CHAPTER 49

272 8 0
                                    

CHAPTER 49

       Magandang balita ang hatid sa buong pamilya sa araw na iyon. Masasabi na totoo ang kasabihan ng marami, na sa bawat pag-iyak, may liwanag na naghihintay at panibagong buhay na maghahatid ng ngiti sa labi.

        Nagising na si Matt sa araw na iyon kaya masayang-masaya si Myles. Nagmamadali sya’ng bumalik ng Ospital dahil hinahanap sya ng lalake. Hindi man sya ang unang nakita nito nang idilat ang mga mata, hindi na iyon mahalaga sa kanya, ang mahalaga nagising na ito at muli nya’ng makasama.

           Pagkarating nya ng Ospital ay nagmamadali sya’ng maglakad patungo sa silid na kinaroroonan ni Matt.

           Biglang nanikip ang kanyang dibdib at tumulo ang luha sa mga mata sa kasiyahan nang makita si Matt na nakangiti habang nakatitig sa kanya nang makapasok na sya sa loob.

           “ welcome back Hon, kamusta pakiramdam mo? Wala na ba’ng masakit sayo ha?”

           “ nagugutom ka ba? Anu gusto mo’ng kainin ha? Ibibili kita” sunud-sunod na tanong nya sa lalake.

            Imbes na magsalita, patuloy ang pagngiti ni Matt at itinaas ang dalawang kamay na ang ibig sabihin ay lumapit si Myles sa kanyang tabi at gusto nya ito’ng yakapin.

            “ hmmmmmmmm” boses mula sa bibig ni Matt nang mahigpit na niyakap si Myles. “ wag ka na muna mag-isip ng kung anu-anu, dahil okey lang ako” anito sabay halik sa noo ng babae.

             “ talaga?”

             Tumango lamang si Matt. “ hmmmmm, wag ka ng umiyak okey? Maayos na ako, di  ba nangako ako sayo na hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangyari?” at muling nagyakap ang dalawa. Lihim naman na napapangiti ang mag-asawang Dante at Arianna habang nakatingin sa dalawa.

              Naputol lamang ang kasiyahan na iyon nang may pumasok sa pintuan at iniluwa roon si Yolanda na may hatid na magandang balita.

             “ gising na si Mike!” anito na masayang-masaya ang mukha.

             “ talaga? Mabuti naman kung ganoon, isa ito masayang balita!” si Arianna.

             “ mukhang magkakaroon tayo nito ng malaking pagdiriwang?” pabirong sabi ni Dante.

                 Masayang-masaya ang lahat. Nang masiguro ni Myles na maayos na ang kalagayan ni Matt ay nagpaalam sya na dumalaw sa silid ng Ama ni Mariel.

               Kinamusta nya ang matanda at humingi ng tawad sa nagawa nya’ng kapabayaan, ngunit pinanatag nito ang kanyang kalooban na hindi sya sinisi ng matandang lalake sa nangyari rito. Niyakap ito ni Myles na may ngiti sa kanyang labi at lihim na din na nagpapasalamat sa Panginoon at binigyan pa ito ng panibagong buhay na katulad kay Matt. Sa ngayon ay wala na sya’ng mahihiling sa Diyos dahil dininig nito ang kanyang panalangin. Gaya nga ng sinasabi ng karamihan, walang imposible kapag tayo ay lalapit sa kanya. Dasal lamang ang lunas sa ating mga paghihirap.

AnGeL frOm tHe HeLL (kyrayle23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon