CHAPTER 26
Mula noong araw na dinala si Myles dito sa Mental ay hindi nawawalan ng oras si Matt upang dalawin ang asawa. Minsan, upang hindi nya maiisip ang babae ay nagtatagal at naging abala na lamang sya sa opisina dahil wala namang asawa na naghihintay sa kanyang pag-uwi.
Hiniling sa kanya ni Myles na ihatid dito ang kanilang anak na pinagbibigyan naman nya kaya tuwang-tuwa ito.
Minsan ay naaabutan nya ang babae na nasa labas ng hardin ng Mental at karga-karga ito. Kahit papaano ay hindi ito malulungkot roon kahit na hindi sya kasama.
Hindi katulad nya, na araw-araw at oras-oras na nangungulila dito.
Gabi na nang makarating si Matt sa kanilang bahay sa mga oras na ito. Nasa labas pa lamang sya ng gate ngunit kitang-kita na nya ang isang babae na nakaupo sa isang silya sa labas ng kanilang balkonahe. Sa kanilang hardin. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nya makita ang mukha nito at tila naaaliw ito sa panonood sa mga naglalakihang Koi fish na lumalangoy sa live aquarium.
Ngunit kahit na nakatalikod ang babae, kilalang-kilala nya ito. Kinabahan sya sa kanyang nakita imbes na matuwa na nagbalik na ang asawa sa kanilang bahay.
Ngunit paano nangyari iyon? Bago sya umalis ng Mental ay nasisiguro nya na naroon ang babae at tulog na ito, kaya paano ito nakarating ng ganoon kabilis dito?
Nagmamadali syang ipasok ang kotse at nang magawa iyon ay dali-daling bumaba saka nagtungo sa kinaroroonan ng babae.
Naroon pa rin ito at nakaupo.
Hindi man lang sya nilingon nito.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Misterio / SuspensoNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...