CHAPTER 35

308 8 0
                                    

CHAPTER 35

                Mula nang humingi ng tawad si Matt sa babae na tinanggap naman nito ay naging magaan na ang lahat para sa kanila. Naramdaman ni Matt na ang babae pala talaga ang kumokompleto sa kanya’ng pagkatao.

             Noong nag-aaway sila’ng dalawa ni Myles, at galit sya sa babae, pakiramdam nya ay may kulang sa kanya na sa mga oras na iyon ay hindi nya kaagad nalaman, na iyon pala ay  si Myles dahil nabulag sya sa galit rito. Ngayon na maayos na ang lahat sa kanila ay hindi na nya hahayaan na masira pa itong muli.

               Sa bawat araw na lumipas ay muling pinaramdam ni Matt ang halaga sa kanya ng dalaga. Muli nya itong sinuyo, na katulad ng dati, pinagsilbihan, at lihim na minahal. Wala pa sya’ng sapat na lakas ng loob na ipagtapat sa babae na mahal na nya ito. Hindi pa ngayon ang alam nya na tama’ng oras upang sabihin iyon kay Myles. Natatakot sya na baka hindi nito tanggapin ang kanya’ng pag-ibig at iisipin nito na kaya naramdaman nya iyon dahil nakikita nya ang katauhan ni Mariel.

               Ngunit nasisiguro nya sa kanya’ng sarili na mahal na nya ito hindi dahil nasa katauhan ito ng babaeng kanya’ng iniibig noon, kundi dahil, sa katangian at kabaitan nito sa kanya.

                 Noong mga oras na magulo pa ang lahat sa kanya, ay hindi pa rin sya iniwan ng babae. Araw-araw man sila’ng nag-aalitan  noon, nakikita nya na nagsakripisyo ito upang patuloy sya’ng makasama, hindi sya nito iniwan at sa halip ay inintindi at pinagsilbihan.

               Hindi lingid sa kanya’ng kaalaman na sa bawat araw na gumising sya, si Myles ang naghahanda ng kanyang hapag-kainan, nag-aasikaso ng kanya’ng susuotin sa bawat araw na sya’y papasok ng opisina. Lihim iyon na ipinagtapat sa kanya ni Manang Mildred. Ayaw na malaman ng babae ang mga ginagawa nito para sa kanya at iyon ang isa sa dahilan kung bakit lumambot ang kanya’ng puso sa babae. Isang mabuting maybahay ito na ginampanan ang  kanya’ng obligasyon sa kabila ng pagpapahirap nya sa kalooban nito.

               Habang naroon sila sa Isla ay pinuno nila ang bawat araw ng mga magaganda’ng alaala. Alaala na kanilang babaunin pagbalik nila ng Maynila. Mga alaala, na maging kanilang sandalan sa pagharap nila sa bagong yugto ng kanilang buhay.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon