CHAPTER 1

2.5K 46 3
                                    

CHAPTER 1

            Mabigat ang pakiramdam ni Myles sa kanyang katawan. Parang nasobrahan yata ang kanyang kalasingan. Ngunit pinili nyang bumangon na nakapikit ang mga mata.  Ngunit habang naglalakad ay tila hindi nakasayad ang mga paa sa dinadaanan. Kaya napilitan syang magdilat ng mga mata upang alamin ang kakaibang pakiramdam.

            Nanlaki ang kanyang dalawang mata na halos lumuwa ng makitang nakalutang na nga sya sa kawalan. Nasaan sya? Anung nangyari sa kanya? Nananaginip ba sya? Siguro nga panaginip lang iyon at nais na nyang magising. Ngunit kahit anung pilit na paggising sa kanyang sarili ay hindi nya iyon magawa! Binabangungot sya? Mas lalong kelangan nyang gisingin ang sarili.

               Mula sa di kalayuan ay may narinig syang ingay. Nais nyang malaman kung anu ang nangyari roon kaya marahan syang naglakad para alamin ang nangyari. Gayun na lamang ang kanyang panlulumo ng makita ang isang kotse na halos mawarak na dahil sa labis na pagkabangga nito sa isang malaking truck. Isang babae ang sakay noon na dineklarang patay na ayun sa  kanyang mga naririnig na usap-usapan sa paligid.

                      

                   Napag-alaman na lasing ang driver ng nasabing sasakyan kaya hindi nito makontrol ang sarili sa pagmamaneho. Inilabas ng mga pulis ang babae na naipit sa loob ng kotse na iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata sa natuklasan.

                   “ hindi! Hindi maaari, hindi ako pwedeng mamatay!” iyak nyang sabi habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa kalsada ng mailabas na ito ng mga pulis. Sya ang babaeng iyon. Saka nya naalala ang kanyang ginawa bago ang naturang aksidente.

                   Nasa isang bar sila sa Makati kasama ang kanyang mga kaibigan ng makita ang kanyang nobyo na si Helton na may kasamang ibang babae at naghahalikan. Kaya pala hindi nito sinasagot ang kanyang tawag, dahil may ginagawa pala itong hindi nya alam, na minalas din na kanyang matuklasan. Nilapitan nya ang lalake at kinompronta. Nagkaroon ng pag-aaway at nagkasakitan. Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi na nya makontrol ang sarili sa paglalasing kahit na inawat pa sya ng kanyang kaibigang si Jel. Mabilis na tinungga ang bawat alak na inoorder nya at hindi na sya napigilan ng kaibigan.

                    Nang magsarado ang bar ay napilitan na silang umuwi. Inalok sya ni Jel, na ito na ang magmaneho ng kanyang sasakyan at ihatid sya nito sa kanyang condo ngunit tumanggi sya at gusto nyang mapag-isa. Wala namang nagawa ang kaibigan sa gusto nyang mangyari. Alam nito na broken hearted ito kaya hinayaan na lamang.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon