
"Ngayon, nakapanganak na ang mommy mo p'wede na kitang hanapin. I'm sure matutuwa ka dahil may mga bago kang kapatid," umiiyak niya pa ring sambit at saka tinungga ang bote ng alak. Inubos niya ang natitirang laman no'n at inihagis sa mga boteng wala ng laman.
Pinagmamasdan naman siya ni Myz mula sa malayo. Umiiyak din siya at nararamdaman niya rin ang nararamdaman ng asawa. Masakit sa kanya bilang ina ang mawalan ng anak at makita ang asawa niya na masaya sa umaga pero nagluluksa sa gabi.
"Happy birthday, Jam. Promise ni daddy, no matter what happens..." Humihikbi pa rin si Mule dahil sa walang tigil niyang pag-iyak.
"I will find you."
![](https://img.wattpad.com/cover/138084024-288-k397356.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERA
RomanceSPG | R-18 | Mature Content In the Tiu pad, the age-old adage of 'a good husband makes a good wife' is put to the test. Mule, once a notorious jerk, a badass boy, and a womanizer, now conceals not only his wild past but also a clandestine mission th...