CHAPTER 19
Nasa tabing-dagat ang mag-asawa ng mga oras na iyon. Medyo hindi gaanung malamig sa lugar sa buong maghapon. Nanghiram sila ng isang maliit na mesa sa hotel at dalawang silya na doon nagpalipas ng oras.
Magmula nang dumating sila rito ay noon lamang nila napagpasyahang tumambay roon. Sa sobrang lamig kasi ng lugar ay mag-i-enjoy ka na lamang na panoorin ang dagat sa loob ng iyong kwarto.
Mula kasi sa salamin na bintana at pintuan ng kwarto ng mag-asawa ay tanaw na tanaw nila ang magandang tanawin at malambing na alon ng dagat.
Ang hiniram nilang kagamitan ay isasama na lamang sa bills na babayaran oras na mag-check-out na sila sa hotel.
Magkatabing nakaupo ang mag-asawa habang pinagmasdan ang malawak na karagatan.
Masuyong hinahalikan ni Matt ang asawa at nagtatanong ng ilang karanasan nito noong kabataan nito. Sinagot naman ito ni Myles na lingid sa kanyang kaalaman ay may nais lamang malaman mula sa kanyang bibig ang asawa.
Lahat ng nangyayari sa buhay ni Mariel ay nalaman na itong lahat ni Matt dahil madaldal ang babae sa kasintahan noon, at tuwang-tuwa itong nagkukwento rito.
Lahat ng sinabi ng asawa sa mga sandaling iyon ay taliwas sa lahat na sinabi noon ni Mariel. Ni katiting na sinabi noon ng babae ay hindi nito nasabi ngayon samantalang iyon at iyon ang lagi nilang pinagkukwentuhan noon.
BINABASA MO ANG
AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)
Mystery / ThrillerNamatay sa isang car accident si Myles dahil sa sobrang kalasingan at lango sa ipinagbabawal na gamot...akala nya ay doon na magtatapos ang lahat para sa kanya, ngunit nagkakamali siya. Dahil sa siya ay makasalanan noong nabubuhay pa dito sa lupa,n...